[9] Sundae, The Cynical Bitch

2.6K 86 3
                                    

CHAPTER NINE

"HINDI pasado sa standards mo ang anak ko?"

Alanganing ngumiti si Sundae.

"Joke lang," agad na bawi ni Tita Sue. "Hindi mo naman kailangang sagutin, e." Inilagay nito sa platito niya ang isang malaking cupcake na merong kulay pink na icing at tadtad ng sprinkles. "Nakakawala ng stress ang pagkain." Binigyan din nito si Rickson.

"Salamat po."

"Damihan niyo ang kain, ha? Rickson, ikaw na ang bahala rito kay Sundae. Siguraduhin mo na marami ang makakakain niya. Magpapalit lang ako ng damit."

"Sure, Ma. No problem."

Nang lumabas ng kusina si Tita Sue ay nagsimulang kumain si Sundae.

"Ang sarap, ha. Ang galing ng mama mo," manghang sabi niya.

"Hobby niya 'yan, e."

"Nagbi-business ba siya?"

"Hindi. Tumatanggap lang siya ng order. Ayaw kasi niyang maging busy siya. Gusto niyang maging full-time na nanay sa 'min."

"Mahal na mahal niyo siguro siya, 'no?"

"Parang ikaw lang sa papa mo."

"Nasa'n naman ang papa niyo?"

"Wala na rin siya gaya ng mama mo. He died three years ago. Kidney failure."

"I'm sorry to hear that."

"It's okay." Hinawakan nito ang pisngi niya at marahang hinaplos. Nakaramdam naman si Sundae ng kakaibang kilabot. At gusto niya iyon. "Okay ka na ba? Hindi ka na ba masyadong malungkot?"

"Hindi na. Okay na 'ko. Salamat sa pagdala sa 'kin dito."

"Walang anuman, Sundae. Anything for you." Bahagya pa nitong pinisil ang pisngi niya at nginitian siya.

At lumukso na naman ang puso niya kasabay ng pagkabulabog ng kanyang sistema. Kailan ba siya masasanay sa epektong iyon ni Rickson sa kanya? At tama naman kaya na masanay siya?

"M-may naisip tuloy akong business proposal kay Tita," pag-iiba niya at nag-iwas ng tingin. "Pwede kaming um-order ng cupcakes sa kanya na ibebenta namin sa NegativiTEA. Okay na siguro ang twenty pieces. Ano sa tingin mo?"

"Magugustuhan ni Mama ang idea mong 'yan."

SA NEGATIVITEA siya inihatid ni Rickson dahil doon niya iniwan ang kanyang sasakyan. Plano niyang umuwi na at sinabi nitong sasama ito sa kanya dahil may usapan ito at ang papa niya.

Sa warehouse sila dumeretso ni Rickson. Binati sila ng mga trabahador nila na subsob sa pagtatrabaho.

"Nasa'n po si Papa?" tanong niya sa isa sa mga ito.

"Nasa opisina niya, Ma'am," sagot naman ni Mang Erning, ang pinakamatanda sa mga ito. "May kausap siyang kliyente."

"Salamat po. Siya nga po pala si Rickson," pakilala niya kay Rickson sa mga ito. "Kaibigan ko siya. Rickson, sila ang mga tumutulong kay Papa dito sa negosyo namin. Masisipag sila at mapagkakatiwalaan."

Nakipagkilala sa mga ito si Rickson habang siya naman ay pasimpleng kumuha ng pera sa kanyang wallet. Ibinigay niya iyon sa pinakabata sa mga ito na si Elton.

"Magpasama ka. Mag-merienda muna kayo. Mukhang kanina pa kayo nagtatrabaho, e."

"Nakakahiya naman po, Ma'am. Pero maraming salamat po, ha?" tuwang-tuwang sabi ni Elton. "Abel, tara bili tayong merienda sa labas."

LiberTEA Trilogy 3: Sundae [PUBLISHED AS E-BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon