Chapter 37

7.8K 144 11
                                    

Chapter 37

Debbie's POV

"Just Feel at home, hija. Wag kang mahihiya. And You can call me lola connie too if you want."

"S-salamat po lola connie."

"Wala iyon, kaibigan ka naman ng aking apo. Well. . . speaking of my grandchildrens kumusta na sila?"

"Maayos naman po. Nakakatuwang bata si agatha. Hindi naman po siya pinapabayaan ni sam."

"Hay, namimiss ko na nga ang mga iyon, eh. Ang sabi ko kay sam bumalik na lang sila dito sa santa fe. Hindi naman nila kailagang mag stay dun."

"Uhm, wag niyo po sanang mamasamain, bakit po ba mas gusto ni sam sa maynila?"

"Ang totoo niyan, wala naman talaga siyang problema sa lugar na ito. Simula lang kasi ng mawala sa kasidente ang mga magulang nila, mas pinili ng apo kong iyon ang umalis dito sa santa fe. Hay, hindi ko naman masisi samantha." Naging malungkot ang mukha ni aling connie Habang sinasabi iyon. Siguradong Miss na miss na talaga niya ang mga apo. "Alam ko rin kasi ang pakiramdam ng nagiisa.

"Ay, naku. Naging madrama na tuloy ako. Sige, na hija. Ipapahatid na kita sa magiging kwarto mo para makapagpahinga ka pero gusto mo bang ilibot kita sa dito sa lugar pagkatapos?"

Tumango tango ako bilang sagot. "Sige po."

"Oh, baba muna ako, sumunod ka nalang."

"Opo." Pagkahatid sa akin ni aling connie sa magiging silid ko. Umalis na siya. Inayos ko na ang rin mga gamit ko. Pagkatapos kong gawin yun dumungaw ako sa bintana. Tanaw mula dun ang lawak ng lugar at ang malaking bundok. Sa tingin ko naman ay magiging payapa ang isipan ko dito. At madali kong makakalimutan ang masasakit na alaalang binigay sa akin ni xander.

***

Sa apat na linggo kong pananatili dito sa santa fe, Naging maayos ang pakikitungo sa akin ng mga tao. Lahat sila mababait. Lalo na si lola connie. Itinuring niya akong parang tunay na apo niya. Pero kung minsan ay alam kong hinahanap hanap parin niya sila sam, kaya naman hindi na ako tumigil sa pag kunbinsi kay sam na umuwi na.

Kaso merong isang taong alam kong ayaw ang pananatili ko dito. Dahil sa loob ng apat na linggo walang oras at panahon na hindi ko sinusungitan ang taong iyon, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit inis na inis din ako sa kaniya. Makita ko palang ang itsura niya bubusangot na ako. Pero ang loko, mukhang nananadya pa.

"Oh, hija. Bakit nakakunot nanaman yang noo mo? Huhulaan ko, nag bangayan nanaman kayo ni javier, tama?"

"Eh, siya po kasi, lola. Ang sabi niya tumataba daw ako. Hindi naman po diba?"

"Alam mo, hija. Kapag ang isang lalaki kinukulit ang isang babae, isa lang ang ibigsabihin nun, nagpapansin siya dahil mag gusto siya sayo."

"Po? Si javier? Ay, naku lola hindi po magandang biro yan." Saad ko. Tumawa naman siya at huminto sa pagdidilig saka naupo sa tabi ko.

"Bakit? Mabait na bata naman si javier. Nasa kaniya na ang katanggiang hinahanap ng isang babae. May pagkamakulit nga lang talaga ang taong yun. Ayaw mo ba sa kaniya kung sakaling manligaw siya sayo?"

"L-lola, h-hindi naman po sa ganun. . . w-wala lang po akong panahon sa ganyang bagay?" Sabi ko sa mahinang boses at saka ako yumuko. Ayoko kasing may mabasa si lola connie sa mga mata ko.

"Bakit naman, hija? Meron ka bang hindi magandang expirience noon tungkol sa pagibig?"

"P-po?"

Sandali akong napaisip. Paano ko ba sasagutin ang tanong na yun ni lola connie? Paano ko sasabihin sa kaniyang nabigo na ako sa unang taong minahal ko kaya wala na akong balak pang sumugal para sa pagi-pagibig na yan?

🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon