"Ang dami mo sigurong naiisip ngayon. Willing akong magpaliwanag. Ako nga pala si Tots."
Now it makes sense. Hindi echo ang narinig ko kundi ang pangalan niya. Pamilyar yung mukha niya. Parang nakita ko na siya somewhere pero 'di ko maalala. Nakangiti lang siya habang naghihintay na makipag-shake hands ako so I did.
"Isa."
While shaking my hand, "Right. Isa, sorry about kanina. Ako ang may kasalanan kung bakit ka nandito sa clinic at nawalan ng malay. I hope you're fine or may masakit ba sa'yo? Sabihin mo lang."
Nakangiti pa rin siya at halata sa itsura niya na she's really sorry. Kahit singkit yung mata nya makikita mo na totoong nag-aalala.
"I'm fine. I guess. Pero bakit may ganito? Sinuntok mo ba ako? Ouch!" Napahawak ako sa ulo ko, may bukol. Huhu.
"Wait. Wag mo munang tanggalin 'to." Binalik niya yung ice pack sa ulo ko. I gave her a questioning look at napabuntong-hininga siya.
"Ganito 'yung nangyari. Nagmamadali ako kasi hinahabol ko yung next class ko. Dahil sa kakamadali ko, naiwan ko 'to sa sasakyan" Pinakita niya naman yung libro ng Advanced Calculus by Folland.
"Ibinato sakin ng kaibigan ko yung libro pero nung sasaluhin ko na, sa ulo mo tumama at nawalan ka ng malay that's why you're here. So to answer your second question, hindi kita sinuntok. The book landed on your head. I'm really sorry. Hindi ko talaga 'yon sinasadya."
Hindi agad ako nakapagsalita. Math book pala ang tumama sa ulo ko. Kaya naman pala nawalan ako ng malay. Una, makapal yung libro. Pangalawa, Math book 'yon. MATH book. Di siguro kinaya ng utak ko.
"I will understand kung galit ka. But please know, na hindi ko talaga sinasadya." Malungkot na sabi niya. Alam ko namang sincere siya at wala naman talagang may gusto na mangyari 'yon.
"Hindi naman ako galit. Bukol lang 'to. Malayo sa bituka. Sa susunod kasi galingan mong sumambot. Sayang yung tangkad mo eh, pwede ka sana sa basketball."
I saw her sigh in relief. Then she smiled again at naglaho na naman ang mata niya na sobrang singkit.
"Buti naman. Sana gumaling ka agad. Ako daw muna magbantay sa'yo kasi nasa class yung kaibigan mo. Sorry again, you missed class dahil dito."
"Anong oras na ba?"
"11:00 AM"
"Wait, 30 minutes akong tulog? Teka, akala ko ba may hinahabol kang klase. Why are you still here?"
"Yes, 30 minutes kang walang malay. Yes, may klase nga ako ngayon. And I'm here kasi it's the least I can do. Nagkabukol ka na nga at naka-miss ka pa ng klase so I think it is my responsibility to look after you. Ayoko na maabala ko pa yung kaibigan mo. And besides, kailangan mo rin ng kokopyahan ng notes kaya mas okay na pumasok na lang siya at ako ang magbantay dito."
YOU ARE READING
You Smile, I Smile (DianaBel Fan Fiction) - ON HOLD
FanfictionUPWVT's Diana Mae "Tots" Carlos and Maria Lina Isabel "Isa" Molde Somewhere between meeting and leaving, we enjoy the state of just "being". When two young hearts met and became friends, how would time affect their relationship? They can either...