Chapter 29: Father's Sacrifice (Father's Day Special)

2.4K 31 2
                                    

Katulad ng gusto ni tita Rei, lumayo ule kami kay ate. Kahit na miss na miss na namin siya ehh yun din naman yung gusto namin ni Gray dahil ayaw din naman namin siyang pahirapan. Isang linggo pagkatapos nun, nabalitaan naming umalis ng bansa si ate at doon niya na lang ipagpapatuloy ang pag-aaral niya. Hindi siya nagpaalam sa kahit sino pero nag-iwan siya ng sulat. It says:

Lia,

You’re my bestfriend, my twin-sister, my better half and you’ll always will. Hindi naman ako galit sa’yo, well maybe kapag umiral ang kakitiran ng utak ko pero kung meron mang may mali sa’ting tatlo, ako yun. Siguro nga, I still can’t handle a relationship. Isa pa, kung ipipilit ko ang sarili ko sa taong kahit kelan ehh hindi ko na makukuha ule eh . Alam ko sa’yo na siya masaya, and I won’t make things harder for you. I’m leaving but don’t worry babalik ako. Take a lot of care. 

I really miss my bestfriend pero mas makakabuti muna nga siguro ‘to. Well, kaylangan nang magmove-on ng lahat…

“Congratulations Graduates!” nagpalakpakan lahat ng tao sa auditorium. Finally, naka-graduate na rin sina Chris at Gray. Hinagis nila yung mga grad caps nila tapos nag-picture taking. Sayang nga lang, kung alam lang ni ate kung gaano nalungkot ang mga classmates niya nang malamang kulang silang ggraduate, lalo na si Chris. Ni hindi man lang niya nalaman yung totoong nararamdaman niya. Masakit yun para sa kanya. 

“Mas malaking torture pala yung umalis siya na hindi ko man lang nasabi kung gaano siya kahalaga.” he said.

Wala akong nagawa nun kung hindi sabihin na lang na babalik pa siya at may pag-asa pa.

“Huy Lia, Daydream lang? Magbihis ka na, pulmunyahin ka pa sa suot mo.” tinapik pala ako ng ka-member ko sa Glee club. Nagperform kasi kami kanina sa program. Tatayo na sana ako para pumunta sa backstage nang yayain ako ng mama ni Gray para kuhanan kami ng picture. 

“Okay, lapit ka pa ng konti anak.”agad namang umakbay sa’kin si Gray pagkasabi nun ni tita. Actually, ‘di naka-attend sina tita Sareena at ate Sab hinatid kasi sila ni tito Drake sa airport pupunta silang Korea, sa pagkakarinig ko may nagkasakit ata. Pagkatapos ng shot na yun sumingit na sina Chris, Given, Alfred at iba pang mga graduates.

Gray’s P.O.V

Dumiretso na kami sa resto bar na sinasabi ni mama after. Niyaya ko pa nga yung tropa kaso sabi nila si Lia na lang daw ang isama ako at pupunta sila sa bahay ni Chris. Hindi ganun ka sosyal yung place para ngang comedy bar kasi bading yung host pati may mga kumakanta, kumain kami habang kumakanta yung babae na sa pagkakadinig ko ehh Kyshia ang pangalan. Sinasabayan pa nga ni Lia yung kinakanta niya ehh. Right after naming kumain at kumanta ng tatlong songs nung Kyshia ehh umakyat sa stage yung isang lalaking kasing tangkad ko lang at astig pumorma, binati niya kami sa mic especially si mama na mama Francen pa ang tawag sa kanya. Ano ba talaga si mama dito at bakit dito niya kami dinala? Lumapit yung Xander sa’min at bineso si mama. 

“Gray, Lia si Xander sila yung may-ari ng Xaer’s (name ng place).” nag-shake hands kami. Napag-kwentuhan naming doon pala sa lugar na yun nagtrabaho si mama nung iniwan niya ako kay papa at dun din siya na-discover. Yung Xander ehh yung batang maliit noon na naging malapit sa kanya. Nakaramdam naman tuloy ako ng inggit kay Xander dahil siya yung nakaramdam ng pagmamahal at pag-aaruga na dapat ako yung nakaramdam. Hindi ko pa din talaga maiwasang magalit sa lalaking siyang naging dahilan ng lahat…si papa.

“Aa, Gray kaylangan ko ng umuwi may sakit kasi si mom ehh. Wala pa naman si dad.” paalam ni Lia. Nag-paalam siya kay mama. Ihahatid ko pa nga sana siya ehh kaso sinundo na pala siya ng driver nila. Nakaramdam naman ako na kaylangan ko munang magbanyo kaya tumayo ako. Nang maghuhugas ako ng kamay andun si Xander. 

Dating My Bestfriend's Boyfriend (2010)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon