Part 12

4K 46 0
                                    


She managed to drag herself off bed and to work despite of the sickness she's been experiencing for the past weeks. Pinagsabihan na siya ni Allison to take a few days rest at magpatingin na sa doctor, subalit nanaig ang katigasan ng ulo niya. She snuck pass right thru her office door and settled on the long couch, inihiga niya ang sarili dito at akmang iidlip kahit sandali nang may biglang pumasok sa opisina niya nang wala man lang pasabi.

"Papasok pasok ka dito tapos tutulugan mo din pala ang trabaho. You shouldn't be in here anyways"

salubong ang kilay ng kaibigan niya habang nagsasalita ito.

"Mas lalo lang mapapasama ang pakiramdam ko kung magmumokmok ako sa bahay"

"Fine... but then kailangan mong magpa check up sa doctor after office hours".

Akmang sasalungat siya nang muli itong magsalita.

"Sasamahan pa kita"

May himig nang pinalidad ang tono ng pananalita nito at lumabas din agad.

"Argh!!!" she groaned while slumping back on the couch.

It was almost lunch time nang magising siya mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog, inayos niya ang sarili mula sa pagkakahiga at tinungo ang kanyang office desk to start working on the various upcoming projects that will be handle by their company sa mga susunod na buwan.

Engagement parties mostly ang mga nakahilerang proyekto nila at mangilang ngilang wedding events. Halos mapuno ang planner niya habang inililista ang mga ito. Napadako ang tingin niya in one of the pages of her planner at napataas ang kilay niya... naparoroon ang plaka ng kaskaserong driver na naencounter nila sa daan a couple of weeks back and were written in bold letters.

Agad niyang inilabas ang kanyang cellphone sa bag and dialed the LTOs hotline, it took a couple of rings bago may sumagot sa kabilang linya.

"Yes I would like to report an incident that happened a couple of weeks back" panimula niya.

Matapos niyang maereport ang naturang plate number sa kausap ay nangako naman ang tao sa kabilang linya na agad nilang gagawan nang kaukulang aksyon ang reklamo niya. Hindi na niya pinatagal ang pag uusap nila, nagpaalam siya rito at pinutol na ang tawag.

She was browsing through Youtube on her phone during her free time when a video of a crying baby caught her attention and instantly click play on it.

"Did he use protection?"

that question of Allison haunted her almost everyday matapos ang paguusap nila about what happened to her and Kash, that time hindi niya ito nasagot and chose to dismiss that question of hers.

Nakaramdam siya ng takot sa ideyang pumasok sa utak niya, parang nanikip ang dibdib niya sa naisip.

"What if... Diyos ko wag naman po sana"

Pilit niyang winaglit sa kaisipan ang posibilidad na baka nagbunga ang gabing 'yon at nabuntis siya ni Kash. Wala naman din siyang nakasiping na iba liban sa lalake at ito pa ang mismong nakakuha ng pagka birhen niya.

Nabaling ang atensyon niya sa maliit na kalendaryo na nakapalamuti sa kanyang mesa, para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa realisasyong delayed ang regla niya, ngayon lamang ito nangyari. Regular naman ang period niya and never pa itong nagmintis sa pagdating. Nanlalamig siya sa mga nangyayari sa kanya, handa ba siyang maging isang ina kung sakali?

Hindi naman nagtaka si Allison nang magpaalam siyang uuwi ng maaga at nagsabing mag isa na lang siyang magpapatingin sa doctor, hindi naman na din nagpumulit pa ang kaibigan niya na samahan siyang magpa check up.

Bago umuwi sa kanyang tinutuluyan ay dumaan muna siya sa drug store na katapat ng office building nila at bumili ng dalawang pregnancy kit, gusto man niyang mahiya sa bibilhin ay ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon.

Agad siyang dumiretso sa banyo nang makarating sa bahay niya at sinunod ang mga instructions na nakapaloob sa binili niyang kit.

Halos tumalon ang puso niya out of her chest dahil sa labis na kaba habang inaantay ang magiging resulta sa digital pregnancy kit na nabili niya. Sabi sa instruction ay tatlong minuto lamang ay malalaman na agad kung positive or not pero bakit parang forever na siyang nag aantay. Three minutes has never been this long ngayon lang. After a couple of blinks from the stick ay lumabas na ang result which made her heart sank.

"Pregnant"

"Pregnant"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Becoming HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon