“Quasi experiment na ‘to class, puro extraneous variables. Galingan niyo!” lumabas na ng room si Sir nun pagkasabi niya. Yung pagkakasabi niya ba parang and dali-dali lang ng lahat. Hayy, eto na naman kami sa experiment hindi pa nga tapos yung lab report namin eto at agad-agad ehh may groupings na kami para sa Field experiment. Buti na lang at ka-grupo ko si Erin ngayon at hindi na ako masyadong mahihirapan. Magaling kasi si Erin lalo na sa paggawa ng Related Literature, writer kasi. Ayy oo nga pala, ako si Kylian Celeron BS Clinical Psychology student. Less than 3 years nang umalis ng Pilipinas ang bestfriend kong si ate Cheska, less than 3 years din ng pumunta ng ibang bansa ang boyfriend kong si Gray. I mean…ex-boyfriend. Eto ko ngayon, 2nd year college na syempre sa Lewis Academy bukod sa maganda ang facilities at education dito ehh andito rin ang tropa though madalang naman kaming magkita-kita. Sina Rome at Jules na graduating na oha, sila pa rin tatag noh? Sina Chiaz at Alfred naman ehh 3rdyear na. Si Chris kasi eh sa ibang university pumapasok. Oo nga pala dito rin nag-aaral si Jaren Industrial Engineering yung course, si Gee ehh next year pa mag-eenrol dito tsaka ko na ikkwento kung bakit.
“Lia, andyan na naman si Alex.” natatawang bulong ni Erin. Pumasok na naman kasi si Alex sa room at alam kong dito na naman sa lugar ko yung punta niyan. Napadukdok na lang ako sa desk ko.
“Dalawang strawberry milk drink at dalawang burger para sa’yo Lia.” nagtilian naman yung mga classmates ko, madalas dito yang si Alex Mechanical Engineering ang course niya pero nakakarating pa talaga siya dito sa building namin ng halos araw-araw na nga.
“Konting-konti na lang talaga pinsan mapapaniwala mo na ako na nanliligaw ka kay Lia. ”
“Wag ka na ngang magulo diyan, ay oo nga pala sabi ni Axis magkita daw kayo after class.”
“Talaga?” napatayo naman si Erin at nagpunta kung saan. Kung ideya lang yun ni Alex para paalisin si Erin sa tabi ko ehh super effective yun, pagdating talaga kay Axis nawawala yung concentration niya!
“Oy, Lia.” umupo na siya nun sa lugar ni Erin.
Inangat ko na lang yung yung ulo ko para harapin siya.”Wala ka bang klase Alex?”
“Wala nuh, pinuntahan talaga kita.” irregular student kasi siya, transferee galing ibang bansa ewan ko din kung bakit umuwi pa siya ng Pilipinas. Oy ha, narinig ko lang yan kay Erinisse mag-pinsan kasi sila.
“Alex John!”
“Ano na naman Erinisse Rei? Pwede ba kung gusto mo tawagin mo si Axis wala akong pakialam basta dun ka na sa malayo.”
“Naalala ko lang, may klase si Axis ngayon no! Hindi mo naman yun katulad na irregular.”
“Masakit yun Erinisse ha.” pabirong sabi niya.
“Wala kong paki, tayo na dyan!” hinatak niya si Alex patayo.”Pero thankyou na din sa snack, makakaalis ka na.” kinuha niya yung isang burger sa table ko. Mababaliw na ata ako sa magpinsan na ‘to.
“Lakas mo maka-nanay kay Lia ha! Pasalamat ka may klase na ko. Bye, Lia.” sabay kindat niya pa nun sa’kin bago lumabas ng room.
“Dumadagdag sa stress ko yang pinsan mo.” ininom ko lang yung bigay ni Alex pero hindi ako kumain, si Erin lang yung nakaubos, busog pa kasi ako.
“Kelan ba naman kasi yung balik ni fafa Gray? Kasi kung wala ka lang hinihintay baka naging boto na talaga ako kay Alex para sa’yo.”
Pabiro akong umirap.“Pwede ba Erin. Ni hindi naman ako nililigawan ng pinsan mo noh.”
“Gwapo naman yung pinsan ko ha? May pagkasaltik nga lang talaga. Isa pa, tignan mo nga alagang-alaga ka ni Alex simula nung magkakilala kayo nung June.”
BINABASA MO ANG
Dating My Bestfriend's Boyfriend (2010)
General FictionLia, a highschool student just want to quit the cat-dog fight between her and Gray, her bestfriend's boyfriend. But what she ended was a relationship when she accidentally fell in love with him. What will she do when she also broke a friendship with...