I dedicate this chapter sa gumawa ng napakaganda kong cover before, nagchange na kasi ako ng username kaya hindi ko na yun nagamit. BTW, she's the best!
Thankyou so much ate.:)
-----------
“Maybe it’s wrong to say please love me too
‘Cause I know you’ll never do
Somebody else is waiting there inside for you.
Maybe it’s wrong to love you more each day
‘Cause I know she’s here to stay
But I know to whom you should belong.”
So kaylangan talaga nananadya yung music? At talagang sinasabayan pa ne’tong si Chris, sarap ihulog sa zigzag.
Hayy.
Hindi ko alam kung anong oras na, pagkagaling namin dun sa stop over pinagpatuloy na yung byahe. Hindi na rin naman ako nakatulog dahil sa nangyari.
-------------------
“We’re here! Yay!” nagsibabaan na lahat.
“Okay, listen guys. There are two rooms for you, meaning walang way para magsama ang boys at girls. Hiwalay okay?” dad said.
“Yessir!” we all answered in chorus.
“Okay then, magpahinga na muna lahat at bukas na tayo maglibot.” Nag-ingay na kami after magsalita ni dad. Yung room ko yung gagamitin naming samantalang yung mga boys yung guest room sa tabi ng room ko. Si Mom at Dad sa room nila at si tita hindi naman siya dito magsstay may ppuntahan siyang business dito pero Christmas eve dito siya sa’min. Less than a week din ng kakulitan namin, yay!
At dahil sa 4-5 hours din kaming nakaupo sa van, pagkatapos kumain at mag-ayos ng sarili lagapak lahat sila sa kama. Ako naman hindi makatulog kaya lumabas muna ng veranda para magpahangin. Wow ha, na-miss ko yung napakagandang view na ‘to. Nakatayo lang ako habang nag-iisip.
Anong iniisip ko?
Syempre, sino pa ba?
Gray’s P.O.V
She wants the gangster back?
Hayy! Hindi ko siya maintindihan.
Hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang iparating.
Alam ko yung dating ako, ayaw niya nun.
Yung Gray na umaaway sa kanya oras-oras, yung pala-inom, pala-away at naninigarilyo.
Lahat yun ayaw niya sa’kin.
Nakakatawa pero lahat ng mga bagay na yun naiwasan ko dahil kay Lia hindi dahil kay Che.
Tumayo ako sa kama, tulog na si Chris at Jaren. Si Chris ang katabi ko sa kama since hindi naman naming ganun ka-close si Jaren kasi Junior siya. Well, magiging close na siguro namin siya ngayon.
Binuksan ko yung pinto papuntang veranda.
Nagulat ako nang masilip sa kabilang veranda si…Lia.
“Waa! Shooting star!” sigaw niya habang nakaturo sa langit. Para talagang bata. Hindi naman niya ako napansin kaya nagkaroon ako ng chance para titigan siya.
Para siyang nagliliwanag sa paningin ko.
Maganda talaga siya.
Napatigil ako sa pantasya ko ng marinig ko siyang kumanta.
BINABASA MO ANG
Dating My Bestfriend's Boyfriend (2010)
Fiksi UmumLia, a highschool student just want to quit the cat-dog fight between her and Gray, her bestfriend's boyfriend. But what she ended was a relationship when she accidentally fell in love with him. What will she do when she also broke a friendship with...