Chapter 10: Scrabbles and Books

2.6K 59 27
                                    

"4Ps"

Yan ang naisip na solusyon ni Jus para daw sa kaibigan naming bigo sa pag-ibig. After magkwento ni Tots. Nag-isip kami ng plano para wag siyang malungkot. Sa mga ganitong pagkakataon mo sobrang maaasahan si Jus. Magaling siya sa moving on e. Expert na yata. Ewan ko lang kung siya ba mismo naka-move on na. Haha.

Nag-set siya ng steps para daw makalimot si Tots kahit papano. Para di na daw siya malungkot lalo pa ngayong magpapasko. At tinawag niya itong "4Ps" - Pantawid Pusong Pathetic Program.



[Flashback]

"Una, dapat lagi kang may kasama. Kasi kapag wala, mag-iisip ka ng malungkot na memories. Tapos mag-eemo ka na naman. Tapos maglalaboy ka na naman kung saan-saan. Nako baka mamaya makita namin kabarkada mo na si Zorro."

Sinulat pa ni Jus sa notebook niya. Iba talaga pag expert sa moving on.

"Grabe ka sakin, par. Hindi naman siguro ako aabot sa ganon noh." Mugto ang mata niya pero tumatawa na siya ngayon. Kahit papano.

"Aba, mabuti na yung sigurado tayo diba."

"Iba talaga kapag expert sa moving on. Woo."

"Wag ako, Maria ha. Game! Pangalawa, dapat maging busy ka. Do something productive. You should do something worth while out of that wasak na puso of yours."

"Wasak na wasak talaga. Ikaw ba naman umiyak sa playground. Parang batang inaway ng kalaro e." Kinurot ko yung ilong niya. Hay nako, sana nga para ka na lang bata na madaling makalimot ng sakit. Iiyak pero pag tumahan, malilimutan na din agad yung dahilan.

"Bakit kayo ganyan sakin? Kaibigan ko ba kayo talaga kayo?" Nagmamaktol na sabi niya.

"Ito na nga, diba? Kaya nga tayo nagpaplano ng ganito. Oh, third, dapat hayaan mong maging masaya ang sarili mo. Wag kang KJ. Hindi porke't may isang aspeto ng pagkatao mo ngayon ang malungkot ang ganap, ibig sabihin malungkot na din lahat ng iba pa. Okay?"

"I agree with that. If you're not happy with the view, you can always change your perspective."

"Pangatlo na yon, tsaka ka lang nag-agree? Where is the love, kaibigan? Support, friend! Support!"

Natawa lang si Tots at umiling-iling.

"Last, open your heart. Para lumabas yung masasamang feelings at mapalitan ng magaganda."

Open your heart. Hay. Talaga ba? Effective ba yan?

"Yan na lahat ha! Yes, makakatulog na din ako. 'Pag talaga ako bumagsak sa exam bukas, ililibre niyo ko ng lunch buong taon next year." Humiga na siya sa bed niya at nagtalukbong ng kumot. Pero sumilip din agad.

"Good night, mga pusong sawi! Ang pangalan ng program natin ay 4Ps."

"4Ps?/4Ps?" Sabay na tanong namin.

"Pantawid Pusong Pathetic Program."

[End of Flashback]

Ilang araw na din kaming nag-hahang out tatlo. Sabay-sabay kaming nagrereview at gumagawa ng requirements kasi 3 days from now start na ng Christmas Break.

You Smile, I Smile (DianaBel Fan Fiction) - ON HOLDWhere stories live. Discover now