BELLA LORENZO'S POV
"Grabe, sikat ka na! Kung ganun lang yung way ng pagka-aksidente ko, ay shet. Gusto ko nang maaksidente araw-araw!" Sabi ng ambisyosa kong kaibigan na si Xyrille.
"Loko-loko ka talaga! Wag mo nang pangarapin yung aksidente. Pangarapin mo na lang maka-bingwit ng ganung kagwapong boylet!" Sabi ko habang nag-aayos ng gamit ko para ilagay sa maleta.
Binato niya naman ako ng unan. "Hoy, babae! Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Hay nako. Hindi ako nagpapa-pasok ng taong umiiyak ha? Tandaan mo yan! Bahala ka. Pagisipan mo maigi. Hindi mo ba napapansing gagamitin ka lang nila para sa kasikatan muli ni Drew?"
Tumigil ako sa ginagawa ko saka napatingin sa kanya. "Wala naman akong pake e, ang gusto ko lang magkaroon ng maraming pera."
"So, pag nakuha mo na yung cash mo sa tingin mo makaka-pasok ka pa ulit sa trabaho mo ngayon? Hay nako! Sakit sa bangs. Hindi kita cargo. Iiwan mo ko dito then bahala ka na sa fat life mo!" Ngumiti na lang ako saka inayos ulit yung gamit ko.
Napatingin kaming dalawa sa pinto nang may kumatok at si Xyrille na mismo yung nagbukas nito.
"Xy, sino 'yan?" Tanong ko pero parang na-stroke siya sa pinto.
Tumayo ako para silipin kung sino yung nasa pintuan at talagang sinadya pa akong puntahan ni Drew dito kasama yung dalawa niyang bodyguard.
"Aalis na tayo." Plain niyang sinabi. Nagpaalam na ako kay Xyrille at saka sumama kay Drew Sebastian.
Bakit nga ba ako nag-impake ng maraming damit? Eh kasi, ang sabi ni Mrs. Lee, hangga't maraming nag-iinterview sakin, kailangan muna akong magstay sa unit ni Drew. Baka daw kasi malaman pa ng press yung nirerentahan naming kwarto at ayaw ni Mrs. Lee mangyari yun dahil private na daw masyado.
Is this a tough decision? Yes it is. Dalawang araw akong nag-isip pagkatapos sakin sabihin yun. Simple lang naman yung gagawin ko e, sasabihin ko lang yun positive attitudes ni Drew. But before I forgot, isa na din pala akong tagapag-lingkod sa isang dating aktor. Submissive means willing to obey someone else. Pinasosyal lang yung salitang alipin.
Bakit ko ba ginagawa 'to? Simple lang. Gusto kong makatulong kita Tita at gusto kong magkaroon ng maraming pera. Kung gaano kakapal yung taba ko, ganun din kakapal yung sweldo ko. Ang saya di ba?
Reality hits me when he said we're here. Napatingin ako sa bahay at na-amaze sa sobrang laki nito. Ito siguro yung naging bunga ng pagiging sikat niya noon. Grabe naman kasi, mapapa-nganga ka na lang talaga sa sobrang laki at ganda.
Pinagbuksan kami ng gate ng security guard at nang makapark na yung kotse sa garage, lumabas na agad si Drew sa passenger seat at gayon din ako.
"Good morning, sir. Good morning---" Babatiin din sana ako ng mga katulong dito pero pinagtinginan at pinag-bulungan nila ako.
Tinignan ako ni Drew at nag sign na 'bilisan mo' kaya sumunod na lang ako kaagad sa kanya. First tapak ko pa lang dito sa bahay niya, may mahaderang palaka na agad akong nakita.
Ano naman ngayon kung mataba ako?
Pagkapasok ko sa loob, wala pa kahit one percent sa expectation ko ang nakikita ko. Oo, alam kong maganda yung bahay niya pero hindi ko inaasahang ganito ka-garbo.
"Oh, here she is! Mamá, Papá! Andito na yung sinagip ni Drew. OMG! Hi, ate!" Ang harot naman ng isang 'to.
Ngumiti ako sa kanya habang maligalig niya akong sinalubong at ang walang hiyang si Drew, iniwan akong nakatayo sa harap ng main door habang bitbit yung dalawa kong maleta.
"Kamusta? Grabe. Viral kayong dalawa sa iba't ibang social sites!" Salubong nung babae sakin at pangiti-ngiti lang ako.
Napatingin naman ako sa hagdan nang makita ko yung nanay at tatay ni Drew. Ay grabe, mas mukha pa akong matanda sa dalawang 'to eh. Kay gaganda't-gwapo!
"Hello, hija. Ikaw na ba yan?" Tanong nung nanay ni Drew.
Yung totoo? Nagkita na ba kami dati para tanungin niya sakin 'yan?
Nakipag-beso siya sakin habang ako nama'y ngalay na sa kakangiti. Yung tatay niya naman snobbish at hindi ako masyadong pinapansin.
"You don't know how glad I am that I already met you." Sabi ng nanay niya at sumingit naman yung kapatid yata ni Drew.
"Groufie naman tayo diyan oh?" Sabay ready ng cellphone sa harap namin.
Ano yung groufie?
Nagulat naman ako nung bigla nila akong inipit saka ngumiti sa camera. Ay tae! Picture pala.
"Ma'm, pinapa-akyat ka po sa kwarto ni sir Drew." Sabi sakin ng matandang katulong kaya nag-excuse muna ako sa nanay ni Drew at ginuide naman ako ng katulong nila paakyat sa kwarto.
Iniwan na 'ko ng katulong nang nasa tapat na 'ko ng pinto ni Drew kaya binuksan ko ito kaagad saka pumasok sa loob. Kulang na lang ligawan ko na yung kwarto niya sa sobrang ganda. Galaxy kasi wallpaper niya.
"B-bakit mo 'ko pinatawag?" Tanong ko habang naka-higa siya sa galaxy style niyang kama.
"Ilagay mo na yung mga gamit mo diyan sa closet at diyan ka matutulog sa isang kama." Sabi niya habang nakapikit at tila nagulat ako.
"Bakit naman dito? Wala ba kayong guest room?" Tanong ko.
"Edi maghanap ka dito ng guest room." Saad niya.
Wala na 'kong nagawa kundi sundin yung sinabi niya. Ano bang trabaho ko dito? Sundin lahat ng sasabihin niya, di ba? Eh ano ba naman klaseng bahay 'to? Bakit walang guest room?
Hindi na lang ako umimik pa para hindi na magkaroon ng conflict.
"Bakit ba kailangan ko pang patunayan sa harap ng maraming tao para malaman nilang matino ka talaga?"
Nakapikit lang siya habang nakahiga sa kama at hindi pinansin yung tanong ko.
Hindi na lang din ako nagtanong at napansin ko yung frame of certificate niyang nakasabit sa pader.
"Target Shooting Undefeated Champion"
Drew Sniper Sebastian
Nahiwagaan ako sa certificate niyang 'yun kaya nagtanong ulit ako.
"Marunong ka gumamit ng baril?"
This time, inimulat niya yung mata niya saka sinabing, "Can't you state the obvious? O mahina lang talaga yung common sense mo?"
He rolled his eyes then closed it again. Ang sungit naman.
"Kalalaki mong tao hindi mo kayang ipaglaban yung sarili mo sa maraming tao. Ano ba kasing meron at kailangan kong i-prove sa lahat na banal ka? Ha?" Naiinis kong tanong habang naka-crossed arms sa harap niya.
"I was once a boss of a fraternity and I want to change my life. If you still wanna live, then shut the fuck up."
BINABASA MO ANG
Behind Those Fats [Slow Update]
عشوائيMake them regret the day they dared call you fat. - BabaengPinakamalupet.