Red's POV
pagkatapos kung malaman kung ano yung emergency na tinutukoy ni Nike ay aba't nakakabwisit nagtuloy-tuloy ang problema ko. Kung bakit? nalaman na ni Mom na yung get up ko sa school ay boyish grabe one week niya ako pina grounded. hatid sundo ako ngayon at ngayon may bantay pa kung sakali palitan ko daw ang damit ko. Kainiiis!! >_<
Pagdating ko sa school, lahat sila nakatingin sa akin. Yung iba hindi makapaniwala na ang isang Rosaline Jones na model ay dito na nag-aaral. Alam naman yun na mga kaklase na isa akong model dahil sa pangalan ko palang pero yung iba hindi kaya naman..
"si Rose yan? WAAAH!! ang swerte natin schoolmate natin siya!"
"picture tayo sa kanya brad, minsan lang to"
bigla nalang nila ako dinumog at ako naman si Rose hindi maka-alis. Aish! How i hate going to school kung ganito lang pala ang madatdatnan ko. kaya nga gusto ko ganun ang get up ko!!
magsasalita na sana ako nang may humawak sa wrist ko at kinaladkad palayo sa mga ka-schoolmate ko.
"hey! bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya. hindi ko makilala sino kumaladkad sa akin dahil nakatalikod siya at sobrang bilis mag lakad
"Bitawan mo nga sabi ako eh!" at binitawan naman niya pero in a harsh way
"sino ka ba at How-" naputol ako sinasabi ko dahil humarap siya sa akin
"Blue?" tanong ko
"How nice to see you AGAIN" sabi niya. Alam ko naman ang tinutukoy niya
"yeah. Nice to meet you again." I said in a cold tone.
"Hindi ko alam na dito ka pala nag-aaral" sabi pa nya. Ba't feeling ko ang cold-cold niya sa akin. Well ganyan naman siya simula nung last talk namin
"what exactly are you doing Blue? Alam mo naman siguro na ako to. It is your second time to see me like this and your acting what? As if it's your first time?" sabi ko sa kaniya na may halong pagka-irita kasi naman nagkakaganyan siya simula nung makita niya ako nagka-ganito.
Alam ko rin naman na mahal na niya yung babaeng matagal na niyang hinahanap na kasalukuyang AKO yung babaeng hinahanap niya
"Why didn't you tell me?" seryosong tanong niya
"Tell you what?"
"seriously Red? hanggang ngayon pa ba hindi ka aamin?"
"nakikita mo naman Blue diba so ano pa ba ang sasabihin ko sayo?"
magsasalita pa sana siya nang dumating sina Jeb, Alex at Taejun
"Sino yan?" tanong bigla ni Alex
"Red?" takang tanong ni Jeb
"i thought your a tomboy." sabi naman ni Taejun
"Well Yeah, ako nga. And for nth time I'm not a lesbian." sagot ko sa kanila
"wow Red hindi ko akalain na--" sabay tingin sa akin Head to toe ni Alex
"What?"
"babaeng-babae ka! Halos hindi kita nakilala." sabi pa niya
"maniniwala na talaga ako na ikaw yung model sa Glimpse si Rosaline Jones" dagdag pa ni Alex
"noon pala ayaw mo maniwala?" pang-aasar kong tanong sa kanya
"oo kasi naman akala ko kapangalan lang talaga lahat, hindi lang ikaw ang Jones sa mundong ito at hindi lang ikaw ang Rosaline kaya naisip ko nagkataon lang ang lahat. hahahah" sabi ni Alex
BINABASA MO ANG
Loving You
Dla nastolatkówLoving you is the BEST FEELING na naramdaman ko. Hindi ko man maipaliwanag kung gaano ako kasaya nang makita kita. Ito ang nararamdaman ng mga bida sa storyang ito. masaya na at halos wala nang problema. Pero pa'no isang araw, lahat nang kasayahan n...