Lia’s P.O.V
Tatlong araw ko na palang hindi pinapansin si Gray, tatlong araw na rin akong hindi sumasabay sa kanila kaya hindi ko alam kung nagkakasabay sila ni ate or what. Distance muna siguro…wanna know something again?
Hmm, diba na-mention ko na na may nauna pang naging boyfriend si ate? Si Karl, ako kasi yung dahilan kung bakit naghiwalay sila. Pinagseselosan kasi ako nung lintek na Karl na yun, kaya pinapili niya si ate sa aming dalawa. Tama ba yun? Isang malaking katangahan, syempre ayaw din ni ate ng ganun. Ayoko lang maulit, baka ako ulit yung maging dahilan nang away or worse ng hiwalayan na naman kaya kung anong issue man ang meron kami ni Gray sa’min na lang yun.
“Tapos ka na?” tanong ko kay Gee-Ann, exam naming ngayon sa Chemistry.
Umiling siya. “Anong answer sa # 5?” siniko niya ako ng mahina, nakatalikod sa’min si sir kaya naman…
“Viscosity…” bulong ko. Haha! Ninja moves, pagkatapos naming magpasa ng papel nauna na kaming lumabas ng classroom ni Gee.
[a/n]: Relate? HAHA.
“Chris!” kumaway ako sa kanya, nasa field siya nun habang nasa 2nd floor kami ni Gee. Kumaway din naman siya at nag-smile. Yee, cutiee. Haha! Ayan oh, kaya maraming girls ang naka-glare sa’kin ngayon haha. Easy lang mga girls, sa inyo na si Chris at wala akong balak agawan kayo.
“Si ate?”
“Sa room ata.”
“Sige, thankyou!” nagwink siya sa’kin. Hala oh, gusto atang kuyugin ako ng mga babae. Loko-loko talaga. Haha!
“Lia, ayan na naman si Clint oh.” Nagpanic ako tapos nagtago sa likod ni Gee-Ann.
“Utang na loob Gee, itago mo ako!” tumakbo kami at nagtago para hindi makita ni Clint. Ang kulit din talaga niya, nakuuuuuu!
“Hanep, haba talaga ng hair mo friend! Last year pa yan ahh, ayaw ka na tantanan?” natatawa pa siya habang sinasabi yun.
“Yow!”
“Ahh!” napasigaw ako. And sh*t, si Gray lang pala.
“Akala ko naman kung napano ka na!” sabi ni Gee.
“Eto kasi!” I turned to him. “Please stop doing that okay?” I rolled my eyes.
“Ansunget ata ng kasama mo miss?”
“Oo nga ehh.” Tumawa siya.
“Hoy Gee-Ann!” biglang dumating yung asawa niya ay este boyfriend niya. Tinanguan niya ako bago magsalita ulit, ngumiti naman ako.“ Saan mo ba balak pumunta? Halika na, sumabay ka na sa’kin umuwi!”
“Ayoko nga!” sagot niya. Gagawa na naman ng eksena oh.
“Lintsak, sumabay ka na nga sabi eh! Nasa bahay si mama!”
“Tsss!” umirap si Gee at humarap sa’min.
“Sige mauna na ako Lia. Bye!” kumaway siya sa’ming dalawa. Teka2! -____- Alone again with this freak.
“Mauna na rin ako, bye.” exit na Lia. Exit naaaa! Bigla niyang hinatak yung bag ko, sh*t namaaaaaan.
“Anong problema mo?” marami! Kaya wag ka nang dumagdag pa!
“Wala noh.”
“Iniiwasan mo ba ako?” Obviously, kaya tantanan mo na ako.
“Hindi. Bakit naman kita iiwasan? Okay na, kaya kung pwede pakibitawan na ako.” Sabi ko, nakatalikod pa rin sa kanya.
“Lia!” ate Che! Waa! Help me! Bumitaw naman agad sa’kin si Gray.”Andito na pala kayong dalawa. Oh anoh? Uwi na tayo?”
“Talaga ate? Sasabay kang umuwi?”
“Yep.” I clapped my hands together. Namimiss ko na rin talaga si ate at gusto ko na siyang makasama kahit pa ang ibig sabihin nun ehh makakasama ko ulit yung bwisit. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakangiti din siya habang nakayuko. Shet lang, talagang nagpa-cute. Tsss.
Nag-stop kami sa 7/11 para magmeryenda like we always do.
“Oh ano ate? Anong mga kaganapan sa school anniv?” tanong ko sabay higop sa slurpee. Wee, I love this.
“The usual. Magpperform kayo ‘di ba? Glee club.”
Tumango ako. “Dalawang numbers lang siguro.”
“Kaylangan ko sigurong magdala ng payong nun.” Tinignan ko ng masama si Gray pagkatapos niyang sabihin yun.
“Oh nagsisimula na naman kayo.” sabi ni ate. Hindi na lang ako nagsalita. Bakit ganun? Kahit anong asar niya talaga napipikon ako! Biglang may tumawag kay ate Che kaya lumayo siya saglit sa’min para kausapin yun. Lord bakit po lagi na lang akong naaiiwan sa kanyaaaa?
“Ikaw ba si Lia?” ano na naman kayang nasa isip ne’to. Tss! “Para kasing hindi ehh, hindi ka na nasigaw.” Hindi ko siya pinapansin, pinupuno ko lang ng pinupuno yung bibig ko ng Pic-A para wala akong masabing hindi maganda. Nakakapikon na kasi ‘to ehh, halata namang ayaw ko siyang kausapin ‘di ba? Isa’t kalahating pasaway.
“Hoy! Nakakapanibago, hindi bagay sa’yo okay? Kaya tantanan mo na!” pasigaw niya yung sinabi. Pissed off.
“HINDI BA HALATANG AYAW KITANG KAUSAPIN! BWISIT KA TALAGA!”
“Ayan! You’re back Lia. Welcome back!” napasapok na lang ako sa noo ko. Gosh, ate Che bakit ka ba nagboyfriend ng abnormal?
“Bakit ka ba kasi nagagalit sa’kin? C’mon, warning lang yung binigay ni Mrs. Dizon. Parang iyon lang ehh, dahil dun hindi mo na ako agad kakausapin?”
“Ehh alam mo kahit hindi naman nangyari yun ehh, nakakabwisit ka lang talaga! Ansakit mo sa mata.”
“Aww. Ansakit mo namang magsalita!”
“Lia, Gray tara na marami pa akong kaylangang gawin pag-uwi sa bahay ehh.” lumapit na sa’min si ate Che at kinuha yung bag niya. Tumayo na rin naman kami.
Unang naihahatid si ate bago ako, kadalasan binibilisan ko na lang yung lakad ko. Ilang hakbang na lang naman ehh tapos liliko, bahay na namin.
“Bye ate!” ni-kiss ko siya sa cheek bago siya pumasok. Tapos tumalikod na ako para hindi na ako maabutan ni Gray.
“Uyy, ihatid mo yun hon aa.” Narinig kong sinabi ni ate kaya lalo kong binilisan yung lakad ko. Pero maya-maya pa…
“Yow.” May humatak na naman sa bag ko. “Ambilis mong maglakad pandak.”
“BWISET! BITAWAN MO NGA AKO, TSAKA ANONG SABI MO?! PANDAK?!”
“ARAY! ISKANDALOSA KA TALAGA! OO BAKIT? MATANGKAD KA BA?”
“H-HINDI.”
“Oh ehh ‘di pandak ka!” tumawa siya ng tumawa nakahawak pa talaga siya sa tyan nya. Tss, sana nakakamatay ang pagtawa. Oops, ang harsh ko. Ehh siya naman kasi ehh.
“Tss, dyan ka na nga.”
“Oyy teka.” Hinatak niya ulit yung bag ko. Huuuuuh! Bakit ba ang hilig niya ‘tong gawin?!
“ANO BA?!”
“Oh, para sa ikinagalit mong hindi ko naman alam kung ano.” mula sa bag niya inabot niya sa’kin yung plastic ng 7/11. Ano naman ‘to? Pagkatapos nun tumakbo na siya, tinignan ko siya habang palabas ng village ng nagtataka.
Teka, rewind. Ano daw? Tinignan ko yung laman ng plastic, dalawang strawberry milk! Favorite koooo! At para ‘to sa ikinagalit ko? Ha? Ano daw? Author, help!
“Translation??? SORRY DAW!” – author
Ahhhh. Biglang may nangyaring ewan sa tyan ko, nang ma-realize ko teka anyare? Kaylangan ko bang magbanyo? Anlakas tuloy ng heartbeat ko ehh, ngayon ko lang naramdaman, ambilis kasi ng lakad ko kanina ehh. ‘Di ba guys?
BINABASA MO ANG
Dating My Bestfriend's Boyfriend (2010)
Ficção GeralLia, a highschool student just want to quit the cat-dog fight between her and Gray, her bestfriend's boyfriend. But what she ended was a relationship when she accidentally fell in love with him. What will she do when she also broke a friendship with...