Chapter 8: Like

3.9K 56 8
                                    

Nakahinga na rin ako ng maluwag nang ihinto na ni Gray ang motor niya, ambilis ng patakbo niya kanina pero hindi sapat yun para hindi ko maramdaman at marinig ang bilis ng tibok ng puso ko, ni hindi ko alam kung nasaan na kami. Oo, ito na naman yung pakiramdam na parang ansarap maramdaman pero hindi pwede. I was staring at his back while we’re walking ng ma-realize ko na nasa isang lugar kami na ngayon ko lang napuntahan. Iniikot ko ang mata ko sa lugar na yun. Ang ganda, maraming puno at mga ilaw. Pataas yung lugar na yun nang makarating kami sa pinakataas kitang-kita ko ang buong village! Waa, may ganito palang lugar. I closed my eyes and embrace myself as I feel the air that touches me. Kakadilim lang kanina kaya ang sarap talaga sa pakiramdam, nakakawala ng stress at problema. Pero teka, sabi niya kami ang magddate eto na ba yung date? Gaga! Bakit ba ako nageexpect, teka…napamulat ako ng mata.

At..

.

.

.

Hindi ako pwedeng magkamali…

.

.

.

I saw him…

.

.

.

STARING AT ME…

At agad siyang umiwas ng tingin.

Biglang naging awkward yung paligid.

“Oy! Si ate Che magagalit yuuuuun!”

“Hindi, siya na rin mismo nagsabi na nakalimutan niyang may gagawin pala siyang importante.” umupo siya dun sa may bench at tumingala habang nakapikit. “Mas importante pa kaysa sa’kin.”

I feel sorry for him. Simula pa noon nakikita ko na yung mga efforts na ginagawa niya para lang kay ate pero kadalasan hindi yun naaappreciate. On the other hand, naiintindihan ko rin si ate Che. Mahal niya si Gray pero natatakot siyang maiwan ulit ng lalaking minamahal at pinapahalagahan niya kaya hirap siyang magbigay ng buong tiwala.

“Oi, Lia! Andito ka pala.” napalingon ako ng marinig ang boses ni Given, tropa ni Gray kasama niya rin si Alfred. May dala silang mga pagkain at gitara.

Tinignan ko sila ng may halong pagtataka, mula sa likod ko lumapit si Gray sa kanila at tinulungang mag-ayos. Ano ‘to picnic?

Umupo silang tatlo sa damuhan at nagsimulang magkantahan at mag-inuman. Waa! Teka! Nag-iinom sila!!

“H-Hoy! Bakit kayo nag-iinom?!”

“Nakakauhaw kasi.” natatawang sagot ni Given.

“Upo ka na muna dito, kumain ka na rin.” huminto si Alfred sa pag-strum ng gitara.

“Ayoko nga, ako lang ‘tong nag-iisang babae dito tapos nagsisipag-inuman pa kayo!” natawa sina Alfred at Given. Loko talaga ‘tong mga ‘to.

“Masyado kang nag-iisip ng kung ano-ano ehh. Kila Given ‘tong lugar na ‘to, wala namang mga tao tsaka magkakantahan lang naman tayo. Pampawala lang ng stress.”

Yun ba yung use ng alak?

Pampawala ng stress?

Pagkalimot sa problema?

Kung ganun, kaya ba umiinom si Gray ehh para takas an yung mga problema niya?

Hindi ehh.

Hindi ko pa din maintindihan kung bakit ang hilig nilang uminom. -____-

Pero sige, pagbibigyan ko sila. Ngayon lang.

Umupo na rin ako sa damuhan, nakapa-ikot kami. Tutal at mukha namang walang balak si Gray ba ihatid ako at kanina pa siya tahimik. Uuwi na lang ako mag-isa mamaya bago sila malasing na tatlo. -____-

Dating My Bestfriend's Boyfriend (2010)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon