Kinabukasan....
Nagising si Vice dahil sa tawanan ng kanyang mga kaibigang nasa baba na malamang ay kasalukuyang kumakain na ng almusal. Kinuha nya agad ang cellphone nya na nasa kabilang dulo ng kama. Pagtingin nya ay wala man lang tawag o kahit text padin si Denise kaya naman sya nalang ang sumubok na tawagan ito.
- D Dialling -
...
...
...
.."The subscriber cannot be reached..please try again later."
Napadapa nalang ulit si Vice sa lungkot ng hindi sumagot si Denise sa tawag nya ngunit hawak parin ang cellphone. Maya-maya ay napagdesisyunan nyang itext ito para makatawag dahil naniniwala syang busy lang ito kaya di nakasagot.
"Please call me back if you're available na. Let's fix this, okay?"
A few seconds after magsend ng kanyang message ay narinig nyang nasa tapat ng kanyang kwarto ang dalawang kaibigang sina Jegs at Donna. They are about to prepare Vice's things for Showtime. Habang pumapasok, nagcchikahan pa ang dalawa ngunit ng makita nila as they opened the door na gising na si Vice ay napatigil sila paguusap.
Donna: Ay, te! Gising ka na pala! Nauna na kaming kumain ha. Tagal mo e! Hehehe!
Vice: E ano pa bang magagawa ko? Mapapasuka ko pa ba sainyo yung mga kinain nyo? Haha.
Jegs: Magaling ka na diba? Bangon na! Magt-ten na o.
Vice: Ayoko nalang pumasok ngayon...
Jegs: Hindi parin ba kayo okay? Edi mas kailangan mo tong Showtime! Para naman mabuhayan ka. Lika naaaa kaya mo yannn.
Vice: Ayokoo.
Donna: Ano ka, baby? Halika na! Isusumbong ka namin kay Direk! Totoo to Viceral bumangon ka. --- Sabi ni Donna habang hinihila pa ang kaliwang braso ni Vice.
Jegs: Inaantay ka ng mga ponies te. Kung di ka papasok kawawa naman sila kaya halika na! --- Sabi naman ni Jegs at hinatak ang kanang braso ni Vice.
Vice: Ginamit mo pa yung fans ko. Heh, bitawan nyo nako, oo na babangon na. --- Bumangon naman si Vice na nakasimangot na parang bata.
-
Buern: Good mor---ay...--- Bumaba ang energy ni Buern ng makita nyang nakasimangot si Vice.Bad..bad morning pala. Anyare?? Grabe ka di ka nagbihis kagabi?! Eeew.
Wala namang pumansin kay Buern sa halip ay nakakuha sya ng manahimik-kang-bakla-ka look mula kela Donna at sa iba pang team vice.
Buern: Ay..sorry..te...okay ka lang? --- Sabi ni Buern kay vice sabay himas kay Vice na naka cross arms pa.
Vice: Wag na nating pag-usapan. Kumain nalang tayo..
-
Mabilis na natapos si Vice kumain at umakyat agad sa kwarto nya para maligo at ang team Vice naman ay nanatili sa baba at nagchikahan.
Buern: Akala ko si girl na ang magiging happiness ni meme. Wala rin pala.
Donna: True. Akala ko din e, pero nung una pa talaga di ko na bet si---
Manny: Shh, kayo talaga! Di naman natin alam yung sitwasyon e. Suportahan nalang natin si Vice dun sa taong mahal nya.
-