Dedicated to: MackzineCabrera
-DREW SEBASTIAN'S POV
"Drew, nasaan ka?!" Bungad na tanong ni mama sa kabilang linya; bahagya ko namang nailayo sa aking tenga yung cellphone dahil sa sigaw niya.
"Nandito sa taxi, pauwi na." Plain kong sagot.
"N-nasaan si Bella?!" Napalingon ako sa bandang kaliwa at sinagot yung tanong niya.
"Naandito sa tabi ko. Teka, bakit ba tense na tense ka?"
"Eh kasi..." Narinig ko yung pag-hinga niya ng malalim bago nagpatuloy sa salita. "Sabi ni manang, may mga naka-abang na media sa tapat ng bahay mo. I'm just concern, baby. Gusto ko sana sabihing doon muna kayo tumuloy sa resthouse ni kumareng Denise sa Tagaytay para kahit papaano, malayo ka sa stress pero alam ko namang hindi mo 'ko susundin e." I heard her sniffed. "Sino ba ako para sundin mo, di ba?"
Huminga ako ng malalim at sumandal sa upuan saka tinapos yung call conversation namin.
"Sino 'yun?" Pumikit na lang ako at hindi sinagot yung tanong niya.
"Manong, idaretso mo kami sa El Grande Rest House, please." No need to ask if where that fucking place is dahil sikat na ang pamilyang Sy, kilalang-kilala na din yung rest house nila.
BELLA LORENZO'S POV
Saan ba ako dadalhin ng lalaking 'to?
Hinanda ko na yung balisong ko sa bulsa kung in case halayin nila akong dalawa. Oo, alam kong corny pero ito lang kasi yung binigay sakin ng Tito kong Batangueño bilang self-defense.
Nung tumingin siya sa akin, agad naman akong naging alerto habang mahigpit kong hawak yung balisong sa kanan kong nakatagong kamay. Sasaksakin ko na sana siya pero pumikit na lang siya ulit kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Bakit ba hindi ka mapakali?" Tanong niya na may kasamang taas ng kilay.
"Eh saan ba kasi talaga tayo pupunta? Kanina pa tayo buma-byahe hindi pa din tayo nakakarating sa bahay mo samantalang kani—"
"Pwede ba manahimik ka na lang? Nakakairita 'yang boses mo. Kung pwede lang wag ka nang magsalita kahit kailan!" Inis niyang sinabi at napansin kong napatingin samin yung driver sa rear mirror.
Inayos ko yung upo ko saka nag-crossed arms at nanahimik na lang. Bwisit! Kahit kailan talaga kontra 'tong si Drew sa buhay ko!
Ilang minuto ang nakalipas at tumigil kami sa isang... MOTEL?!
Pinagmasdan ko yung labas nito, may kama na nakalagay sa advertisement tarpaulin.
"Bella, buksan mo na 'yung pinto. Hindi ako makaka-baba dito, may kotseng nakapark." Hindi ko siya pinapansin habang pinagmamasdan ko lang maigi yung labas ng motel na ito.
"Bella, ano ba!" Aniya na tila galit na. Biglang yumakap sakin yung kanang kamay niya at agad naman naging sensitibo ang aking katawan kaya nasaksak ko siya sa tagiliran.
"RAPE!" Sigaw ako ng sigaw habang nakapikit ngunit nung napansin kong hindi niya naman ako inaano, iminulat ko ang aking mata at nakita siyang duguan.
Gulat na gulat ako nang makita ko siyang iniinda yung sakit sa tagiliran at tinanggal ko naman yung balisong na nakatusok sakanya. "O, my God! Sorry! Ikaw naman kasi! Bakit mo ko nire-rape?!"
Pinanlakihan niya ako ng mata habang iniinda niya yung sakit at nakahawak siya sa tagiliran niya. "Ang kapal talaga ng taba mo! Bakit naman kita re-rape-in?!"
BINABASA MO ANG
Behind Those Fats [Slow Update]
De TodoMake them regret the day they dared call you fat. - BabaengPinakamalupet.