After ng trip namin sa Palawan, everything went back to normal. I can say na tumibay lalo ang bonding namin as a team at mas lalo kaming naging clingy sa isa't isa. Nahawa na daw sila sakin.
Si Tots naman ganon pa din, makulit, masayahin, laging mataas ang energy. Walang nagbago sa kanya. The way she looks at things, the way she looks at me, ganon pa din.
Ako lang yata ang nagbago ang nakikita.
I've been thinking about that weird feeling na naramdaman ko nung gabing 'yon sa beach. I felt something na hindi ko alam kung ano.
Sa tuwing maiisip ko 'yon, I'm reminding myself not to overthink and assume things kasi ako lang din ang mawawalan. Instead, gagamitin ko na lang yung oras ko para mag-isip ng ibang bagay diba.
Right. I've been dodging the thought for a month now and successful naman ako, so far kasi hanggang dun lang yon. It will cross my mind and I'll just say it's just a "random feeling" brought by the beach.
Right. That's it. I believe that's just it. Parang yung mga usual 2:00 AM thoughts ng mga tao. Ganon lang din 'yon. I was forced to feel something weird because it was 2:00 AM and the beach was hypnotizing.
Right. That's just it.
"Isabols! Hindi ka naman nakikinig e. Sabi ko kung may nabili ka na bang gift para sa monita mo? Ang hirap nung sakin. Tulungan mo naman ako." It's Justine and inaalog niya yung balikat ko to get my attention.
I closed the book na kunwaring binabasa ko kanina.
"Sorry, masyado akong nadala nung libro. Sino ba kasing nabunot mo at bakit ngayon ka lang bibili? Bukas na yung Christmas Party ah." I saw her sigh in frustration. Oops.
"Pero buti na lang, free cut kami sa Kas1 so masasamahan kita mamaya. Sino ba nabunot mo?" Ngumiti naman siya. Bilis magbago ng mood. Si Dors talaga.
"Si Tots!"
"Yung seryoso kasi. Sino nga?" Hindi ako naniniwala kasi ako yung nakabunot kay Tots at may gift na ko sa kanya.
"I mean, si Tots yun oh!"
Tumingin ako sa tinuro ni Jus. Magkasama sila ni Ate Marian at kasalukuyan siyang naghahalo ng mais con yelo.
"Weird. Hindi naman siya kumakain niyan kasi di siya mahilig sa matamis." Di ko napigilang magcomment. Maya-maya inabot niya kay Ate Marian yung mais con yelo.
"Ah, hindi naman pala sa kanya so hindi naman weird. Anyway, ang nabunot ..."
Ganyan ba siya talaga sa lahat? Napaisip ako. Ganyan ba talaga siya? Natural lang ba sa kanya yung ganyan? Yung simpleng gesture niya na 'yon. Yung tingin niya. Natural lang talaga yon? Ako lang ba yung iba ang nakikita kapag tumitingin siya sakin? Ako lang ba yung iba yung intindi sa actions niya? Ako lang ba nakakaramdam ng weird?
"Ako ata talaga yung weird e."
"Ang weird mo nga! Ano bang meron Isabols? Puyat ka ba? Ano, sasamahan mo pa ba ko?"
Nasabi ko pala ng malakas. Shocks. Erase. Erase. Mind over matter.
"Oo nga. Sasamahan kita. Tara na! Libre kitang slurpee kelangan ko ata ng brain freeze to reset my mind e."
YOU ARE READING
You Smile, I Smile (DianaBel Fan Fiction) - ON HOLD
FanfictionUPWVT's Diana Mae "Tots" Carlos and Maria Lina Isabel "Isa" Molde Somewhere between meeting and leaving, we enjoy the state of just "being". When two young hearts met and became friends, how would time affect their relationship? They can either...