PROLOGUE

742 13 7
                                    

"Akala ko ba nasa dagat lang ang balyena at nasa farm lang ang baboy pero bakit ka naandito, Bella?" Pang-aalipusta sakin ng walang magawa kong school mate na si Steffi.

Hindi ko na lang siya pinansin sa halip ay tinuon ko na lang yung atensyon ko sa daan ngunit hindi maiwasan ng aking mga mata ang lumuha.

Sa araw-araw kong pamumuhay, hindi pa rin ako sanay alipustahin ng maraming taong makikitid ang utak. Palagi nalang nila akong napapansin, napupuna at inaalaska.

Ano naman ngayon kung mataba ako? Hindi ko naman kayo inaano pero ginugulo niyo yung buhay ko.

Oo mataba ako.

Palagi na lang napagka-kamalang buntis.

Palagi na lang napagka-kamalang may boxing kapag naka-sleveless.

Palagi na lang hirap maghanap ng kasyang damit.

Hirap magsuot ng high heels.

Pag may handaan daw ako palagi yung bida.

Cute daw ako sabay lamutak sa pisngi ko.

Palagi na lang ako nahuhuli sa paglalakad kasi mabagal daw ako dahil sa bigat.

Palagi na lang ako ang salbabida sa outing.

Pero mataba man ako, bawing-bawi naman sa mukha at lechon man ang tawag sakin, at least sa lechon walang tapon.

This is my life. Hindi man ako sexy tulad ng iba, pero kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa kahit ganito ako kataba.

One day, magugulat na lang kayong lahat na, mapayat, maganda at successful business manager na ako.

It's not a wish but a rigid promise that nothing and no one can stop it.

Tatawid na sana ako sa highway pero nakaramdam ako ng kaba nang mapansin kong green light pa pala. Everything turned to slow motion na para bang ito na yung katapusan ko.

I just closed my eyes and suddenly, naramdaman kong may sumagip sa akin. Itinulak niya ako pabalik sa gilid at pagkamulat ko, isang lalaking pinagpala ng kagwapuhan ang naka-yakap sa katawan ko ngayon.

DREW SEBASTIAN'S POV

"Because of that girl, you're popular again. Kilala mo ba kung sino siya?" Tanong ni ate habang nanunuod ng news.

"Hindi. Nakita ko lang kasing mabu-bunggo na siya nung ten-wheeler truck kaya sinagip ko na lang kaagad tutal wala namang ibang nakapansin kundi ako lang." I explained while lying on the couch with closed eyes.

"At ano namang ginagawa mo sa highway that time?"

Napamulat ako at tumingin sa kanya habang nakakunot-noo. "What's with you? Ano bang problema mo't interesado ka sa nangyari?"

Tinaasan niya ako ng kilay saka tinuro yung news. "Duh! Drew naman! Biruin mo? Three years kang nawala sa showbiz and now, nang dahil lang dun sa girl, sikat ka na ulit! Bakit hindi ka ba natutuwa?"

"Ewan ko sa'yo. Edi sana pala ikaw na lang yung nagligtas dun sa matabang babae para yung caption 'Kapatid ng dating aktor na si Drew Sebastian, sumagip ng taong nasa bingit ng kamatayan'. Oh di ba? Tss. Diyan ka na nga." Sabi ko saka umakyat sa kwarto ko.

As I fell on my bed, suddenly, my phone rings. Sinagot ko ito kaagad nang malaman kong manager ko ang tumatawag.

"Hello, Mrs. Lee?"

"Yes, it's me. Drew, we need to know and get the girl you saved." She directly said on the other line.

Behind Those Fats [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon