Chapter 22 - Give Us A Break

1.7K 33 13
                                    

Pagkatapos ng ilang sandali, umalis narin si Vice sa condo niya at umuwi sa bahay niya. 

 Kinwento agad ni Vice kay Buern ang mga nangyari.

Buern: So, ano ng plano mo? --- Sabi ni Buern habang inilalapag ang tasa ng mainit na gatas na pinatimpla ni Vice sakanya. 

Nasa living room kasi sila ngayon at nakaupo lang sa couch. Rumampa ang ibang mga bakla at si Buern lang ang nagpaiwan.

Vice: Aaaaah. Ewan, nalilito pa ako. --- Sabi ni Vice at tinakpan nya ang mukha nya gamit ang isang throw pillow. Nililito ako niyang si Kurba. Nakakaasar. 

Buern: Teh. --- Sabi ni Buern at hinawakan ang braso ni Vice. Huy. --- Sabi ulit ni Buern para tumingin si Vice sakanya.

Vice: Oh? 

Buern: Mahal mo din ba si Karylle? --- Sabi ni Buern at tinignan si Vice with a serious look. 

Vice: Buern...--- Sabi ni Vice at tinignan din si Buern ng seryoso.

Buern: Oo o hindi?

Vice: Hindi ko alaaaam. :/ Si Karylle? Mahal ko? Paano si Denise? Paano yung sasabihin ng mga tao tungkol samin? Baka naman nadadala lang ako. Paano---

Buern: Oo, mahal mo na nga. Kasi kung hindi naman, simpleng hindi lang ang sasabihin mo e. Vice, if you don't love Denise anymore, break up with her. Wag mo siyang sasaktan. Kay Karylle naman, bago mahuli ang lahat, sabihin mo ng mahal mo siya. Sige ka, baka maunahan ka pa ng ibang palaka dyan. 

Vice: Ayokong masaktan si Denise.

Buern: Isipin mo 'to ha. Ano mas masakit? Yunhg hindi mo siya iiwan, ipagpapatuloy niyo yung relasyon, pero hindi mo na sya mahal o yung iiwan mo siya? Diba parang mas masakit yatang maramdaman na yung jowa mo hindi ka na mahal kundi naaawa nalang sayo? 

-

 Kinabukasan....

Pagdating ni Vice sa ABS ay dumeretso siya agad sa area ng dressing rooms nilang mga hosts. Pagdating nya doon ay agad niyang nakita si Karylle, nasa tapat ng dressing room nila Billy at Vhong talking to Billy. Linampasan muna niya ang dressing room niya para sana batiin ang dalawa but when he was just a few steps away from them ay pumasok na si Billy sa dressing room niya then nag turnback na si Karylle sa direksyon kung asan ang dressing room nila ni Anne at kung saan narin nanggagaling si Vice.

Vice: Karylle! 

Karylle was just about to enter her dressing room when she heard Vice calling her name. Napatingin lang siya kay Vice ng wala-tayong-kailangang-pagusapan-lumayo-ka-ngayon-din look. Pero biglang...

Anne: Good morning guys! 

Napatingin lang si Vice at Karylle kay Anne pero hindi nila ito parehong pinansin.

Anne: Is there something going on here? --- Sabi ni Anne na nakataas pa ang isang kilay at tiningnan sina Vice at Karylle na para bang naw-weirdohan siya sakanila.

Vice: Gusto ko lang---

Karylle: No. Nothing's going on, tara na Anne, pasok na tayo. --- Sabi ni Karylle at hinila papasok si Anne sa dressing room nila. 

-

 Anne: What the hell? Ano bang nangyayari Karylle?

Karylle: You won't believe this. --- Sabi ni Karylle at tinanggal ang shades nya. 

Paano na Kaya [Vice-Karylle-Denise Love Triangle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon