Chapter 10: Confusions, doubts and happiness.

3.5K 48 4
                                    

6pm na aa? Wala pa sila. Okay na siguro sila. Hayy, ayan na naman yung weird feeling yung parang may tumutusok sa puso ko.

Mag-isa ako ngayon sa room ko, pinauwi ko muna kasi si Chris nakakahiya na kasi sa kanya. Wala pa din ang parents ko, ano pa nga bang inaasahan ko diba? Hayy, I really feel alone. :(

Narinig ko ang dahan-dahan na pagbukas ng pinto.

“Mom?” I called. Minulat ko ang mata ko…

“Bukas na lang daw sila ng maaga makakarating, pinapasabi ni Che.” Binuka ko lang ang bibig ko pero walang tunog na lumabas. Nanghihina ako. Pero infairness ha? Ang puso ko, hindi pa rin nakalimutang tumibok ng mabilis nang makita ko si Gray. What the..

“Oh, kainin mo ‘to. Para makainom ka na ulit ng gamot.” Tinulungan niya kong itayo ang sarili ko. Nakasandal ako sa headboard ng kama tapos siya nakaupo sa kama paharap sa’kin.

“Si ate?” mahinang tanong ko.

“Umuwi muna para manguha ng gamit niya at gamit mo.” Tumango na lang ako.

“Akin na.” kukunin ko sana yung lugaw at kutsara mula sa kanya pero hindi siya pumayag.

“Nanghihina ka kaya, mamaya’t tumapon pa ‘to sa’yo ehh.” Ehh ano pa nga ba? Ehh ‘di ayan na naman yung puso ko, nako!

“Ubusin mo ‘to aa?”

“Wala nga akong gana ehh.”

“Kaltukan kita dyan. Buti sana kung wala kang sakit.” Pinatong niya yung palad niya sa noo ko. Tignan mo nga oh, ang init mo.“Nagkatinginan kami.

*stare*

1

2

3

4

5

6

7

8

9

10

“Ahh, u-ubusin mo na nga ‘to ohh. Ikaw na.” inabot niya sa’kin yung pagkain. A-Anyare? Ambilis na naman ng tibok ng puso ko. Ewan ko ha, baka magtagal pa ako dito sa ospital. Hindi na talaga tama yung kung anu-anong nararamdaman ko sa puso ko.

“Oh Che, k-kanina ka pa?” nagulat din ako ng makita si ate Che na nakatayo sa may pinto.

“Aaa, hindi kakadating ko lang.”

Naging awkward tuloy sa kwartong ‘to buti nagbukas ng tv si Gray.

“Hon, hindi ka pa ba uuwi?” –ate Che

“Bukas na lang siguro ng maaga, parehas kayong babae dito ohh.” Sumandal si ate Ce sa balikat niya tapos inakbayan naman siya ni Gray. Hannubbaaa? Nanunuod ako ng Phineas and Ferb pero sila pa din yung pinipiling tignan ng mga mata ko kahit na pakiramdam ko underconstruction na naman yung puso ko dahil sa dami ng pinupukpok. Hayyyy!

Matapos ang lahat ng seremonyas na ginawa ng Medtech at mga nurse sa’kin. Unti-unti ko nang ipinikit ang mga mata ko.

Gray’s P.O.V

Inayos ko na yung sa’min ni Che and ayan okay na ulit kami. Para na lang din hindi siya makahalata na may gusto ako kay Lia. Pero don’t get me wrong I don’t cheat and I won’t, LIKE lang yun iba yun sa LOVE. Ahh, ewan naguguluhan na din talaga ako.

Tulog na sila pareho, magkatabi kami ni Che sa sofa habang si Lia kanina pa mahimbing ang tulog. Gumalaw si Lia at tinaas ang kumot niya. Nilalamig siguro ‘to. Tumayo ako at hininaan yung aircon, inaayos ko na din yung kumot niya.

Kanina, hindi ko alam kung anong nangyari sa’kin basta parang huminto ang mundo ko. Hindi ko nga alam kung gaano ako katagal nakatingin sa kanya eh basta alam ko iba yung pakiramdam.

She moved.  Teka, gising ba siya?! Napatayo ako. Teka, napatayo? Kelan pa ako naupo dito sa upuan na ‘to? Shet naman oh. Bakit? Ano bang nangyayari sa’kin?

Hindi pwede ‘to.

Mahal ko si Che ‘di ba?

Kaya hindi pwede ‘to pero bakit kahit anong gawin ko hindi ko mapigilan ang sarili ko?

Tumayo ako at lumabas na lang. Nahihirapan na ata ako.

Che’s P.O.V

Wala si Gray sa tabi ko ng maalimpungatan ako, asan ba siya? Inikot ko ang mga mata ko sa buong paligid at napahinto sa upuan sa tabi ng kama ni Lia. Kitang-kita ko kung paano niya titigan si Lia. Yung mga titig na katulad ng titig niya sa kanya kanina pagpasok ko sa kwartong ‘to. Ano bang meron?

Baka…

Ahh, hindi nag-aalala lang siya kasi kaibigan niya din si Lia at nararamdaman niya lang din yung nararamdaman naming ni Chris at ng iba niya pang mga kaibigan ‘di ba?

Pinilit ko na lang ulit pumikit.

Ayokong mag-isip ng kung ano, napapraning lang ako.

“Cheska…” I heard his voice, minulat ko ang mga mata ko. Ngumiti siya sa’kin, that’s the smile that made me fall for him even more. Ang sarap pala gumising na siya ang unang makikita.

“Tara, umuwi muna tayo. Andyan na ang Mama at Papa ni Lia, nasa labas sila kasama siya.” tinulungan niya ako tumayo.

“Gray…kagabi, bakit wala ka sa tabi ko? Nasaan ka?” nagulat din ako sa tanong ko. Hindi ko na napigilang magtanong. Hindi naman ako nagiging OA ‘di ba?

“H-Ha?” As expected, nagulat din siya.

“Ahhh, naramdaman ko lang. Wala ka, nakatulog naman ako ulit nun. Kasi inisip ko baka…baka nasa labas ka lang.” I lied.

“Ahh, o-oo nagpahangin lang ako sa labas saglit bumalik din naman ako sa tabi mo pero bumangon din ako ng maaga ng dumating ang parents ni Lia.” hindi, lumabas nga siya pero pagbalik niya naman dun na siya nakatulog sa upuan sa tabi ni Lia. Bakit nagsisinungaling siya? Bakit?

“T-Talaga?” I blinked back my tears.

“O-Oo, kaya mag-ayos ka na tapos umuwi muna tayo.” hindi din siya makatingin sa’kin ng diretso.

Gray, bakit mo ‘to ginagawa?

Pumasok ako ng banyo at doon…tuluyang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pilit pinipigilan. Kagabi, hindi ko alam kung gaano katagal siyang nakatitig sa kanya. Kitang-kita ko din na bago pumikit ang mga mata niya hinawakan niya ang kamay ni Lia. What the hell’s happening?

Lia’s P.O.V

Paggising ko kanina nandito na ang Mom at Dad. Masaya ako kasi andito na sila, nilabas nila ako ng kwarto ko at dinala dito sa garden ng ospital. Kaya eto kahit papano gumagaan ang pakiramdam ko.

“Princess, sorry i—“

“Mom, okay na. At least nandito na kayo.” ngumiti si mom.

“We were on a business trip. Kaya nang tawagan kami ni Che hindi kami agad nakapunta. Babawi kami, pina-cancel ko na lahat ng appointments namin next week, we’re going to our rest house in Baguio!” dad announced. I hugged him.

“Yay!” I jumped and hugged mom too.

“Magsama ka ng friends mo, Christmas vacation naman yun. Well, yung pwede lang dahil Christmas nga yun.”-mom

“Thankyou so much!”

“Oh, kaya magpagaling ka na ha?”

“Aye, aye!” sumaludo ako.

“Ehem, mukang masayang masaya ka aa?” si ate Che pala kasama si Gray. Iniwas ko ang mata kay Gray at nagfocus kay ate Che.

“Guess what? We’re going to Baguio!” parehas kaming nagtatalon at niyakap ang isa’t-isa. Nakangiti namang nakatingin sa’min sina mom at dad.

Ang saya, saya ng pakiramdam ko. Parang gusto ko pa atang magpasalamat dahil nagkasakit ako. :)

Dating My Bestfriend's Boyfriend (2010)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon