A/N: hey guys! may bago po akong new story na ginawa, sana mabasa niyo rin at magustuhan
Enjoy!
Taejun's POV
Ilang linggo ko na itong pinag-isipan kung itutuloy ko ba o hindi na pero parang may nagsasabi sa akin na hindi ito ang tamang oras na gawin ko yun? pero kailan pa? Para kasing may mangyayaring hindi maganda, pero sana kutob ko lang yun.
"Hey ok ka lang?" tanong sa akin ni Blue sa akin
"oo bakit?"
"ang tamlay, pre." sabi niya sabay upo sa tabi ko
"hindi noh,may iniisip lang"
"ano ba kasi yun?" hindi rin siya chismoso ano. hindi ko siya sinagot at tumingin nalang sa mga tao dumadaan sa aming harapan
"aahh alam ko na si Anya ang iniisip mo ano?" napatingin ako sa kanya, kumunot naman ang noo ko, paano niya nalaman? Ganun ba ka obvious, na iniisip ko siya?
"alam mo kasi, ilang araw naman kasi wala si Anya kaya hindi lang ikaw ang nag-alala pati na rin kami." sagot niya
"pero kung ako sayo puntahan mo na yun sa bahay nila, baka isang araw, malaman mo nalang engage na ibang tao." napangiti ako sa sinabi, relate kasi din siya, may pinaghuhugutan tong isa to hahahah
"bakit Blue, naranasan mo na ba yun?" tanong ko.. tumingin naman siya sa akin na nakakunot
"hindi noh." pagmamaangan niya
"talaga? eeh bakit nung malaman mo na si Red ay ikakasal sa ibang lalaki parang kang namatayan?" pagbibiro ko
"tss. oo na, ako na may pinaghuhugutan, pero 'tol huwag mo sanang hintayin na mangyari din yun sayo, buti nga sa akin pati yung walang kwentang lalaki na yun gustong ring umatras pero paano kung sayo hindi at ipaglalaban niya talaga si Anya, alam mo bang talo ka nun." napaisip ako. tama naman kasi si Blue. bigla ako nakaramdam ng takot at selos. hindi impossible na mangyari yun, Ilang araw naman kasing hindi pumapasok si Anya, hindi rin naman kasi alam nina Sab kung ano ang nangyari sa kanya. tinawagan nila pero ayaw sagutin,
kainis naman oo! Ano ba kasi ang nangyari sa kanya, bakit siya biglang hindi pumapasok, Kaasar!
"oh, bakit ka namumula?"
"Shit naman kasi, mas lalo mo akong pinag-aalala kung ano na nangyayari sa kanya! kaasar!!"
"oh chill ka lang, buti nga natauhan ka."
"tss."
"puntahan mo na kasi." pagmumulit niya
"huwag kang atat, Blue, pupuntahan ko naman siya pero iisipin ko muna ano ang sasabihin ko sa kanya kung bakit pumunta ako don"sagot ko
"huwag ka nang mag-isip, puntahan mo na!"
"Alam mo Blue instead na andito ka sa tabi ko subukan mo kayang bantayan yang pinakamamahal mo baka kasi MAAGAW ulit!" sigaw ko sa kanya,
O.O
"SH*T! oo nga!! sige lamat,! alis na ako," sigaw niya att tumakbo kung saan man si Red ngayon
"pumikit ako saka huminga ng malalim. Para kasing maymangyayari na hindi ko gusto.
Sab's POV
nandito kami ngayon sa bahay nina Anya, ilang araw na kasi siya hindi pumapasok tinatawagan namin hindi naman sumasagot, kya heto kami ngayon titignan siya kung ok lang ba siya o hindi
"Manang anjan po ba si Anya?" tanong ni Sandy kay Manang
"nasa kwarto nya, hindi pa yun kumakain."
"ano po ba ang nangyari?" tanong ko, nagbabakasakali na sabihin ni Manang
"dumating kasi si Mam Deny, mag-iisang linggo na nga eh, tapos may pinag-usapan sila tapos bigla-bigla nalang nagsisigawan sila tapos ayun na nga tumakbo si Mam Anya sa kwarto nya at simula nun parati na siyang malungkot." napataas ako ng kilay ano naman ang pinag-usapan nila at bakit nagkaganon si Anya
"ah sige po, puntahan nalang namin" sabi ko.
habang naglalakad kami papunta sa kwarto ni Anya, biglang nagsalita si Sandy
"Sab, puntahan ko nalang si Ate Deny, tatanungin ko kung ano yung pinag-usapan nila, alam mo naman medyo close kami nun, ikaw na muna ang kumausap kay Anya, ok lang ba?"
"oo naman."
pagdating ko sa kwarto ni Anya bigla akong kinabahan ewan ko kung bakit. kumatok na ako. mga ilang katok hindi pa rin nya binubuksan baka tulog, sinubukan kong i-open at himala at hindi nakalock sana kanina ko pa to ginawa
pagpasok ko sa looblaking gulat ko at napakakalat, yung vase basag, yung damit nya kung saan-saan nakakalat. tinignan ko si Anya na mahimbing na natutulog, anong problema nito? hindi naman siya ganito kung may problema, ang adik nga nito sa kalinisan
"anong ginagawa mo dito?" naplingon ako sa kanya. hindi ko namanlayan na gising na pala siya
"binibisita ka. Anong nangyayari sayo?" tanong ko. Mukha siyang miserable
"Wala kang pakealam, umalis ka na." napaatras ako ng bahagya sa sinabi nya. 1st time ko yata marinig na yun galing sa kanya.
"What?" tanong ko
"hindi ka ba nakakaintindi nag tagalog, sabi ko umalis ka na." sabi nya saka naglakad papunta sa akin.
"get out" sabay turo palabas ng kwarto nya
"Anya"
"Sab, please umalis ka na"
"No! andito ako para tulungan ka kung ano man yang problema mo. KAya please sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo."
"NO! wala kang magagawa, kaya kung ako sayo umalis ka na!"
"Bakit ayaw mong sabihin sa akin? Kaibigan mo ko! alalahanin mo na meron kang kaibigan na nag-aalala sayo at handang makinig jan sa problema mo!" napasigaw na ako dahil hindi ko siya maintindihan.
hindi siya nagsalita at tinititigan lang niya ako. Yung tingin niya parang may sinasabi pero hindi ko mafigure-out
"No one can help me." tanging sagot
"No, hindi ako nang-iiwan ng kaibigan."
"Sab, please wala ako sa kundisyon para maging mapasensiya. kaya please umalis ka na"
"ANYAA-" *pak*
"HINDI KA BA TALAGA NAKAKAINTINDI NA UMALIS KA NA!!! NAGUGULUHAN AKO SAB!!! GUSTO KO MAKAPAG-ISIP!!! KAYA PLEASE UMALIS KA NA!!!!!" sigaw niya. ramdam ko pa rin ang hapdi ng sampal nya. hindi ko lubos maisip na gagawin nya talaga ito.
"kung yan ang gusto mo! Fine!! mag isip ka!!! pero huwag mo sanang kalimutan na may kaibigan ka!" sigaw ko saka tumakbo palabas ng bahay nila.
hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. iyak lang ako ng iyak, ang sakit kasi, nag-aalala ka na nga ikaw pa yung nasaktan,
"aray!"
"Sab?"
"Taejun?"
"b-bat ka umiiyak?" tanong nito?
"wa-wala to" sabi ko saka tumayo. "kung balak mong puntahan si Anya, huwag muna ngayon" sabi ko baka kasi mag-away rin sila at ayaw ko naman mangyari yun
"sige" tanging sagot nya, inalayan nalang niya ako papunta sa kotse nya at hinatid pauwi.
hanggang ngayon kasi hindi ko maintindihan si Anya. anong gumugulo sa isipan niya? Ba't siya naguguluhan? Sana naman, maisip niya nandito lang kami para sa kanya
------------------------
end of chapter 21. sorry po kung matagal akong mag-update
BINABASA MO ANG
Loving You
Fiksi RemajaLoving you is the BEST FEELING na naramdaman ko. Hindi ko man maipaliwanag kung gaano ako kasaya nang makita kita. Ito ang nararamdaman ng mga bida sa storyang ito. masaya na at halos wala nang problema. Pero pa'no isang araw, lahat nang kasayahan n...