Matapos kong malaman na isa pala siya sa dating boss ng isang gang, hindi na ako lumalapit sa kanya.
Malay natin, rapist siya don? Kaya mahirap na'ng magtiwala sa ngayon.
Balik tayo sa katotohanan. Wala yung pamilya niya dahil bumisita lang pala sila kahapon dito sa sariling bahay ni Drew. So it means, kami lang dalawa dito ang nakatira kasama yung mga mahadera niyang kasambahay.
"Bakit wala ka man lang nilutong ulam?" Tanong niya habang nag-aayos ako ng gamit ko sa closet dahilan para ikagulat ko.
Humarap ako sa kanya at nakita ko siya, nakatopless at covered lang yung ibaba gamit yung tuwalya habang tumutulo pa yung basa niyang buhok papunta sa katawan niya. Napa-lunok ako sa sobrang hot niya pero pinigilan ko agad yung sarili kong maakit.
"Excuse me. Katulong ba ako dito?" Pagsusungit ko sa kanya saka ibinaling ulit yung atensyon ko sa closet.
"Hindi ba sinabi sa'yo ni Manang? Ito pa nga yung uniform mo oh." Napa-tingin ulit ako sa kanya at hawak niya yung maid suit na katulad ng suot ng mga katulong niya dito.
"Sabagay, hindi mo 'to susuotin. As if namang kasya sa'yo." Pangi-insluto niya kaya bigla akong napakunot-noo.
"Kapal naman ng mukha mo. Akala ko ba magii-stay lang ako sa tabi mo hanggang sumikat ka? Eh bakit katulong na ngayon?" Sabi ko at inirapan siya.
"Yung manager ko na mismo nagsabi sa'yong susundin mo lahat ng utos ko at kung hindi mo 'ko sinunod, umalis ka na sa pamamahay ko." Daretsahan niyang sinabi habang kumukuha ng damit sa kabilang closet.
"Edi aalis na 'ko, kaysa naman manilbihan ako sa isang katulad mo. Kaya ka pala nalaos dahil din diyan sa ugali mo." Madiin kong sinabi at kinuha lahat ng inayos kong damit sa closet pabalik sa maleta ko.
Tumayo na ako at sinabing, "You need me more than I need you." Lalabas na sana ako sa kwarto niya ngunit napatigil ako nung magsalita siya.
"Fine. Hindi na kita gagawing katulong pero susundin mo lahat ng sasabihin ko." Sabi niya at napangiti ako pero hindi ko yun pinakita saka humarap sa kanya.
"Magkakasundo naman pala tayo eh." Sabi ko at nilagay muna yung maleta ko sa closet.
Alam kong parehas lang yun pero ayoko naman kasi maging katulong. Una sa lahat, ayoko mag-uniform at ayoko mag-mukhang baby sitter kapag lalabas kami in public. Duh?
"Ano pang hinihintay mo?" Tanong niya na dahilan para magtaka ako.
"Huh?"
"Ano? Titignan mo 'ko magbihis dito?" Sabi ko nga lalabas ako.
DREW SEBASTIAN'S POV
Ayoko sa lahat yung paki-alamera, madaldal at matigas yung ulo.
Nagsisisi na nga ako kung bakit sinagip ko pa yung dambuhalang 'yon. Sana hinayaan ko na lang siya maging bocha sa highway para hindi na 'ko naiistress ng ganito.
Sa totoo lang, ayoko nang sumikat pang muli. Ang tahimik na ng buhay ko pero ngayon, unti-unti na namang gumugulo.
Sana pinasagasa ko na lang din yung manager ko sa ten-wheeler truck kasama yung dambo na sinagip ko. Mga sakit sa ulo.
"Tang ina, andito na si Sniper! Brad Pitt, tagal mong nawala ah? Babalik ka na ba ulit?" Salubong sakin ni Chano habang papasok pa lang ako sa abandonadong bahay na tambayan namin dati.
Ginulo ko yung buhok niya. "Bibisita lang ako."
Nang makapasok na talaga ako sa loob, marami silang sumalubong sakin. Binati ako ni Marco, Jimboy, Lorenz, Ems, Adrian, Joseph at ang nag-iisang babae samin, si Cheska.
"Tagal mong nawala, ah?" Sabi ni Cheska at sinuntok ng bahagya yung braso ko.
Ngumiti lang ako at ginulo yung buhok niya.
"Miss na kita." Sambit niyang muli.
"Tang ina, tama na 'yang kacornyhan niyo." Eksena ni Chano at may nilabas na AK 47.
"Bradpit, bagong bili lang 'to. Itry mo." Sabi niya.
"Uy, bro! Nakita ka namin sa news ah? Sino yung sinagip mo? King ina. Meron na palang nakaka-hingang balyena sa lupa." Pang-aasar ni Jimboy at natawa naman sila.
"Pauwi na 'ko non galing dito. E, may nakita akong babaeng tangang dadaan sa highway habang naka green light kaya sinagip ko. Konsensya ko pa kung hahayaan ko lang."
Wala silang sinabi sa kwento ko sa halip ay nag-open ng bagong topic si Marco. "Nga pala, gumawa ng party si Xander para sa mga mafias. Meron din daw blind date. Ikaw na lang yung hindi pa pumapayag."
"Kailan ba 'yon?" Tanong ko.
"Bukas na. Ano, sasama ka ba? Maraming chix don. Mabubusog 'yang mata mo." Sagot ni Marco.
BELLA LORENZO'S POV
First night kong matutulog dito sa kwarto niya at hanggang ngayon, wala pa rin siya. Saan ba kasi nagpunta yung butiking 'yon?
Bigla ako nakarinig ng pagbato ng bato sa salaming pintuan sa terrace ng kwarto niya kaya nagtaklob ako ng kumot.
Naririnig ko din yung pagtapak nito sa terrace at yung pagbukas ng pinto. Dahan-dahan kong binaba yung kumot para makita kung sino 'yon at nakita ko ang isang lalaking itim na itim dahil walang ilaw kaya sumigaw ako ng...
"MAGNANAKAW!"

BINABASA MO ANG
Behind Those Fats [Slow Update]
RandomMake them regret the day they dared call you fat. - BabaengPinakamalupet.