Chapter 8: Best friend, Jokes and Bipolar Disorder

2.4K 55 18
                                    

Nagpasama sakin si Jus na magpagupit. Gusto niya daw magpaikli ng buhok para new look mamaya sa Christmas Party. Sinamahan ko naman siya. Nadatnan namin sa salon si Tots.

"Uy Par! Papagupit ka din?" Tanong ni Jus.

Ako naman hinug ko siya as a greeting. This is me acting normal, okay? Chill lang kayo.

Pero yung isang bata ang hindi normal ang kilos. Pagka-hug ko sa kanya, agad niya hinawakan ang balikat ko para ilayo. Okay, bakit? Naligo naman ako ah.

"Hindi. Sinamahan ko lang yung kaibigan ko." Sabi niya, sabay turo don sa babaeng nasa tapat namin na nagpapaayos ng buhok.

Napakunot naman ako. Kaya ba ayaw niya nung hug? I shook the thought away.

"Naks! Sino yan? Chicks mo ba?" Pabirong binulong ko naman sa kanya.

"Sira." Maikling sagot niya. That's not even an answer to my question.

"Ipakilala mo naman kami!" Hirit ni Jus.

"Mamaya na lang pagkatapos. Bibingo na ko don sa bading e. Kanina pa kasi akong nangungulit." So kinukulit niya si Ate girl.

"Ma'am, ano pong ipapagawa niyo? Lumapit samin yung attendant.

"Papagupit po ako." Sagot naman ni Jus.

"Kayo po, Ma'am?" Tanong sakin.

"Ay moral support lang po ako. Baka po kasi mag-break down 'to bigla kapag nawalay siya sa pinakamamahal niyang long hair." Natawa naman kaming lahat.

Nagstay ako sa waiting area kasama si Tots. Tatabihan ko ba or hindi?

Siyempre. Tatabihan ko. This is me acting normal, remember?

"Par, sino yung kasama mo? Ngayon ko lang siya nakita." Tanong ko sa kanya. Nagbabasa siya ng car magazine.

"Ah si Nikki. Hindi siya taga-UP kaya ngayon mo lang nakita. Taga NU." Ah taga-NU pala si Ate girl. Pero bakit sila magkasama?

"Oh. Chicks mo nga?" Pangungulit ko. Nakangiti pa ko niyan ha. Siya naman kumunot lang at sinamaan ako ng tingin. Okay, ano yon?

"Yii~ Binata na ba si Caloy?" Isa pang kulit. Susubukan ko kung hanggang saan kaya.

Binaba niya yung magazine at humarap sakin. Nakatingin siya ng seryoso. Uh-oh. Medyo napaurong ako. Ang lapit niya e.

"Anong gusto mong isagot ko diyan?" Ha? Ewan ko. Kaya nga ako yung nagtanong diba? Before pa ko makasagot. May lumapit na samin.

"Diana! Oh, may kasama ka pala. Tapos na ko." Si Ate girl. Muka naman siyang mabait. Or not?

"Ah eh. Tara na?" Medyo awkward na sabi ni Tots.

"Hindi mo ba ko ipapakilala sa kasama mo?" Nakangiti lang si Ate girl kay Tots at sakin.

"S-si Isa team mate ko. Isa, si Nikki... best friend ko." Oh, best friend pala.

"Hi Isa!" Nag-beso siya sakin.

"Hello!" Sagot ko naman. Bakit mukang tensed si Tots? Ano bang meron?

You Smile, I Smile (DianaBel Fan Fiction) - ON HOLDWhere stories live. Discover now