Chapter 17: Officially

3.1K 49 3
                                    

“I missed you.” He whispered. The beat of my heart, I know and I’m sure it’s the same as before. It still beats for him, ano bang bago? Napapikit na lang ako nun kasabay nang pagtulo ng mga luha ko. Gusto ko na ngang kumawala, andito si ate kahit hindi niya kami nakikita I should show respect. Yakap lang naman ako ng boyfriend niya. Teka, foul na ‘to.

“Nag-iba ata ihip ng hangin?” ttanggalin ko na sana yung pagkakayakap niya sa’kin pero hinigpitan niya lang yun.

“3 more minutes.” Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinayaan ko na lang siya, ramdam ko ang paghikbi niya at isa yun sa mga dahilan kung bakit patuloy pa rin ako sa pag-iyak. God knows how much I want this to happen, kahit alam kong hindi pwede hindi pa rin naman masamang mangarap ‘di ba?

Binitawan niya na rin ako nun. Humarap ako sa kanya, nakayuko lang siya habang pinupunasan yung mga mata niya. Ano ba talagang meron? Sa huli hindi ko pa din napigilan ang sarili kong magtanong.

“Can you please explain what’s going on? Naguguluhan ako, first you told me you like me, second I’m invisible and this?” I fired questions at him. Though naiintindihan ko yung second thing.

Ngumiti lang siya nun. “She wants us to be happy.”

“H-Ha?” gulong-gulo pa rin ako nun.                             

“Alam niya…and she’s letting me go.” Napatingin ako nun kay ate atsaka lalong lumakas yung pag-iyak ko. Naramdaman ko na lang na nakalapit na pala siya sa’kin at pinupunasan yung mga luha ko.

Bumukas yung pinto, automatic na naglayo kami ni Gray sa isa’t-isa parang ampanget pa rin kasing tignan ‘di ba?

“Anong meron dito? Hi, Che!” si Chris lang pala. Umupo ako sa tabi ni ate. Habang si Gray naman naupo sa couch.

“Bakit ngayon ka lang?” tanong ko sa kanya para na rin hindi niya na ulitin yung tanong niya kanina hindi ko siya nun tinitignan ng diretso kasi baka mapansin niya ang mata ko.

“Tinapos ko pa kasi yung reaction paper namin alam mo na, pasukan na bukas. Oyy Che, pasukan na bangon-bangon din.” Naging seryoso yung mukha ni Chris. Halata ko namang namimiss niya na din si ate.

“Lia, pwede ka bang makausap?” tumayo si Gray nun at lumapit sa’kin.

“S-Sige.” Tinignan ako ni Chris nang mapang-asar. Nagmake-face lang ako tapos sumunod na kay Gray palabas ng kwarto.

Habang paakyat dito sa rooftop ehh tahimik lang kami, umupo siya dun sa bench ganun din ako.

“A-Anong plano natin ngayon?” siyan yung unang nagsalita. Nakatingin lang siya nun sa malayo. Sumandal ako tapos yumuko.

“B-Bakit ako yang t-tinantanong mo?”*silence*Grabe ahh, alam niyo yung awkward? Eto na yun.

“Kayo pa ba ni Chris?”

“Huh? Never namang naging kami nun noh.” *silence*

“E-Ehh bakit sobra kayong malapit sa isa’t-isa?”

“Ahh, b-basta  hindi nga naging kami.”*silence*

“K-Kung ganoon, ehh ‘di pwede na tayo?” muntik na akong malaglag sa pagkakaupo ko ng marinig ko yun mula sa kanya. Paki-ulit nga daw!

“K-Kung ganoon, ehh ‘di pwede na tayo?”

“K-Kung ganoon, ehh ‘di pwede na tayo?”

“K-Kung ganoon, ehh ‘di pwede na tayo?”

Waa!

Napansin niya sigurong ‘di ako makasagot kaya nagsalita siya ulit. “Alam mo na, kahit hindi pa kami officially nagbbreak ni Che ehh para namang okay na sa kanya ‘di ba? Tapos hindi naman kamo kayo ni Chris ehh ‘di…”

Tumango ako nun. Teka, tumango ako?! Napatalon naman si Gray at binuhat pa ako. ‘Di nga? Bakit ako tumango? Aa, kasi nga mahal ko din siya.

Teka, teka…

Sila ni ate Che…

Nope, she already let him go…parang.

Unofficial yung break up nila…

Ehh ‘di parang sila pa rin…

Ibig sabihin…

I’m dating my bestfriend’s boyfriend?!

----------------------------------------------

“Teka Gray.” binaba niya naman ako nun, nagtataka yung mukha niya.

“Bakit? Binabawi mo na agad?”

“H-Hindi naman sa ganun pero don’t you think it’s too fast? Atsaka, ano na lang yung sasabihin ng mga tao? Na-comatose lang si ate sinulot na kita?”

“Oyy, oyy. Hindi noh, ‘wag mong isipin yan ginusto ko ‘to. Isa pa, hindi natin sinasadyang mahulog sa isa’t-isa. Hinayaan na tayo ni Che oh tapos ikaw naman yung aatras. Ikaw kasi ang hilig mong pakinggan yung sinasabi ng ibang tao pero sa ikakatahimik ng mundo mo let’s keep it as a secret…for a while. Wag mo lang bawiin yung OO mo.”

May magagawa pa ba ako? Ehh eto na yung pinapangarap ko oh. Lumapit siya sa’kin at niyakap ako.

“Ate, sorry kasi minahal ko ang boyfriend mo pero thankyou kasi hinayaan mo kaming maging masaya.”

“Totoo ba ‘to?” I muttered. Nakaupo kami sa bench non habang nakaakbay siya sa’kin at nakasandal ako sa balikat niya.”Para kasing ahh—“ batukan daw ba ko?! Boyfriend ko na ba talaga ‘to?! Oo nga pala siya yung ganster-like na nakilala ko several months ago! Boyfriend ko na nga ‘tong annoying, jerk na ‘to.

“Oh? Ano? Sagutin mo yung tanong mo.”

“Totoo nga.” I pouted habang nakahawak sa ulo ko.

It feels like electricity had exploded inside me, my eyes widened and as usual my heart pounds.

He kissed me.

“It’s official.”

Dating My Bestfriend's Boyfriend (2010)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon