Chapter 19: Cute-sy, cute-sy Lovers ^____^

2.9K 39 1
                                    

Lia’s P.O.V

“Alam mo baliw ka talaga! ‘Pag nahuli ako ni Miss yari ako.” PE namin at hinatak lang ako ni Gray mula sa paglalaro ng volleyball, umalis din kasi ang teacher namin.

“Hindi yun, sabihin mo lang pangalan ko tiklop yun.”

“Heh, feeling mo batas ka.” tumatawa kaming naupo sa damuhan.

“Oo kaya.” Inabot niya sa’kin yung binili niyang tubig at nagkaroon ng maikling katahimikan.

“2 weeks na.”

“2 weeks?” tanong niya. Kita ko ang mukha niya sa gilid ng mata ko na halata mong walang ideya sa tinutukoy ko. Binatukan ko siya. “Oh bakit?!” napahawak na lang siya sa ulo niya.

“2 weeks na tayo. Dalawang linggo na pala akong nagtitiis sa’yo? Akalain mong nagtagal?” biro ko saka sinundan ng malakas na tawa.

“Loko ka ahh, sinong nagtitiis sa’tin? Ehh kung tutuusin mas marami pang mas sexy sa’yo pero pinili ko yung maliit at payatot na tulad mo.”

“Aba!” tumayo ako at nilagay ang mga kamay ko sa bewang.”Ehh ikaw nga kahit mukha kang tambay sa kanto pinagttiyagaan kita dyan ehh! At excuse me no kahit maliit ako sexy ako!” I rolled my eyes and folded my arms against my chest.

“Ehh ‘di inamin mo rin na pandak ka! Haha!”

“Whatever.”

“Haha. I can’t believe girlfriend ko ang isang babaeng may height na 5’1.”

“Graaaaaaaaaaaaay!!” tumayo siya at tumakbo. Alam niya kasing mahahampas ko siya kaya naman hinabol ko siya. Nag-ikutan lang kami sa field.

“Wahahaha! Ayoko na, ambilis mo tumakbo!! May lahi ka bang kabayo?” I gasped. Umupo ako sa damuhan. Buti na lang talaga at sanay kami sa biro ng isa’t-isa.

“Loko ka ahh. Haha. Ang kupad mo kasi para kang pagong!” Nakalagay ang mga kamay niya sa mga tuhod niya at hinihingal din siya kaya hirap siya sa paghinga.”Pero alam mo kahit ano ka pa, kahit na maliit ka pa ikaw pa din ang nag-iisa kong prinsesa.” tumingala ako sa kanya at tinulak siya sa noo.

“Ang korni! Haha. Sige na nga prinsipe ko.”

“Ayy ayoko ng prinsipe, gusto ko ako yung kawal.” umupo na siya uli sa tabi ko, hindi na rin siya hinihingal.

“Ha? Bakit?”

“Ehh kasi ako yung magpprotekta sa’yo. Hindi ko hahayaang saktan ka ng kahit sino.”

“Boom! Haha! Aa basta prinsipe man o kawal basta kasama kita okay na ko.” ngumiti ako sa kanya, ganun din naman siya.

Ang laki na ng pinagbago niya. Ang dating astang siga ehh tumitiklop na pagdating sa’kin. Hindi na siya nakikipag-away gaya ng dati, hindi na rin siya umiinom sabi ko nga sa kanya kung may okasyon okay lang naman ‘wag lang ssobra, hindi na rin siya uli naninigarilyo. Simula kasi nung nagkalabuan sila ni ate Che nun bumalik siya sa pagyyosi ehh. Pero kahit ano naman ehh tatanggapin ko pa rin siya. Mahal ko siya at ang lahat sa kanya.

“Oh, ang mortal enemies magkasundo na? Hindi ba kayo masyadong nagiging close na nyan?” parehas kaming nabigla ni Gray. Nasa tabi na pala namin si Chris naka-indian sit habang kumakain ng ice pop.

“Ahh, h-hindi.” napatayo ako. “Oh sige ahh, babalik na ako sa mga classmates ko baka andyan na si Miss.” Hindi ko na hinintay yung sagot nila tumalikod na lang ako at bumalik na sa pagvvolleyball. Bakit ba nakalimutan kong nasa campus kami? Pusanggala naman kasi ‘pag magkasama kami pakiramdam ko kami lang ang tao sa mundo. Hayy. Hindi pa pwedeng malaman ni Chris baka magalit siya. Kaylangan ko pa ng maraming oras.

--------------------

“Waa! Uwian na! Tara Lia sama ka sa’min ni Jaren. Pupunta kami sa plasa may bonggang carnival .” sabi sa’kin ni Gee. Absent kasi yung katabi ko kaya lumipat na naman. -___-

“Ahh ayoko, magmumukha lang akong chaperone ninyo.”

“Ehh ‘di isama mo si Gray.”

“Gee-Ann!” tumayo na ako at inayos yung gamit ko para maiwasan yung topic.

“Wushu, sa’kin ka pa gumanyan? Alam ko naman.”

“Whatever, uwi na ako.” sinuot ko na yung buddy bag ko atsaka tumakbo na para hindi na mangulit si Gee. Madulas pa ako.

Sa kakatakbo ko sa hallway literal na kamuntikan na akong madulas. Buti na lang may humila sa’kin at nagtakip ng bibig ko.

Teka!

Humila at nagtakip ng bibig ko???

“Ahhh!” pinipilit kong sumigaw pero hindi yan lumalabas sa bibig ko. Nagpumiglas ako.

“Pwede ba Lia ‘wag kang maingay, ako lang ‘to noh! Iskandalosa naman talaga oh." tinanggal niya yung kamay niya mula sa pagkakatakip ng bibig ko.

“Ehh hanep ka naman kasi bakit mo ba ginawa yun?” humawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim. Kapag nagkaroon ka nga naman ng baliw na boyfriend.

“Pano naman kasi muntik na tayo kay Chris kanina.” ambilis kasi talaga ng kabog ng dibdib ko kanina.”Tara na nga.” kinuha niya yung bag ko sa’kin.

“Oh bakit mo kinukuha yan?” hinatak ko yung strap nun pero ayaw niya bitawan.

“Wag ka na nga para ka namang bata!”

Nag-pout na lang ako.”Ehh nasa loob pa tayo ng campus aa? Pag nakita tayo ni Chris o ng kung sino man.”

“Doon tayo dadaan sa likod. Game…1, 2…” teka, teka bakit siya nagbibilang?”3!” hinatak niya yung kamay ko tapos tumakbo kami. Marami kaming nabanggang estudyante pero tama yung desisyon namin na sa likod dumaan dahil walang masyadong dumadaan dung estudyante.

Hingal na hingal kami parehas sa ginawa naming pagtakbo.

“B-Baliw ka talaga! Haha!” sabi ko sabay hampas sa balikat niya, siya naman tawa ng tawa at sumalampak na sa kaalsada.

“Ehh at least walang makakakita sa’tin sa ganun.”

“Tara, uwi na tayo.”

“Ayoko, gusto pa kitang makasama.” sa di kalayuan narinig naming nag-uusap ang alam kong mga college students sa uniform. Naglalakad sila papalapit sa direksyon namin. Nang makita kami nagtakip yung mukha ng babae pero binaba niya rin agad.

“Teka, ‘di ba sila yung…”

“Oo nga sila yung sa bus.” sabi ni Gray.”Tara na.”

“Saan na naman?”

“Dun sa perya.”

“P-Pe..per…ano?”

“PERYA.”tinulak niya ako sa noo, habang nakangiti siya. Waa, why so cute boyfriend?-___-

“Ang cute mo naman…”I muttered.

“Ano kamo?”

“Aa..W-Wala! Sabi ko ano yung perya?”

“Ha? Lumaki ka nang ganyan hindi ka nakarating ng perya? Ay, ‘di ka pala lumak--aah!” hmpt. Hinampas ko nga. “Yung perya yung may mga rides tapos cotton candy.”

“Ahh, carnival. Yung sinasabi ni Gee-Ann kanina? Like Star City and Enchanted?”

“Ang arte aa, you mean ‘di ka pa nakarating sa perya?”

“Di ba nga yung Star City at Enchanted yun?”

“Mas susyal yun ehh, ahh basta tara na lang.” oha, demanding. -________-

Dating My Bestfriend's Boyfriend (2010)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon