Sa unang gabi namin sa Palawan, pinayagan kaming lumibot sa resort at magswimming sa pool. Pero pinaalalahanan kami na may activity kami early morning kaya naman matulog daw kami kahit konti.
Dahil masunurin kami, nagswimming kami sa pool. Hahaha. Maganda yung place at may privacy, pang team building talaga. Kompleto ang amenities, magagandang rooms, dining hall, mini theater, billiards, basketball court, butterfly garden, obstacle course, videoke, infinity pool at siyempre beach volleyball.
Hindi muna kami pinaglaro kasi may activity kami bukas na beach volleyball. Kaya naman ang nilaro namin ay swimming pool volleyball. Si Ate Kathy ang nakaisip ng game. Mas challenging kasi mabagal ang galaw sa ilalim ng tubig kaya naman 9 vs 9 ang labanan para covered ang laki ng pool.
First time naming gagawin ang larong to kaya excited ang lahat. Kasama ko sa team si Ate Pia, Ate Nicole, Sheena, Mia, Ate Marian, Mae, Rem, at Jem. Yung iba naman ay sa kabilang team kasama si Jus at Tots.
Since si Ate Kathy ang nakaisip ng game, siya yung referee.
Nung magstart na kami, parang ang dali lang nung laro. Puro toss at spike lang ang mga tira. Palitan lang talaga ng bola. Naisip ni Ate Kathy na pahirapan ng konti kaya naman minodify namin. Magiging 5 vs 5 na lang kasi magiging by pair na ang players. Ang isang team ay composed of 4 pairs plus 1 single na magseserve as setter/libero. Nakasakay sa balikat ng isang member yung isa pa to make a pair. Basta gets niyo na naman yon.
Tuwang tuwa kami kasi yung matatangkad ang nasa baba at yung maliliit naman ang binubuhat. Si Ate Pia ang binubuhat ko at first time niya magiging hitter so kinakantyawan si Mae na bigyan daw ng bigyan. Sa kabila naman, si Tots at Patty ang magkapartner. Halos magkasing height lang si Patty at Ate Pia kaya naman sila yung pinaghaharap. Si Jus naman ay binubuhat ni Ate Maris, isa sa pinakamatangkad sa amin.
Mas exciting ito compared sa una. Ang pressure ay nasa amin na mga tagabuhat. Tuwang tuwa naman ang coaches kapag nakakaspike si Ate Pia.
Napansin kong ang saya lang ni Tots at Patty. Mahuhulog si Patty tapos sasakay ulit sa balikat ni Tots. Parang may sarili silang mundo. Kaya sila natatambakan e. Hello? Game kaya 'to. Ano ba yan. Focus naman. Nagagalit na si Ariana Grande.
Natapos yung game at kami ang nanalo. Best of 3 sets yung game at nasweep namin yung first 2 sets. Pano ba naman kasi, hindi seryoso yung iba diyan.
"Isabols, okay ka lang? Namumula ka." Lumapit sakin si Jus.
"Oo. Napagod lang ako tsaka ang init kasi." Kahit kasi gabi na, mainit pa din kasi mainit yung tubig sa pool.
"Ang saya nung game! Mamaya tayo matulog ha. Tara don sa videoke, kumakanta si Ate Vina oh!"
"Don't tell me kakanta ka? Nako baka umulan Jus!" Pang-aasar ko sa kanya. Kaboses niya po si Kim Chiu kapag kumakanta, yung Kim Chiu na may sore throat.
"Maganda nga yon! Para liligo tayo sa ulan! Tara na!"
"Susunod ako. Punta lang akong CR."
Pumunta akong CR para maghilamos ng malamig na tubig para mawala yung pamumula ko. Narinig ko naman na may nag-uusap.
"Feeling ko type ni Tots si Patty. Iba yung tinginan e. Boto ako. Hahaha!" boses ni Ate Pia.
"Ewan ko diyan kay Caloy, hindi malaman kung sinong gusto. Masyadong maraming chicks." Si Ate Marian naman, nag-uusap sila sa loob ng cubicles habang nagpapalit ng damit. Maraming chicks???
Bago pa sila lumabas, umuna na ko. Nakasalubong ko naman si Tots na papasok sa loob at mukang magbibihis din. Malayo pa lang nakangiti na siya. Hindi ko alam kung bakit pero umiwas ako.
YOU ARE READING
You Smile, I Smile (DianaBel Fan Fiction) - ON HOLD
FanfictionUPWVT's Diana Mae "Tots" Carlos and Maria Lina Isabel "Isa" Molde Somewhere between meeting and leaving, we enjoy the state of just "being". When two young hearts met and became friends, how would time affect their relationship? They can either...