Chapter 15: Her childish sister

3.2K 41 2
                                    

“Ate Liaaaaaaaaaa. Bumangon ka na nga diyan! Tulog mantika!” naramdaman ko na lang ang malakas na hampas ng unan sa hita ko.

“Ateeeeeeeeeeeee!”

Dinilat ko na yung mga mata ko.“Letse naman Ury. Matindi ka pa sa alarm ko aa.”

“Ganun talaga. Bangon na ate!”

“Teka, anong ate ka dyan? Atsaka paano ka nakapasok sa bahay ko?” sumampa siya sa kama ko.

“Mas matanda ka sa’kin noh. 2ndyear pa lang kaya ako. Paano ako nakapasok? Andyan kaya ang Mama at Papa mo, pinapasok nila ako at ang sabi nila gisingin na daw kita. Kaya tara na, sabi din kasi nila kakain daw tayo ng almusal ehh. Gutom na ako kaya dali na punta na sa banyo!” hinatak niya ako at tinulak sa banyo.

Ehh ayos pala ehh. -_____- Ang akala kong mature na si Ury ehh mas isip-bata pa pala sa’kin, kahit ganun ehh mataray pa rin talaga siya.

Ate Che, hinhintay ka na nang kapatid mo. Gumising ka na. Pinapangako ko kung dati nagseselos ako sa mga kalaro nating nakiki-close sa’yo o yung mga tumatawag sa’yo ng ate, sa kanya hindi ako mkgaseselos itturing ko siyang para ko na ring totoong kapatid. Kaya lumaban ka ate, marami akong gustong gawin kasama kayong dalawa.

“Salot! Dalian mo naman oh.” Kinalampag niya yung pinto ng banyo. Binuksan ko na rin yun. “Napakatagal mo maligo alam mo ba yun?”

“Bipolar ka ba Ury? Ate mo ako kaya wag kang gumanyan. Isa pa…lumapit ka nga dito.” Lumapit naman siya. Hinilamos ko yung twalya sa mukha niya.

“Hey! What are you doing? Natanggal tuloy ang make-up ko.”

“Yun nga yung ginawa ko ehh. Tara dito.” Hinatak ko siya papunta sa vanity table ko para pulbuhan ang mukha at lagyan ng light lipstick.

“There, mas maganda kung simple lang. One more thing, kapag may narinig pa kong ‘di maganda galing diyan sa bibig mo iistapler ko yan.” She stared at me with those eyes na ngayon ko lang nakita sa kanya.

“Waa! Ate talaga kita!” niyakap niya ako.

“Alam mo ikaw, kunwari kang mataray at astig iyakin ka naman pala. Tara na baba na tayo, nag-iingay na yang tyan mo oh.”

------------------------

“Ate, marami kaming dala para sa’yo! Bangon-bangon din.” Pabalik-balik si Ury sa paper bag na dala namin at sa table ni ate Che, pinuno niya ng prutas yung rack ni ate. Nilagay niya rin sa vase yung mga bulaklak.

“Ury, hindi ka ba nahihilo? Kanina ka pa paikot-ikot sa kaaayos mo dyan ah?” nakangiting tanong ni tita Rei. Buti naman nagkakasundo sila. I wonder how tita feels.

“Hindi po tita, kaylangan malikot ako para maexcite si ate at gumising na.” lumingon siya kay ate.”Ate, gumising ka na dyan. Hindi na kita susungitan promise!”

Nagkangitian kami ni tita tapos nagpaalam siyang pupunta ng chapel, sasama sana ako kaso nagtext si Chris na pupunta daw sila kaya sinamahan ko na si Ury dahil alam ko ang magiging reaksyon nila ‘pag nakita nila siya.

Bumukas naman yung pintuan. Bumilis agad ang tibok ng puso ko, hindi na tuloy ako mapakali.

“Lia, kamusta ka na?” lumapit sa’kin si Chris at tinabihan ako.

“Dalawang araw lang tayo hindi nagkita Chris.” Sa gilid ng mata ko, nakita kong naglagay si Gray ng paper bag sa side table ni ate Che.

“Waa! Bakit andito ‘tong babaeng nang-aaway sa’yo?” nanlaki pa yung mata ni Chris habang tinuturo si Ury, si Gray halatang nagulat din.

Dating My Bestfriend's Boyfriend (2010)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon