Ilang araw na din siyang hindi pumapasok sa trabaho. Allison kept on trying to contact her but she chose to ignore her attempts. Hindi pa niya nasasabi ang mismong kalagayan niya na mayroong namumuong munting anghel sa sinapupunan niya. She needed someone like her friend right now para damayan sana siya pero hindi pa siya handa para sabihin ang katotohanan.
Kagabi ay napagisipan niyang itago pansamantala ang kondisyon niya. Alam niyang malalaman din nang mga malalapit niyang kaibigan at katrabaho ang sekreto niya pag lumobo na ang tiyan niya at natatakot siyang husgahan nang mga ito lalo na't nabuntis siya nang hindi man lang naikakasal.
Maraming katanungan ang bumabagabag sa isip niya. Kung kakayanin ba niya ang pagpapalaki sa anak as a single mother? Kung sasabihin ba niya kay Kash ang tungkol sa baby? Kung matatanggap ba nito ang bata?...
"Hay..."
Napabuntong hininga siya napapagod siya sa dami nang mga iniisip, ngayon pa lang ay nahihirapan na siya paano pa kaya pag lumobo na ang tiyan niya at kailanganin na niyang harapin ang mga katanungan ng tao sa paligid niya.
Napahawak siya sa tiyan niya, hindi pa naman maaninag ang umbok dahil sa nasa early stages pa naman siya nang pagbubuntis.
"Ngayon pa lang mahal na mahal ka na ni momma little plum. Wag kang mag alala masyado kay momma okay? kakayanin ko ang hirap para sa iyo".
Kinaumagahan ay nagpasya siyang magpunta na sa hospital, she wanted to be checked on at ang kalagayan nang magiging baby niya. Ayaw niyang isaalang alang ang kalusugan nang baby niya dahil sa kapabayaan. She sought for the best OB and Pedia doctor na isinuwestiyon nang OB doctor niya, as much as she wanted to be checked upon by Dr. Agnes Miranda ay hindi maaari, kasalukuyang nasa ibang bansa ito for her honeymoon. Malas naman niya at wala ang mga ibinida nitong mga colleagues roon at kinailangan pa niyang puntahan mismo ang mga ito sa kani kanilang clinic.
Good thing both of the doctors clinic are situated in one medical building at hindi siya mahihirapan sa bawat check up appointments niya kung sakali.
Nauna niyang tinungo ang clinic ni Dr. Saavedra. Nagulat pa siya nang malamang lalaki ang doctor, karamihan kasi sa mga OB doctors ay kababaihan at mangilan ngilan lamang ang miyembro of the opposite sex.
Dr. Vaughn Saavedra is quite a looker. Tantiya niya ay hindi nalalayo ang edad niya rito. He's somewhere in his later twenties, may katangkaran ito and his tattoos were prominent on his body, kung hindi marahil sa mga certificates of accomplishments na nakadisplay sa bawat sulok ng opisina nito at hindi nakasuot nang puting doctor's smock ay mapagkakamalan itong adik.
BINABASA MO ANG
Becoming His
RomansaThis story is a mix of Tagalog and English language. I made an honest mistake of not stating this fact from the beginning. I am really sorry for causing confusion to some readers ✌ Started : April 14, 2016 at 3:08 PM