Part 2

7.4K 61 0
                                    

Kasalukuyan nilang binabaybay ang daan patungo sa lugar kung saan gaganapin ang event. Nakapangalumbaba siya sa loob ng sasakyan habang ang kaibigan niya ay nakangising aso sa pagmamaneho. Para silang mga batang nag aagawan nang susi ng sasakyan niya sa parking lot kani kanina lang she loves her brand new car, she was way too proud of it nang iminuwestra niya ito kay Allison grinning from ear to ear tila nagkagusto din ang kaibigan niya rito which ended up in stupid game of who gets to drive. Naturingang kanya ang sasakyan ngunit heto siya ngayon at nagkasya na lang sa pagiging shotgun rider.

" Kung alam ko lang sana edi nagkanya kanya na lang tayong sasakyan papunta doon " asik niya.

"Tsk... para nga makatipid sa gasolina di ba? I get to drive coz I won. Di ko na kasalanan kung ba't di mo abot yung susi sa mga kamay ko"

Paano niya maabot aber? E sa tangkad netong 5'10" walang panama ang katangkaran niyang 5'3.8 nang magsaboy siguro ang Diyos nang height requirements ay tulog siya kaya di nakasalo ng grasya.

"Dahan dahan lang Allie masyado mong pinanggigilan 'tong sasakyan ko. Marami kang kahati sa daan"

pagsusumamo niya sa kaibigan, minsan lang niyang e spoil ang sarili kaya nung maka luwag luwag ay di na siya nagpatumpik tumpik sa pagbili ng Lamborghini Huracán, she is into fast cars ever since she laid her eyes on one kaya nangako siya sa sarili that someday she's going to own one heto ngayon siya't naachieve na ang goal niya despite of the Php 29,500,000.00 price tag that comes along with it.

"Wala ka bang tiwala sa akin? Relax Maggie... tsaka may insurance naman siguro tong sasakyan mo di ba?"

"Ayusin mo ang pagmamaneho kung ayaw mong makalbo kita nang wala sa oras"

pinanlakihan niya ito ng mata habang ang huli naman at natatawang umiling ilang sa pagbabanta niya.

Bigla siyang napahawak sa dashboard ng sasakyan nang maramdamang bumilis ang takbo nito. Napansin naman niyang nakakunot ang noo ng kaibigan habang may tinitingnan na kung ano sa rear view mirror.

"Hoy!!! dahan dahan naman Allison Margarette Aquino wala tayo sa racing arena tigil tigilan mo 'yang ambisyon mong maging F1 racer hindi bagay sa'yo"

"Pansin mo iyang sasakyan sa likuran? kanina pa iyan nanunudyo e, kung aabante ako aba't aabante din yung gago"

"Pansin mo iyang sasakyan sa likuran? kanina pa iyan nanunudyo e, kung aabante ako aba't aabante din yung gago"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tiningnan niya ang tinutukoy nitong sasakyan nang humarurot ito sa kanilang unahan. Isang itim na McLaren 650s Spider ang tinutukoy neto, napataas pa ang kilay niya... may isang kamay na lumabas mula sa bintana nang passenger seat ng mismong sasakyan nag init lalo ang ulo nilang magkaibigan nang sumaludo sa kanila nang walang pakundangan ang middle finger nang kung sinumang lulan ng sasakyan na iyon. Bago pa ito mawala sa kanilang paningin ay nanggagalaiti niyang sinulat sa kanyang planner ang plate number ng mismong sasakyan. E rereport niya ito sa LTO for reckless driving, lintik lang ang walang ganti napangisi na lamang siya sa naisip.

" 981 KS ".

" 981 KS "

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Becoming HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon