AUTHOR'S NOTE:
HII READERS!!!! ENJOY THE SECOND PART OF THE BEGINNING.. VOTE, COMMENT, SHARE AND ADD MY STORY TO YOUR LIBRARY.
I ALSO WANT TO PROMOTE YUNG STORY NG BESTFRIEND KO NA SI AteCutie, ANG STORY NIYA IS UNG "THE UNIVERSE IS OURS" SO 3 CHAPTERS PALANG SIYA NGAYON KAYA SUBAYBAYAN NIYO!
I dedicate this chapter to @babykodwin. Thank you for adding my story in your reading list. Hope you enjoy reading my story. And don't forget to vote and comment!
==========================================================================
Marissa's POV
Nagising ako ng maaga kaya napagdesisyunan ko na lutuan na ang anak ko habang tulog. Nagluto ako ng pancakes sa kanya dahil yun ang favorite niya at nagblend ako ng milk na may oreo at inilagay yun sa isang baso, kumuha naman ako ng cream at nilagyan ang taas nun. Favorite kasi niya ang cookies and cream eh. Bago ko na itong specialty ang oreo float! Nagluto na rin ako ng hotdog and naglto na rin ako ng egg na cheese omelette. Masarap kasi siya eh.
Nadiscover ko lang ang recipe na yun nung first try ko magluto sa kitchen kasi kagagawa lang ng mansion then gusto kong ipagluto ang mga bisita at si Father nung binabasbasan itong bahay.
Naihanda ko na ang lahat. Ginising ko na ang anak ko para maligo at makapagbihis na. Pagkatapos nun ay naligo na rin ako at nagbihis. Kumain kami ng sabay ng anak ko. Mamaya nga try kong iinvite sila Sofia, Charles at Stacey for Sunday. Iniatid ko ang anak ko sa school at pumunta na sa studio.
May nadatnan akong bulaklak. Ang favorite kong bulaklak, ang yellow roses. Grabe ang dami nito sino kaya nagbigay? Tiningnan ko kung anong laman nung card na nakaipit sa mga bulaklak.
Hope you like the flowers. Have a nice day, my love. I will never get tired of showing to you and to my son how much I love you both.
=AKC, your future husband
Nakuyom ko ang mga kamay ko sa inis at itinapon ang mga bulaklak. Have a nice day? Nalaman ko palang na siya ang sender nung bouquet ay sira na ang araw ko. Love? Anong alam niya sa salitang yun?!? Never get tired? Siya oo hindi mapapagod, eh ako? Pagod na pagod na ako sa kademonyohan niya! Future husband?!? He wish!
Sa galit ko kinuha ko ang sketch pad ko at ang lapis. Kapag kasi galit, pagod at stress ako ito ang ginagawa ko. Naiinis ako sa kanya! More on, nagagalit ako sa kanya!
Dumating na ang lunch time at pinagbreak ko na ang mga staffs ko. Pupunta muna ako ng mall dahil kailangan kong icheck ang Marane's. Oo may boutique ako sa mga mall, all over the world. Pupunta ako dun ngayon para itanong kung kamusta ang sales at kung out of stocks na ba. Very hands on kasi ako sa business ko eh pero kapag naman nasa ibang bansa ang boutique na may problema eh hindi ko iniiwan ang anak ko dito kaya I let Stacey or my staffs handle it.
Nakapasok na ako sa boutique kaya tinanong ko na si Jaye. "Kamusta ang sales dito Jaye? Is it good or not?" Tanong ko sa isa sa mga pinagkakatiwalaan ko sa boutiques ko. Bakla kasi siya kaya mahilig rin sa fashion.
Actually minsan tinutulungan niya ako magdesign kaya pinromote ko siya na Manager ng boutique ko dito sa mall na ito. At hindi lang yun, isa na rin siya sa mga helper designer ko. Pag may time siya nagpapasa ako ng sketch sa kanya then I let him/her enhance the design.
"So far so good,madam. And oh, about the stocks, nakapagdeliver na last week si Brianna from your studio na ang nasabihan ko kasi last week po almost out of stocks tayo dahil sa sales promo natin." Kinagalak ko naman ang sinabi niya. Kaya I invited Jaye for lunch.
"Madam sobra na po ang naitulong niyo po sa akin. Hindi po ba ako abuso sa inyo?" Natawa naman ako sa sinabi niya habang kumakain kami.
"Of course not! You are like a sister to me. And please do not call me Madam kapag wala tayo sa trabaho. Call me Jane." Sabi ko sa kanya. Napaka professional kasi niya eh!
Napansin ko na may tumitingin samin habang tumatawa kami. Nung tiningnan ko naman nakita ko nanaman ang kapatid ni santanas. Nakaisip ako ng plano.
"Jaye can I ask you a little favor?" Tanong ko sa kanya.
"Of course, ma- i mean Jane." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Bumulong ako sa tenga niya at ngumiti. "Please? Kahit ngayon lang?" Tanong ko sa kanya..
Ang plano ko kasi guys eh iinisin ko si Keith na kuwari may relationship kami ni Jaye. I know that Jaye is gay and he is proud of it. But I think hindi yun nahalata ni Keith. Ang tanga talaga ng lalaking toh!
"Okay, pero Jane ah! Gwapo ni fafa." Bulong sakin ni Jaye. Okay simulan ko na ang plano
Kumain na ako ng burger na kinakain ko. Sinadya ko na malagyan ng sauce yung gilid ng lips ko. Kinindatan ko si Jaye para sabihin na go na. Kumuha siya ng tissue sa lamesa at dahan dahang lumapit sakin para punasan ang labi ko. Hindi pa man niya napupunasan eh narinig ko na may kumalabog na lamesa at bigla nalang na nagwalk out si Keith
"Hahaaha his face is priceless! Hahaha I must say that he is jealous." Natatawang sabi ko habang nakatingin sa exit door hahaha.
Tumingin ako kay Jaye at nakita kong diring diri sa akin. "Madam halos masuka na ako!" Nakunot ang noo ko dito! "Gaga" Binatukan ko nga! Baliw, masusuka raw siya? Jusko!
Pagkatapos namin kumain eh bumalik na siya sa boutique at ako naman ay napagpasyahan ko na maglibot muna. Hindi pa ako nakakalayo may humatak na sa kamay ko. Pagtingin ko si Keith lang pala.
"What is that scenario in the restau?" Nanggagalaiti nyang tanong sa akin. I must say that he is really mad kasi he clenched his jaw eh.
"Any problem, Mr. Cordova? He's my boyfriend so I guess that is normal?" Mas nakita ko ang galit, selos at ang lungkot? Sa mata at mukha niya.
"Okay, dumped that guy!" Napangiti ako nung nalaman ko na wala na siyangg maisagot sa akin.
"And why would I do that Mister Cordova? And who are you to tell me to dumped him. You are not even my boyfriend so what is your position to tell me this?" I frankly said, I know that I hit his ego but still, I don't care.
Napansin ko na lumuwag ang kapit niya sa braso ko at biglang nagwalk out. After that scene I bought a one week grocery supply and dumaan narin ako sa National Bookstore para bumili ng 5 sketchpad. And a box of pencils and paper for my son dahil naalala ko na wala pala siyang uply sa bahay. Dumaan narin ako sa jco's para bumili ng donut. Favorite snack kasi yun ni Xander eh.
Pagkatapos ko sa mall ay dumaan na ako sa school ni Xander dahil malapit na ang uwian niya. Nung magpapark na ako ng kotse eeh saktong nagbell na kaya pumasok na ako sa gate. Nakita ako ng anak ko kaya lumapit siya sakin at yumakap.
"Mommy may suprise ako sa iyo." Pinakita niya yung drawing niya sa akin. Kaming dalawa lang yun tapos may mga butterfly. Sa batang edad ng anak ko eh nakakapagdrawing na siya na parang pang grade 2 student eh kinder palang naman siya.
"Wow! Ang galing naman ng anak ko! Pa kiss nga si mommy." Kiniss naman ako ng anak ko sa pisngi kaya kiniss ko naman siya sa noo. Sumakay na kami sa kotse at nung nakita niya yung donut eh tuwang tuwa siya.
After that my day went so well. Gabi na kaya natulog na ako pero nung nandun ako sa balcony ay nakakita ako ng kotse na nakapark sa harap ng gate. May nakatayo doon na lalaki at kung titingnan mo ay si Keith iyon.
Sabihin niyo ng masama ako pero masaya ako na nagkakaganyan siya dahil kulang pa ang buhay niya na kabayaran sa ginawa niyang kababuyan sa pagkatao ko. Kulang pa kaya masasabi ko alng Lintek lang ang walang ganti.
==========================================================================
OKAY!! ANG INTENSE NI JANE NOH? ABANGAN NIYO MGA READERS ANG MGA MANGYAYARI PA SA MGA SUSUNOD NA CHAPTERS. VOTE, COMMENT,SHARE AND ADD MY STORY IN YOUR READING LIST! ENJOY READING! MWUAH! LOVE YOU READERS!
![](https://img.wattpad.com/cover/68294890-288-k484656.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
RomanceThis is a story about a woman named Marissa whose desperate to earn a money until this strange offer released by her boss that she should be her boss's friend"s bedmate. Will this OFFER change her life forever? What if they are not bed mates? What i...