Chapter 10: Misunderstood

101 2 3
                                    

NOTE:

tapos na ako sa pag-eedit ng mga mali-mali ko, well hindi lahat at pinapaala ko lang, minsan na lang ako makapag uupdate dito kasi super busy sa school tapos may bago pang grading system, kaya bumababa ang grades ko pero don't worry, mag-uupdate din ako pag hindi masyado busy. heheh

anyways, heto na ang chapter 10

==================================================================

Anya's POV

"hindi, this house would be much happier kung dito ka titira" 

sabi niya sa akin habang nakatingin sa'kin ng seryoso.

napisip ako, hindi ba siya masaya dito?  Siguro, mag-isa lang siya dito. pero diba, ate naman niya ang guidance councilor nang school namin? kulang lang siguro nang family bonding

"Bakit hindi ka ba masaya dito?" tanong ko sa kanya

hindi siya sumagot, kundi yumuko at linalaro ang lugaw na linuto ko

"hindi naman sa malungkot dito, kaso lang, parang may kulang." mahinang sagot niya

"ano naman yun?"

"yung nagpapasaya sa'yo, yung feeling mo  may nag-aalaga sayo. hmm. Nevermind. siguro iniisip mo ang weird ko o di kaya ang drama ko." 

"ba't mo naman nasabi yan? wala naman akong iniisip na ganyan.. " pagcocomfort ko sa kanya

"Anya," 

"bakit?"

"sorry talaga sa nangyari. hindi ko naman sinasadya na ibuntong ko sayo yung galit ko."

"ano ka ba Taejun, past na yun. kahit nga sobrang nagalit ako sayo nun, pero kalimutan na natin yun. pero matanong ko lang bakit ka pala galit?" 

napatigil siya sa tanong ko. bakit napasobra na ba ako?

"ahh ok lang kung ayaw mong sumagot" baka kasi personal yung reason

"nope. it's ok." huminga siya nang malalim "it was my little sister's death anniversary. and that teddy bear, the same features, reminds me of her, how I didn't make it. " 

wait lang. sobrang sensitive nang topic nato pero sinabi pa rin niya. 

"um, sorry, hindi ko naman alam. " so all this years, kapag sinecelebrate ko ang anniversaries namin ni Mike, may isang tao dito na nagluluksa?

kaya ba mukhang malungkot ang mga mata niya noon, kasi naalala niya ang kapatid niya?

lahat nang accusations ko sa kanya mali? lahat yun na misunderstood ko?

"hindi mo naman kailangan magsorry, kasalanan ko rin naman talaga yun."

"pero kung ok lang sayo? bakit hindi ka na naka abot sa kapatid mo? at sinisi mo pa ang teddy bear?" tanong ko. alam ko naman na sensitve pero  curious ako eh

"papunta na sana ako nang hospital nun nang maalala ko ang pangako ko sa kapatid ko na sa susunod na bibisita ako sa kanya, magdadala ako nang teddy bear. at ang nabili ko ay kagayang kagaya nang teddy bear binigay nang ex mo. pagdating ko sa hospital,wala na siya.. nagalit si Mom sa'kin dahil bago namatay ang kapatid ko, hinahanap niya ako. mahawakan man lang sa huling pagkakataon. pero hindi ako nakahabol dahil mas inuna ko pa ang stuff toy. Simula nun, sinisisi ko na ang sarili  ko. nagbago ang buhay ko, naging tahimik ang buhay ko, naging mas malungkot ang buhay ko." tumigil siya at ngumiti nang konti " pero dumating sina Blue at Jed, kahit papaano naging masaya ang buhay ko tapos sunod naman nakilala ko si Alex at kayo."

lumapit ako sa kanya at bigla ko na lang siya yinakap.

"hindi ko alam na ganito ka pala. " at nagsimula na ako umiyak

"hinawakan niya ang balikat ko at tinignan sa mata

"Anya, hindi mo naman kailangan kaawaan ako. sinabi ko lang yun sa'yo para malaman mo kung bakit ganon ang inasta ko. pero salamat. salamat dahil pumunta ka dito at.. at.. sinubukan mo akong intindihin." at yinakap niya ako nang mahigpit

pagkatapos nang ka dramahan namin sa kitchen, nandito na kami sa living room at nanunuod nang kahit ano. mukhang ako lang kasi ang nag-eenjoy sa panunuod kasi siya, hawak ang cellphone. busy sa pagtetext. sino naman kaya yan...

maya-maya may narinig akong click nang camera. pag tingin ko...

"uyy, i delete mo yan!" tumayo na ako at luampit sa kanya para kunin yung phone kaso tumayo rin siya at lumayo sa akin

"ayoko nga, heto lang picture ko sayo. HAHAHAHHA"

alam ko ang pangit ko jan kasi super feel na feel ko ang pinapanuod ko. korean drama kasi

"idelete mo na kasi!!" at hinabol ko siya

pero lumalayo naman siya. teka nga may lagnat ba talaga ang isang to? mukhang wala naman.

"habulin mo muna ako." at tumakbo na siya palabas nang bahay.

tumakbo na rin ako para habulin siya,. napadpad kami sa garden nila. at sobrang bilis niya. nang mahawakan ko na siya bigla naman niya itinaas ang kamay niya.

"eh Taejun ang takad mo,"

"subukan mo kayang tumalon"

lumayo  ako nang konti. at nag-crossed arms. iniisip ko kasi papaano ko kukunin phone niya.

"ano suko ka na?" hindi pa rin ako umiimik.

"uy" -.- isip anya

"Anya? galit ka ba?" -.- isip anya

"galit ka siguro eh." -3-

O____O

"b-bat mo yun g-ginawa?" HINALIKAN lang naman niya ako. sa LABI ko!!

"naka-pout ka kasi,hehheh akala ko gusto mo nang kiss kaya kiniss kita" sagot niya habang nakangiiti nang napakalapad

^___^             O__O

hindi ko inakala na ikikiss niya ako. hindi ko naman sinasadya na mag pout. OH NO! anong ginawa ko?

kiniss ako ni TAEJUN.. at feeling ko sobraaaaaaaaaaaaaaaang pula na nang mukha ko at sobraaaaaaang bilis ng tibok nang puso ko..

anong ibig sabihin nito??

==========================================================

end of chapter 10 :) 

DEDICATED KO TO KAY IMNOTANYBODYSGIRL :) 

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon