DREW SEBASTIAN'S POV
"One whole prawn and chicken with vegetable salad for dessert." Napatingin ako sa kanya na may halong inis dahil kulang na lang lahat ng promo na nasa menu ay orderin niya na.
Hinayaan ko siyang umorder kahit na gustong-gusto ko na siyang dukdukin sa sobrang kapal ng mukha. "Kaya ka tumataba niyan, e."
Tinignan niya lang ako at inirapan matapos ilista nung waiter lahat ng sinabi niya. Lumingon naman ako sa gilid ko, nakita ko si Krishna, naka-upo sa kabilang table habang nagse-cellphone. Parang tanga naman kasi yung pasabog ni Xander. Kailangan pa talagang may watcher para malamang totoong nagdi-date. Eh, pano kung hindi si Bella yung napili ko? Pano kung maganda at pumunta na lang kami sa isang motel bilang kapalit ng date? Kailangan pa din ba ng watcher pag ganon?
Tanging pag-uusap ng mga customer dito, pagtunog ng kubiyertos at ang mahinang tugtog lamang ang naririnig namin sa ngayon dahil sa sobrang tahimik namin. Mabuti na lang at mabilis sinerve sa'min yung isang buong prawn, chicken at vegetable salad kaya hindi na kami nag-usap at kumain na lang.
Like the hell I expected, hindi ko siya kinayang pagmasdan habang kumakain dahil sa sobrang katakawan. Hindi na siya gumamit ng spoon and fork sa pagkain ng lobster at manok habang ako nama'y trying hard sa paghiwa ng manok gamit ang kutsilyo. Tinignan niya ako, hinila niya yung hita ng manok at nilagay sa plato ko.
"Kinakamay kasi 'yan." Aniya sabay sipsip sa galamay ng lobster.
Tumingin lang ako sa kanya bilang tugon ngunit iniwas ko din ang tingin ko sa sobrang pandidiri sa kanya.
"Bella, pwede bang ayusin mo 'yung paraan mo ng pagkain? Nakakadiri ka, e." Irita kong sinabi at di kala-una'y kumain na din.
BELLA LORENZO'S POV
Pagkatapos naming kumain, para na naman akong buntis sa laki ng tiyan ko. Maniwala man kayo o hindi, ako lang ang halos nakaubos ng inorder naming lobster at chicken. Lunch time na kasi ngayon kaya siguro gutom na ako.
Biglang nanlaki ang aking mga mata nang makaramdam ako ng pag-hilab ng tiyan. "No, please. Not now."
Napatingin sa akin si Drew habang kinakain pa din yung isang hita ng manok. "Sinong kausap mo diyan?"
Umiling-iling ako habang hindi mapakali sa inuupuan ko. "W-wala."
Sa hindi inaasahang pagkakataon, may biglang hanging sumabog sa bandang pwetan ko kaya nanlaki ang parehas naming mga mata. "Excuse me!" Tumakbo na ako bago pa lumabas ang dapat lumabas sa aking pwetan habang nakahawak ako sa aking tiyan.
This is so embarassing!
***
Habang papalapit ako sa kanya, hindi niya maiwasang mapangiti at tawa sa akin. Napalingon naman ako kay Krishna, nakangiti kunyaring nagse-cellphone habang nagpipigil ng tawa. Walang hiya! Taeng-tae na ko e, anong magagawa? Mas nakakahiya kung nagkalat pa 'ko sa pants ko.
"Manahimik nga kayo." Irita kong sinabi habang pulang-pula na yung mukha nilang dalawa sa pagpipigil ng tawa.
Aalis na sana ako ngunit pagkatalikod ko sa kanila, bumungad sakin yung waiter na pinag-orderan ko kanina.
"Your bill, ma'am." Inabot niya sakin yung bill at napalingon naman ako kay Drew.
"Bakit ako?" Pagtataka ko.
"Ikaw naman yung nag-order, di ba?" Sabay ngiti bilang pang-aasar.
Lumingon muli ako sa waiter at tinuro si Drew. "Siya talaga yung magbabayad."
Wala na siyang nagawa kundi kunin yung wallet niya sa bulsa at binayaran lahat ng inorder ko. Pagkatapos niyang bayaran lahat, nakangiti akong bumungad sa harap niya.
"So, nasaan na yung perang hinihingi ko?" Masigla kong tanong.
"Pinambayad ko na sa lahat ng inorder mo." Daretso niyang sinabi at naglakad na palabas ng resto.
"What the fuck, Drew?! Akala ko ba—" Natigilan ako sa pagsalita at natigilan naman siya sa paglakad nang makita namin yung papasok na media dito sa resto kaya tumakbo si Drew pabalik sa akin saka kami nagsimulang kunan ng litrato.
"Drew Sebastian, bakit kayo mag-kasama? Meron na bang namamagitan sa inyong dalawa matapos ang insidente?"
"Are we supposed to call this a date or just a meeting?"
Sunod-sunod na tanong ng mga reporters habang dumadami ang bulungan sa paligid namin. Huli na ang lahat bago sawayin ng security guards yung media dahil nakunan na kami ng mga litrato ng mga ito.
Balisa, tahimik at irita kaming nag-commute pauwi nang dahil sa nangyari.
Naiinis ako dahil hindi siya tumupad sa usapan naming bibigyan niya ako ng pera at naiinis din ako dahil bagong issue na naman 'tong haharapin namin.
BINABASA MO ANG
Behind Those Fats [Slow Update]
De TodoMake them regret the day they dared call you fat. - BabaengPinakamalupet.