TSSL Chapter 2 ( On the Way for Love)

10 1 0
                                    

Nakaalis na ako ng bahay...

**Traffic sa EDSA** (8:25 A.M)
Nako naman oh kung kelan ka nga naman nagmamadali tss.. Eto na nga lang para hindi mainip. I will be a story teller this time. Yes, about my past, about my childhood crush :')

#FLASHBACK

"Samantha! Samantha! Come here, look what I've got for you!" excited na excited na sigaw ni mommy.

Ganyan naman siya palagi eh, may pasalubong kada uwi galing work. Eh ayaw niya daw kasing walang pasalubong ang princess niya..
"Look Samantha" dagdag pa nito habang habang ipinapakita sa akin ang white with violet ribbon na dress

"Wow mommy! Ang ganda!But, whats the occassion mommy?" tanong ko

"Well may aatenan tayong party bukas at 5 p.m.. Oh ano? Are you gonna come with us?" malaking smile na tanong ni mommy at pinaikot ako sabay palakpak ni yaya Thelma.
"Ofcourse mommy! I'm gonna go for it." sabi ko sabay hug sakanya

--7 years old lang ako nung nakilala ko yung akala ko yung akala kong soulmate ko (Pero soulmate nga ba talaga?)

**At the Party**
"Mommy?" tanong ko "Oh bakit baby girl?" tanong din ni mommy sa akin "Just enjoy the party, dito nalang po muna ako uupo sa tabi." sabi ko kay mommy

At hindi naman siya nagreact pa..

Eh para kasing inaantok na ako eh.

Naglakad-lakad nalang ako sa park hanggang makita ko yung nag-iibang ilaw sa may fountain kaya ayun na enjoy na ako at nawala ang antok ko. Hanggang sa may nakita akong batang lalaki na naka upo malapit sa fountain. Nalapitan ko ito at tinanong. "Hi! Kasali ka ba sa party?" palakaibigan kong tanong.
"Ah hi! :) Oo may parents are here and this is our house." nakangiti niyang sagot "Wow ang ganda naman ng pagkaka-design ng bahay ninyo." papuri ko habang nililibot ang mata ko sa bahay... Eh ang ganda naman kasi ng pagkaka design.. Yung tipong ang weird niya tingnan pero kapansin-pansin dahil pabilog ito pero kapag pumasok ka.. hindi naman..

"Ahh.. by the way.. my name is Stephen Bruke." pagpapakilala niya habang nilalahad yung kamay niya sa akin "Ako nga pala si Samantha Marie Ojales-Smith, ang haba diba?"sabay abot ng kamay niya at sabay kaming tumawa.. at bigla pumasok sa isip ko ang hindi ko inaakala na bakit ito pa ang pwede kong isipin sabi ng isip ko

Sana balang araw magkita ulit kami at ang pagkikitang iyon ay malaki na kami .. Tapos liligawan niya ako... Pero ang bata ko pa para isipin ko ito.. 7 palang ako no!!

Bigla naman akong bumalik sa realidad ng marinig ko siyang magsalita "Gusto mo bang i-tour kita.? Sa bahay namin?" sabi niya habang gumagawa ng killer smile.. hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.. pero may tiwala naman ako sakanya. "Sure.. why not?" well sabi niya eh.. nakakahiya naman ang tumanggi..

Nilibot namin ang bahay niya habang ako pagod na pagod, eh ang laki kasi ang bahay netong lalake na ito eh.. At para namang napansin niya ako na pagod na.. "So tired kana?" paasar niyang tanong

At dahil sa ayaw kong magpatalo "Hindi ah!.. bakit may iba pa ba tayong hindi napupuntahan dito?" pagmamayabang kong sagutin ito

"Aha!" sumigaw siya "meron pa!" tss seryoso ba talaga siya? Eh.. pagod na ako eh.. #YabangPaMore

Bigla niya naman akong hinila, ewan ko ba kung saan niya ako dadalhin.. Pero dahil masunurin ako.. sumunod naman ako dito.. napahinto naman kami sa paglalakad "Here." turo niya sabay turo sa may park ba to?

"Oh? eh ano to?" pero may masama akong feeling pero eh.. parang nakakatakot dito sa park na ito. Pero hindi ko pinahalata ang takot ko sakanya.. baka pagtawanan niya lang ako.

"Eto ang haunted Park dito sa bahay." nananakot ata siya eh "Alam mo kapag ganitong oras daw merong white lady na gumagala dito sa park na ito. Tapos tatayo sila sa likod mo." may pa action-action pa siyang nilalaman.. tapos may bigla siyang tinuro sa likod ko sabay sigaw ng "Hala, andiyan na siya sa likod mo!"

Sa sobrang takot ko hindi ko napigilang mapayakap sakanya, nang biglang narinig ko ang boses ni mommy atay kasama siyang isang babae.

"So,andito lang pala kayo Teph anak." sabi nung babae na nanay ata ni Stephen "Oo nga kanina pa namin kayo hinahanap." sabi ni mama sabay hawak sa kamay ko "Oh? Bakit namumutla ka?" tanong ni mommy

"Eh kasi naman po si Stephen mommy eh.. tinakot ako." naiiyak na sabi ko.
"Stephen! Say sorry to Samantha!" ... galit na sabi ng nanay niya..

** End of Flashback **

Hindi ko namalayan na panay busina ang naririnig ko.. at hindi ko din napansin na may mamang pulis na palang kumakatok sa window ng kotse ko.. binuksan ko naman ito

"A-ano pong problema?" tanong ko dito at halata namang ikinagalit niya.

"Ahh. So hindi mo alam na ikaw ang problema? Hindi mo ba alam miss?? Na kanina pa ako katok ng katok dito sa window ng kotse mo!! At hindi mo ba alam na dahil sayo nag cause ng traffic at nag-iinit na yung ulo ng ibang tao!!" mahaba niyang explaination na naging sanhi ng matindi niyang paghingal..

"Ahh okay s-sorry.. may inisip lang po ako." at agad ko ng ipinaandar ang kotse ko dahil sa takot na baka sugurin pa nila ako.. kawawa naman ang maganda kong face.. ayaw kong humarap ng hindi maayos sa interview ko :(...

Bigla ulit nag flashback sa utak ko yung nag apologize sa akin si Stephen..

** Flashback **A/N (Madali lang po to.)

"What are you waiting for Stephen?? Hindi ka man lang ba magaapologize?" naiinis na tanong nito sa kanyang anak..

"Okay.. fine." nag sigh muna siya bago magsalita muli "I'm sorry Samantha.. I know that I make you scared, and I promise not to scare you again." napahanga naman ako sa sinabi nito at bigla akong nabigla ng bigla niya akong yakapin and whisphered "Let's be Friends." hindi ko naman hindi maiwasan na mapangiti sa sinabi niya at hinarap ko ito.. "Hindi lang basta friends! I want to be your Best Friend!!" at nakita ko naman ang tuwa sa mga mata ng mga mommy namin nang marinig nila ang sinabi namin..

"Naku mare ha.. baka magka developan yang dalawa ha.." sabi ng mommy ni Stephen habang kami naman ay sumunod na sa kanilang naglalakad.

** End of Falshback ** A/N: Oh diba? Andali lang)

A/N: Guys sorry ha kung puro flashback tong Chapter na ito kaya ko nga pinangalanan ng "On The Way For Love" Guys I promise na palagi akong mag-uupdate.. and pakibasa naman po ng A/N ko dahil minsan may mahalagang detalye po akong inilgay..

Guys follow niyo po ako sa Twitter @samanthalexir

"The Spice Secret Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon