"So kayo na?"
"Oo nga mehn, ibig sabihin kayo na?"
"Wait. Hindi namin napag-usapan yung label. Basta alam namin feelings ng isa't isa. Ibig bang sabihin non kami na?"
"Ay ano ba yan mehn. Linawin mo. Niligawan mo ba? Tinanong mo ba kung girlfriend mo na siya? Teka, gusto niyo bang maging mag-girlfriend-girlfriend kayo?"
"Isa-isa lang, Mar. Mahina kalaban."
"Mehn, hindi pedeng hihina-hina ka. Andyan na yan. Kelangan niyo na mag-DTR (define the relationship)."
Tumingin si Tots kay Nicole parang humihingi ng tulong. Sa kanilang tatlo si Nicole ang pinakamakakaintindi sa sitwasyon niya.
"Tama si Marian. Kelangan mong linawin kung anong meron para alam niyo yung limits niyo. Mahirap yung walang label. Oo, masaya pero dadating yung time na mahihirapan kayo. Trust me."
"So anong gagawin ko? Bago pa lang kay Isa yung ganito. Ayokong i-pressure siya. Gusto ko lang na ano..."
"Ano mehn? Anong gusto mo?"
"Gusto ko lang na ano, na nasa tabi niya ako hanggang maging ready siya. Willing to wait."
"Uhh! Nakakainis ka, mehn. Bakit nakakakilig yung sinabi mo. Halatang halata na in love ka. Huhuhu."
Ngumiti lang si Tots. Ngiting satisfied.
"Ganyan talaga, Mar. Ganyan talaga." Sagot ni Nicole habang tinatap sa balikat si Marian na naluluha sa kilig. "Basta Tots, linawin mo yung intentions mo kay Isa. Para alam niya. Mag-usap kayo kung anong gusto niyong mangyari. Yun lang naman ang solusyon. Pag-uusap."
Sandaling natigilan si Tots, iniisip ang mga susunod niyang gagawin. Naintindihan niya ang point ni Nicole at Marian at hindi naman nawala sa isip niya na kailangan niyang alalayan si Isa all throughout the process.
Tumayo siya at lumapit sa dalawa.
"Thank you, mga Ate. Gagawin ko best ko para maging madali sa kanya. I'll make it right this time."
Pagkatapos ay dumiretso na siya sa kama.
_______________________________
"OMG. So kayo na?" Pabulong na tanong ni Justine kay Isa.
Magkatabi sila ngayon sa taas na bed. Halatang kinikilig ang boses ni Justine pero pinipigilan niyang lakasan dahil baka magising si Kathy na nasa kama sa baba.
"Hindi ko alam, Dors. Pag ba ganon ibig sabihin kami na?"
"Ay ako pa tinanong. Malay ko. Hanggang kilig lang ako e. Di pa nga ako umaabot diyan sa level niyo na may aminan ng feelings. Tanungin mo kaya siya."
"Okay. Pero masyado pa kong overwhelmed sa nararamdaman ko. Sobrang saya. Totoo pala yung sinasabi nila na pag daw in love, cloud nine yung feeling kasi feeling ko talaga lumulutang ako sa sobrang gaan."
"Siguro kasi nalabas mo lahat ng nararamdaman mo kaya di mabigat."
"Siguro nga. Hay." Nakangiti si Isa habang nakatingin sa cellphone niya, nagpeplay yung snaps niya kasama si Tots habang nasa Cebu sila. Masaya lang at walang iniisip na iba.
Napansin ito ni Justine. Ngayon niya lang nakita na ganito kasaya ang kaibigan niya.
"Uhh Isaaa, natutuwa ako para sayo. Alam ko hindi madaling matanggap ng ibang persens yung ganyang sitwasyon, pero ipagtatanggol kita, friend. Gegerahin ko pag may umaway sayo, sabay takbo. Tawag don running attack. Hahaha"
YOU ARE READING
You Smile, I Smile (DianaBel Fan Fiction) - ON HOLD
FanfictionUPWVT's Diana Mae "Tots" Carlos and Maria Lina Isabel "Isa" Molde Somewhere between meeting and leaving, we enjoy the state of just "being". When two young hearts met and became friends, how would time affect their relationship? They can either...