Chapter 14: Tula at Panaginip

2.6K 63 42
                                    

(Important note: Before you proceed with this chapter, basahin niyo ulit yung Chapter 13.3. I think may glitch sa wattpad. Bumalik don sa hindi updated/draft version yung na-save + nawala yung media attachments so baka yun yung naabutan niyo before. Ugh! Bakit ganon wattpad? Huhu. Inedit ko na lang ulit so sana okay na. Kung di pa rin, try niyo tanggalin sa library tapos add ulit. Anyway, this is in Tots' POV. Enjoy.)

_________________________





Masama ang pakiramdam ko ngayon pero pinilit kong pumasok sa klase. Bukod sa may quiz kami, classmate ko rin si Isa at kailangan ko na talaga siyang makausap. I need to do something after what happened last night. Hindi ako nakatulog sa kakaisip.


*Flashback*


"Now tell me, talo na ba ako?"

Pagod na yung mata ko sa kakaiyak pero hindi ko alam kung bakit hindi nababawasan yung sakit. Hindi ko ugaling umiyak sa harap ng ibang tao pero heto ako ngayon, parang batang inagawan ng laruan. Buti pa nga yung bata, naging kanya yung laruan bago pa man agawin sa kanya. Ako, wala namang sakin.

"Bago mo tanggapin na talo ka na, siguraduhin mo munang lumaban ka." Si Ate Nicole. 

Nakalimutan ko nang may kasama pala ako ngayon.

Tama siya pero.. kaya ko bang lumaban? Kaya ko ba?

"Pero mehn, bago ka lumaban. Dapat sigurado ka muna na gusto mong manalo. Sigurado ka na ba sa feelings mo? Every fight requires a sacrifice. Sa case niyo, more than what you're feeling right now, there's friendship na pwedeng magbago. Kaya dapat sigurado kang mahal mo talaga si Isa at hindi ka uurong kung ano man ang mangyari. You need to be super sure. Ganern!" Now it's Marian.

Bakit pareho silang may point ngayon? Ugh!

"Pag-isipan mong mabuti. Wag kang magpadalos-dalos. Bago ka sumabak sa laban, dapat alam mo kung anong gusto mo. What is your goal? Ano ba ang gusto mong mangyari?"

Hindi ko kayang sumagot. Wala na akong lakas. Hindi na rin gumagana ng tama ang utak ko.

"Let that sink in. Magpahinga ka na Tots. Maligo ka muna bago matulog baka magkasakit ka pa."

Tumayo sila at niyakap ako. I can use this hug right now.

"Pag-usapan ulit natin kapag sigurado ka na. Tutulungan ka naman namin e. Don't cha worry! Good night, mehn."

Tumayo ako at pumasok sa banyo. Kailangan kong mag-isip.

Tama sila pareho. Masyadong naging mahaba ang araw na'to para magpadalos-dalos ako ng desisyon. Mabuti na rin siguro 'to para magkaroon ako ng oras mag-isip.

Ang alam ko ngayon ay mahal ko si Isa. I've never felt something so strong before. I'm sure of that. Pero ano nga ba ang gusto kong mangyari? Gusto kong malaman niya na mahal ko siya.

Pero hindi pedeng yung gusto ko lang ang isipin ko kasi kung malaman man niya na mahal ko siya, anong sunod? Tama si Marian, our friendship is at stake here knowing the fact that Isa is straight.

Pero kilala ko si Isa. Hindi niya hahayaang masira yung friendship namin. Can I live with that? Us being just friends while I continue to love her as more? I can do that. 

But what if maging sila ni Kintaro? Kakayanin ko ba? Puso, kakayanin mo pa ba?

Sobrang dami kong tanong sa sarili ko. Ang dami namang komplikasyon ng mundo.

You Smile, I Smile (DianaBel Fan Fiction) - ON HOLDWhere stories live. Discover now