IV

288 12 5
                                    

BELLA LORENZO'S POV

"Pwede ba, wag kang maingay!" Saka ko lang nalamang si Drew pala yung pumasok kaya kumalma ako.

"Eh bakit naman kasi sa terrace ka dumaan?" Paninisi ko sa kanya habang hinu-hubad niya yung pantalon at T-shirt niya.

"Ako pa mali ngayon samantalang hindi niyo man lang binuksan yung gate? Tawag ako ng tawag e. Parang mga bingi." Inis niyang sinabi at binagsak yung katawan niya sa kama habang naka-topless at boxer shorts.

"Pwede ba magdamit ka. May kasama ka dito oh?" Hindi niya na ako kinausap at bigla na lang tumalikod. FYI, bukod yung kama namin. Siguro isang metro yung layo sa isa't-isa.

Dahil hindi niya na ako kinausap, nakatulog na din ako sa katahimikan ng kwarto.

KINABUKASAN.

Nagising ako sa ringtone ng cellphone ko kaya iminulat ko kaagad ang aking mga mata para kunin ito sa side table.

I pressed the answer button. Yes, press talaga. Imagine, naka-3310 cellphone pa din ako hanggang ngayon.

"Hello, Tita." Bati ko matapos sagutin yung tawag niya.

"Anak ko, nabalitaan ko yung nangyari sa'yo! Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? Naku! Umuwi ka na kaya dito sa atin?" Taranta niyang tanong.

"Ay, okay lang po ako tita. May sumagip naman po sa akin."

"Oo nga, nakita ko. Pagka-gwapong binata!"

Natawa naman ako. "Bakit nga po pala kayo napatawag?"

"Si tito mo kasi, nandito sa ICU matapos siyang malaglag sa puno ng buko. Sa totoo lang, pinipilit ko lang talaga kumalma ngayon e."

Napabangon ako sa gulat at sinabing, "Ha?! Si Tito?! May pera po ba kayo ngayon?!"

"Ayun na nga e, nakakahiya naman kasi pero kung meron kang konting tago diyan. Pwede mo ba kaming mapa-hiram?"

"Opo naman! Sige, wait lang. Tatawag po ulit ako sa inyo pag ipapadala ko na yung pera." Sabi ko at biglang pinatay yung phone.

Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto saka hinanap si Drew sa ilang sulok ng bahay pero wala siya hanggang sa maabutan ako ni Manang na hindi mapakali.

"Si sir ba ang hanap mo?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Kanina pa siya umalis." Sabi niya.

"Saan po siya pumunta?" Tanong ko ulit.

"Ayun ang hindi ko alam. Alam siguro ni Nestor, siya kasi yung nag-drive kay sir kanina."

"Sige po, salamat." Lumabas ako ng bahay para puntahan yung driver na nag drive kay Drew kanina.

DREW SEBASTIAN'S POV

"This is what we call day of freedom!" Lahat nag-hiyawan sa sinabi ni Xander habang nasa tabi niya yung Enigmatic band pero napansin kong wala yung hot drummer nilang si Dominic.

Pagkababa ng stage ni Xander, pumunta siya sa grupo namin at ngumiti siya nung makita niya ako.

"Buti dumating kang hayop ka." Sabi niya sabay batok sa akin.

"Kahapon lang ako na-inform na may ganito ka palang party." Sabi ko habang nasa tabi ko lahat ng kagrupo ko dati.

"Oo, mamaya may blind date yung mga boss. Dahil boss ka dati, wala ka pa ring ligtas. Wag kang mag-alala, malalaman mo na lang mamaya."

Magba-back out na sana ako pero naganahan ako nang tumugtog yung banda and they're playing kinda punk.

BELLA LORENZO'S POV

Isang oras ang nakalipas bago kami makarating kung nasaan si Drew. Binaba ako ni Mang Nestor sa back door ng isang reception at nagpa-salamat ako sa kanya.

Kung hindi lang talaga kailangan ng pera, hindi ako parang aso na habol ng habol kay Drew.

Pumasok ako sa back door at nakita ko yung apat na babaeng nasa loob. Lahat sila naka make-up at naka-ayos. Ano ba 'tong pinasok ko?

"Kasama ka din ba sa party?" Tanong ng isang baklang mukhang designer. 

Tumango na lang ako para magkaroon ng chance na pumasok sa loob. "Hay nako! Bakit hindi ka pa naka-ayos? Wala nang time! Oh heto," May binigay siya saking number at number 5 iyon. "Pasok na dun sa stage! Gora! Bilis!"

Tinulak ako nung bakla papasok sa stage kasama yung apat na babae. Bababa sana ako sa stage pero pinigilan ako ng isang bouncer at pinatigil lang ako sa gitna na may sari-sariling spotlight.

"Here comes the third batch and it's Sniper's turn to choose his blind date." Nagulat ako sa sinabi ng MC.

Ano?! Blind date?!

Nakita ko si Drew, naka-suit habang nakapiring yung mata at inaalalayan siya ng isang babae para lumapit sa amin. "Reminder, pwede mo silang hawakan or amuyin para malaman mo kung sino yung gusto mo."

Then Drew started to touch the first girl. Grabe! Okay lang dun sa babae? Sabagay, artista naman si Drew. Pero kahit na! Lalaki pa rin siya.

He moved on the second girl and smelled her same as to the third and fourth girl. Grabe naman to!

Now, it's my turn. Napapikit ako sa kaba pero yung iba sinasabi na, "Boo!"

Nagulat ako nung bigla niyang hinawakan yung right boob ko at lumapit sa leeg ko saka ito inamoy. But excuse me, kahit mataba ako hindi ako maasim. Ew. 

Mataba na nga ako, pabaya pa sa katawan? Ano nang itsura ko non?

He pointed his finger to me and shouted, "I choosed her!"

Tinanggal niya yung piring niya at nagulat nang makita ako.

"IKAW?!"

Behind Those Fats [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon