[10] Sundae, The Cynical Bitch

2.6K 90 1
                                    

CHAPTER TEN

"OF COURSE we know," ani Honey. "Kaya nga nag-decide tayong maging bitch na lang pagdating sa usaping lalaki. 'Di tayo pwedeng ma-in love dahil hindi natin gustong maging boba pagdating sa bagay na iyon. Nakakatanga magmahal!"

"And also, we are voguish than before. Natuto na tayo sa mga pagkakamali sa nagdaang misgivings sa buhay natin. So, dapat i-apply natin ang pagiging smarter sa napapanahong estado. Lalo pa yan, Éclair. Ikaw ang lumalapit sa lalaki? I know you are smarter than that, Éclair. Hindi mo kailangang lumapit sa lalaki dahil sa sinasabi mong in love ka sa kanya. At kung mahal ka rin niya, siya ang dapat na gumagawa ng move." Sundae snorted.

Kaya bahala ang Rickson na iyon kung wala na itong balak na magparamdam sa kanya. Ito naman ang may gustong lumapit-lapit sa kanya kahit tinataboy na niya ito. Hindi ito kawalan sa kanya. Hindi talaga! Mabuti na iyong malaman niya ngayon pa lang na hindi naman talaga ito seryoso sa kanya.

Bumuntong-hininga ulit si Eclair. Lagot na. Hindi na nga maitatanggi ang pinagdadaanan nito.

"Hindi mapipigil ng isang tao ang magmahal. Lalo na kung tinamaan siya ng 'love syndrome'. At sa pagkakataong ito, nasa stage 4 na ang epidemya na tumama sa akin. Wala na akong pag-asang mapagaling. Soon, mauunawaan niyo rin ako kapag kayo naman ang tinamaan ng ganitong epidemya. O baka nga tinamaan na rin kayo. 'Di lang kayo aware kaya 'di niyo iniinda?"

Natahimik sila ni Honey at ilang sandali pa ay wala na yatang balak na magsalita sa kanila. Siya, tinamaan na rin? Kanino, kay Rickson? Kung magkaganoon man, e di nasayang lang din ang pagprotekta niya sa puso niya sa loob ng mahabang panahon.

Mukhang malapit na yata siyang masiraan ng bait. Ano naman ang mapapala niya kapag ibinigay na niya sa ibang tao ang puso niya? Ano ang garantiya niya na mamahalin siya at hindi sasaktan? Hindi iiwan kagaya ng ginawa ng mama niya sa kanila ng papa niya?

Pero paano naman niya malalaman kung hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang sarili niya na magmahal? At bakit nakikita niya bigla ang sarili kasama si Rickson?

Naputol lang ang pananahimik nilang tatlo nang makita nila ang isang delivery boy na pumasok. May dala itong isang bouquet ng puti at pulang rosas.

"Sino po si Ms. Éclair Arellano?" tanong nito.

Nagkatinginan pa muna silang tatlo bago sabay nilang itinuro ni Honey si Eclair sa gitna nila. Ibinigay nito kay Eclair ang bulaklak.

"Delivery po. From Mr. Vincent Kyron Del Vega."

Sa reaksiyon ni Eclair ay akalain mong babagsak na ito sa sahig nang walang sugat ano mang oras.

INAAYOS ni Sundae ang mga libro sa shelf para maging busy naman siya. Busy sa POS si Honey at si Eclair naman ay busy na rin sa love life nito. At siya? Malamang kunwari dapat busy rin.

Pinagpag niya ang hawak niyang libro at akmang ilalagay na iyon sa shelf nang may biglang umagawa niyon sa kanya.

"Ako na rito."

Lumukso ang puso niya nang tumambad sa kanya ang mukha ni Rickson. Kung kailan naman hindi niya inaasahan ay saka naman ito magpapakita sa kanya.

"Ano'ng akala mo, hindi ko 'yan kaya? Akin na nga 'yan!"

Pero nailagay na iyon ni Rickson sa shelf.

"Hindi ko naman sinasabing hindi mo kaya. Ang sa 'kin lang, ako na lang para hindi ka mahirapan."

"Hindi ko kailangan ng concern mo."

"Ganyan ka naman, e."

"Ano ba kasing ginagawa mo rito?"

LiberTEA Trilogy 3: Sundae [PUBLISHED AS E-BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon