"Uy. Balita ko may girlfriend na si Kuya Alex ah." sabi ni Diana sakin.
"Oh? WOOOW!" proud na proud kong sabi. Tears of Joy naman.
Pero, parang meron sa loob ko na nanghihinayang. Ewan ko ba. 3rd Year high school lang kami pero, tinawag kong Kuya si Alex at nahawa rin yung mga kaibigan ko. Marami kaming magkakaibigan kasama si Alex. Kaya ko lang naman tinawag si Alex ng 'Kuya' dahil hindi ko talaga siya masagot sagot. Since Grade 5 kasi nanliligaw na siya sakin. Noong panahong 'yon, transferee lang ako. Huminto siya ng panliligaw sakin nang sabihin ko na 'Hanggang kapatid nalang po talaga.' Tinanggap naman niya yun at naka-move on. 2nd year nang huminto siya at nagka-girlfriend naman siya. Yung girlfriend niya noon at ngayon ay parehas.
Simula talaga ng 2nd year, nanghihinayang ako. Hanggang ngayon di ko alam kung bakit.
"Ba't parang naiiyak ka jan?" tanong ni Diana.
"Wala lang. Hahahaha! Nakakaproud lang." sabi ko na naiiyak. Hindi ako makapaniwala na na naka-move on na talaga siya sakin. Pero, parang meron talaga sa loob loob ko na nanghihinayang. Sinabi sakin ni Diana na nagka-girlfriend na si Alex nung 2nd year kami. Nakita ko lahat ng efforts at sweetness niya dun sa girl. Nakakapanghinayang at parang may inggit na nabubuo rito. Pero, syempre. Di ko naman aagawin siya ano! Masama yun!
Ngayong 3rd year na kami, nag break na sila ng girlfriend niya. Hindi namin alam kung bakit. Ayaw na ni Alex na ipaalam yun. Camping kasi namin ngayon sa school at kami ang facilitator. Kasama si Alex dun at ang iba ko pang mga kaibigan. Pang huling araw na namin 'to at dahil limang araw na kaming nagtuturo.
"Tara na nga! Lunch na tayo!" yaya niya sakin. "Nagugutom na ko eh. Anong oras na oh! Magaalastres na!" dagdag niya pa. Kung sabagay, sobrang nakakapagod magturo at ang tagal naming magturo dahil ang dami nila at sigaw kami ng sigaw maexplain lang ng maayos.
Pumunta nako ng kusina at kukuha ng mga plato. Nandun sina Mae-Ann at Melissa. Naghuhugas ng pinggan. Nakipagkwentuhan ako sa kanila nang mabanggit nila:
"Ay nga pala. Bakit hindi mo ba sinagot si Alex? Mabait naman. Matino." Tanong ni Melissa.
"Oo nga." dagdag pa ni Mae-ann. Ngumiti nalang ako.
"Uhmm.. ano... kasee... Ano.. hindi ko kasi siya kilala. Pero, kung manghihingi naman siya ng second chance, okay lang."
Isa naman talaga sa dahilan 'yon. At ang itsura niya. Marami kasi siyang pimples at mala Justin Bieber yung buhok niya. Pero, nagbago naman yun nang nag2nd Year kami eh. Naging ma-appeal siya. Ang galing nya lalo maggitara.
Sobra akong naiinis sa sarili ko kapag naalala ko yung ginawa ko sa kanya nung 1st Year kami. Niloko ko siya. Pinaasa. Ang sabi ko sasagutin ko na siya pag 2nd year pero ang TANGA ko. Ang tanga tanga ko. Naiinis ako lalo sa sarili ko. Ang dali niya kong pinatawad. Nakakainis!
"Ahhh. Nuuks. Taray ah!" pang-aasar ni Mae-Ann.
"Pero, bagay talaga kayo." sabi pa ni Melissa. Kinilig naman ako.
"Tara na nga!" at lumabas na kami ng kusina.
Actually, nagpapapansin talaga ako kay Alex. Sa paraang hindi niya mahahalata. Hoho.
Syempre, sa tuwing kakain, mauuna ang mga bata kaysa samin. Kami kasi yung nagsasandok ng mga pagkain nila. Nawawala naman yung mga mukhang pagod samin eh. Nakangiti kaming lahat. Nagtatawanan. Hindi naman kasi talaga samin maalis yung mga kwentuhang kabaliwan.
Natapos ang camping na puro kasiyahan ang baon. At sasabihin nanaman naming "Sobrang mamimiss ko 'to!"
Intramurals na rin namin next week. Nakakakaba. Naka-assign kami bilang First Aider. Na-train naman kami eh. Sina Alex naman, dun sila nagbabantay sa Gate. May nakatabing babae sa kanya. Kilala ko yun.
BINABASA MO ANG
Oo na! CRUSH KITA! [One-Shot]
Genç Kurgu"Jusko! Paano mo ba masasabi na CRUSH mo yung isang tao? Diba nakakahiya? Nagpapanic ka tuwing nandyan siya. Eh Pano pa kaya kung nalaman nya na? Makakarelate siguro kayong lahat sa storya ko kapag nabasa niyo na. Kasi naman 'tong mga kaibigan ko e...