Maggie's POV
"May naiisip na ba kayong name for the baby?
Allison asked her.
They were having brunch somewhere in BGC, nababagot na kasi siya sa loob nang pamamahay ni Kash kaya inaya niya ang kaibigan. May mga nakabantay din sa kanya na dalawang bodyguards coz she wouldn't be able to leave without them trailing behind her.
"Baka Junior na lang"
pagbibiro niya.
napangiwi naman siya nang matalsikan nang iniinom nitong juice.
"Sorry"
nagpeace sign pa ito sa kanya.
"So… how are the wedding preparations?"
Tanong niya kay Allie habang pinupunasan ang mga natalsikang bahagi nang kanyang mukha.
"Yung susuotin kong pangkasal ang tanging proproblemahin ko, as much as I would've wanted to help out with the rest ay hindi ako pinayagan, when the wedding comes wala na raw element of surprise for me… kaya sina Mommy at Tita Dria na ang bahala, ang kailangan ko lang gawin ay sumipot sa wedding day. Mas excited pa nga ang dalawang iyon kaysa akin na siyang ikakasal"
litanya nito sa kanya.
"I'd like to help out too"
Pagpriprisenta niya
"Eere mo na muna yang pamangkin ko bago ka tumulong tsaka wag kang makulit okay? baka mapano ka pa pag napagod ka sa kakatulong e, hayaan mo na sina Mommy with the planning. Tulungan mo na lang akong pumili ng gown na susuotin"
Kung minsan ay naiinis siya especially with how the people around her treats her, katulad ngayon. Buntis siya at hindi person with disability, kaya niyang gawin ang mga bagay bagay na akala nang mga ito ay hindi niya magagawa. She knows her limits, hindi siya gagawa nang isang bagay na ikapapahamak nila ng anak niya.
"May napili ka na bang designer na gagawa nang gown mo?"
tumango tango ito sa kanya.
"Archia Naval"
BINABASA MO ANG
Becoming His
RomanceThis story is a mix of Tagalog and English language. I made an honest mistake of not stating this fact from the beginning. I am really sorry for causing confusion to some readers ✌ Started : April 14, 2016 at 3:08 PM