BELLA LORENZO'S POV
Tahimik, kinakabahan at hindi ako mapakali sa kinau-upuan ko ngayon habang hinihintay yung 'The One' na sinasabi ni Mrs. Lee.
Well about the news, nabalitaan ko din yun. Tuwang-tuwa nga sakin si Xyrille, ka-bedspace ko, dahil may spark daw kami nung lalaking sumagip sakin na hindi ko akalaing artista pala siya.
Hindi naman kasi ako yung taong updated palagi sa mga nangyayari. Ni hindi ko nga alam kung ano na'ng ganap sa balita e? Busy lang ako kaka-trabaho, tulog, trabaho, tulog.
Isa akong crew sa McDonald's at ang mas matindi pa, night shift ako kaya nakakahiya dahil haharap ako sa isang gwapong dating artista na dala-dala lahat ng pinag-puyatan kong eyebags tuwing gabi.
Wala e, ayan lang yung nakayanan kong trabaho dahil halos lahat ng kumpanya ngayon, hindi na tumatanggap ng high school graduate lang. Hindi ko naman sisisihin sila mama't papa na hindi nila ako napatapos ng pag-aaral dahil maaga silang sumakabilang-buhay. Sa ngayon, sila tita at tito na lang yung tumayong magulang ko pero nasa probinsya sila na normal din lang ang buhay kaya kailangan ko pa ding magtrabaho para sa susunod, ipagpapatuloy ko na yung pag-aaral ko.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok naman si The One with his manager, Mrs. Lee.
"Here we are. Bella, I know you know this man, righ---"
"I'm sorry po. Outdated kasi ako sa showbiz kaya hindi ko siya kilala. Sorry po talaga." Paghingi ko ng pa-umanhin habang napatingin lang sakin si The One.
"Parang hindi yata kapani-paniwala? Anyways, I'd like you to meet your savior, Drew Sebastian. And Drew, she's Bella Lorenzo, the girl you saved." She introduced then I smiled but he doesn't.
"I'll get you to the point, Bella." Umupo si Mrs. Lee sa couch kaharap ko at umayos ng pwesto.
"Kailangan ka namin para sumikat ulit si Drew." Daretso niyang sinabi at nagulat naman ako.
"Panong kailangan po? Bakit ako?" Pagtataka ko.
"Ginawa na namin lahat ng paraan para lang sumikat siya ulit pero hindi talaga naging successful. Pero nung matapos yung insidente na nakita sa CCTV, parang may milagrong nangyari dahil bigla na lang naging four million views ito sa youtube in just one day at biglang nakilala ulit si Drew Sebastian."
Napaisip ako at bumalik ulit sa tanong ko. "I got it. Pero ano? Pano? Bakit niyo ko kailangan? Anong gagawin ko?"
"Kailangan mong magpa-interview sa media at sabihin lahat ng positive attitudes ni Drew."
Napakunot naman yung noo ko. "Bakit ko kailangang gawin yun?"
She sighed. "Hindi mo ba nabalitaan three years ago? Oh, I forgot. Outdated ka nga pala. Nasira yung image ni Drew nung kumalat yung rumor na user siya ng drugs at doon na timigil yung popularity niya."
"Ah, I see. Pero kailan ko po yun sasabihin sa press? Baka kasi ma-istorbo ako sa tuwing nagta-trabaho." Sabi ko.
Tumingin muna siya kay Drew na nakapikit lang at tumingin ulit sa akin. "You need to resign on your job."
"B-bakit? A-ayoko! Hindi ko kaya yun!" Tumayo ako para umalis pero naglatag siya ng maraming pera sa table.
"You have to. Ito naman yung kapalit ng pag-interview mo eh." I looked at those money on the table. Sa sobrang dami nito, hindi ko kayang bilangin gamit ang tingin.
Napabalik ako sa couch. "Magpapa-interview ako pero hindi mare-resign sa trabaho. Deal."
"Alright, if that's what you want. Kaya lang naman kita pinapa-resign kasi may bago kaming offer sayong trabaho." She's now smirking. Ano bang problema nito?
Nang dahil sa curiosity, nagtanong ulit ako. "Ano namang trabaho yun?"
"Why do I need to say? Eh, ayaw mo namang mag resign." She smirked again.
"Pag sinabi mo yung trabaho, siguro doon ako makakapag-isip kung magre-resign ba ako o hindi." Sabi ko na tila naiinis na.
"You're going to be Drew's compliant and stay with him until he's popular again."
BINABASA MO ANG
Behind Those Fats [Slow Update]
De TodoMake them regret the day they dared call you fat. - BabaengPinakamalupet.