"Isa! Gising na! May training tayo!"
"5:05 na Isa!"
...
"Huy Isabols!"
Ginising ako ni Dors
"Hmm, Dors, I'm not feeling well. *hatchoo* Di ko yata kayang mag-train."
Hinawakan niya yung noo ko.
"Ay sh*t. Ang init mo."
"*hatchoo* *sniffs* I'll be fine. Pakibili na lang ako ng gamot pagbalik mo."
"Meron akong biogesic dito. Teka"
Kinuha niya yung gamot sa purse niya at inabutan ako ng tubig. Ininom ko naman yun agad.
"Bakit ka ba kasi nilagnat?"
I just shrugged at ngumiti na lang. Wala akong energy magkwento pero masaya ako.
"Parang baliw 'to. Magpagaling ka ha. Gagala pa tayo mamaya diba?"
"Itutulog ko lang 'to. Mamaya okay na ko pagbalik mo. Thanks, Dors. *sniffs* Alis ka na. Baka ma-late ka pa."
"Sige. Tawagan mo ko pag di mo na kaya ha. Magpapadala akong ambulansya."
Ngumiti lang ako. Sira talaga tong si Jus. Umalis na siya papunta sa training. 5:30 AM kasi ang call time namin every morning. Ngayon yung last training namin so baka magkayayaan na gumala mamaya ang buong team. Sana gumaling na ko para makasama ako.
Nagsuot ako ng jacket at nagtalukbong na ko ng kumot. Pinilit kong bumalik sa tulog. Siguro 45 minutes din akong nakapikit lang. Pero di ako makatulog. Ang init ng pakiramdam ko pero parang nilalamig at the same time. Labo. Pero masaya ako kahit may sakit.
Okay lang lagnatin dahil naulanan basta maulit lang yung moment namin na yon ni Tots. Speaking of Tots, nag-training kaya siya? Text ko nga.
["Par, kamusta training? Di ako nakaattend, nilalagnat. Huhu. Coveran mo ko kay Coach ha. :("]
After 5 minutes, nagreply siya.
["Wait."]
Siguro di pa tapos training.
Pipikit na lang ako ulit para antukin ako.
...
...
...
*knock knock knock*
Naudlot ang pagpapaantok ko dahil may kumakatok sa room namin. Sino kaya 'to?
Bumangon ako na nakatalukbong pa din ng kumot. Pagbukas ko ng pinto, nakakita ako ng anghel.
Kinukuha na ba ko ni Lord?
Naka-smile yung anghel. Hindi pala lahat ng anghel ay maputi. Morena yung anghel at singkit tapos may nakatalukbong din na kumot sa ulo niya at may hawak siyang dalawang cup noodles in both hands.
"Nagdala ako ng makakain. Sorry natagalan, ang bagal kasi uminit ng tubig."
Aw, anghel nga. Hindi pa ko kumakain e.
"Tots!" Binuksan ko yung pinto para makapasok siya. Tapos inabot ko yung dala niya at ipinatong sa table. Kinuha niya yung upuan ni Jus at umupo kami pareho.
"*hatchoo*/*hatchoo*"
"Hahaha!/Hahaha!"
"*sniffs*/*sniffs*"
Napuno ng mas malakas na tawanan yung kwarto.
"Baka magselos na si Jus niyan. Kahit pag hatsing at pagsinghot sabay na tayo. *sniffs* Napapalitan ko na ba siya sa puso mo? Hahaha!"
YOU ARE READING
You Smile, I Smile (DianaBel Fan Fiction) - ON HOLD
FanfictionUPWVT's Diana Mae "Tots" Carlos and Maria Lina Isabel "Isa" Molde Somewhere between meeting and leaving, we enjoy the state of just "being". When two young hearts met and became friends, how would time affect their relationship? They can either...