Prologue

14 0 0
                                    

Naranasan mo na bang mainlove?......
  -- Oo. ilang beses na nga akong nainlove kaso ang masaklap eh yung mga taong minahal ko iniiwan ako..

Nasaktan ka na ba?......
-- How many times na nga ba? Siguro nga, sobrang sanay na yung puso kong masaktan. pero I know na that's life... Kailangan ko nalang tanggapin na part ng buhay natin ang masaktan.

Naranasan mo na bang umiyak ng dahil sa love?.....
-- Oo naman. Ilang beses na kong pinaiyak ng LOVE na yan...minsan nga naiinis na din ako sa sarili ko...kasi bakit pag nagmamahal kailangan nasasaktan at umiiyak? Siguro para mailabas yung saloobin mo...

Minsan ka na bang nainlove sa taong imposibleng magustuhan ka?.....
-- Oo naman. I always love people who don't love me back. And that's the reason kung bakit takot na akong mag mahal ulit..

Napaglaruan na ba yung feelings mo?.....

-- Of course, YES! A big big YES ilang beses ng pinaglaruan ng mga ga*ong lalaki ang feelings ko. Ilang beses nakong ginago ng mga lalaki. Ilang beses ng pinaglaruan ilang beses ng niloko..

Ayan ang mga tanong na hinding hindi ko makakalimutan sa tuwing naiinlove ako. Tinatak ko na sa isip at puso ko yan. Dahil ilang beses na ko naging tanga sa pag ibig. Sabi nila, part ng pagmamahal ang pagiging tanga. Parte man ng pagmamahal yun pero hindi naman parte ng pagmamahal ang maging tanga ng paulit ulit diba? Hindi naman kailangan mag pakatanga ng paulit ulit sa isang tao na sinasaktan at niloloko ka ng paulit ulit. Pero sabi nga nila, kapag nag mamahal ka daw hindi mo na iniisip yung sarili mo. Na kapag nag mamahal ka daw eh nagiging tanga ka raw talaga. Kahit nga ang mga matatalinong tao nagiging tanga pag PAGIBIG na ang usapan. Bakit ang lakas ng epekto ng LOVE sa buhay natin? Hindi naman to nakakain. Minsan nga ang sakit mag mahal. Lalo na kapag hindi nasusuklian. Okaya sinusuklian nga pero pang kaibigan lang. Ang unfair nga naman ng buhay. Pero parte ng buhay natin yan. Ayan ang pinanghahawakan ko hanggang ngayon.

-Ms. Nosie

NOSIE & THE BEASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon