Dedicated to: angitonthefloor

BELLA LORENZO'S POV

"Sana wag ka magsising pinili mo siya." Natatawang sinabi nung MC kaya natawa lahat habang nakatingin pa din sakin si Drew.

"Bakit hindi niyo sinabing may bokya pala?" Tanong niya at nagsi-simula nang bumukas yung tearglands ko.

"We didn't mean it but still, you chose her. Panagutan mo 'yan, Mr. Sebastian." Asar pa nung MC at dahil hindi ko na kayang pigilan yung luha ko, I decided to back out.

Bakit ba ganyan sila? Porke't ba mataba ako, wala na akong karapatang magsaya?

Bago pa ako makalabas ng backstage, may humigit sa kamay ko pabalik at napatingin naman ako sa kanya.

"Kung hindi ka makikipag-date sakin, titirahin ka ng maraming lalaki dito. That's the consequence."

Pinunasan ko yung luha ko at huminga ng malalim. "Bakit ko kailangan sundin yung blind date niyo? I don't want you. I hate who you are... I hate you."

"Hate me all you want but I can't let them fuck you unless you want to be." May diin niyang sinabi kaya natahimik ako.

Nang mapalakas yung sigaw niya, may mga lalaking sumingit sa back stage at tinanong na, "Ayaw mo ba makipag-date, Sniper?"

Nilingon niya ang mga ito. "No, I want. In fact, we're leaving for our date." 

In-offer niya sakin yung braso niya saka ko isinukbit yung kamay ko at lumabas na kami sa back door.

Tinanggal niya kaagad yung kamay kong naka-sukbit sa braso niya nang makalabas na kami at saka ako nagsalita. "Bakit hindi na lang tayo mag-pretend na nagdate? Ayoko talagang makipag-date sayo."

"Do you think I want to have a date with you? Gross, Bella. Mahiya ka naman sa mga sinasabi mo."

Natahimik ako sa sinabi niya at napa-tingin sa ibang direksyon. "Sa totoo lang, hindi naman ako dapat huma-habol sayo pero dahil kailangan kita, ginawa ko to. Kailangan ko ng pera para sa pang-CT scan ng tito ko. That's the truth why I'm here."

"Hindi ka pa nga nagsisimula sa trabaho mo mang-hihingi ka na agad ng sweldo." Pagtataray niya.

Simula nang mag-init ng dugo ko pero pinipigilan ko lang. "Kapag ba nagpa-tira ako sa mga lalaking 'yon, may pera ako?"

"Of course." Plain niyang sinabi kaya iniwan ko siya at pumasok ulit sa loob ng backstage.

"What the fuck? Bella, ano bang ginagawa mo?!" Inis niyang tanong habang sumu-sunod sa akin.

"Magpapatira sa kanila para lang magka-pera tutal ayaw mo naman ako bigyan di ba?" Pang-iinsulto ko habang hinahanap yung mga lalaki.

"Fine! Bibigyan na kita!" Halatang pilit niyang sinabi kaya napa-ngisi ako.

"Ang pabebe mo kasi, kailangan iba-black mail pa."

Iaabot niya na sana yung pera sakin ngunit may babaeng sumingit sa amin at sinabing, "Sir Sniper and—"

"Bella." Sambit ko para hindi na siya magtanong.

"Sir Sniper and Bella, ako nga pala si Krishna, assigned lookout para mapatunayang magdi-date nga kayo." Explain niya at nagka-tinginan at lakihan naman kami ng mata ni Drew.

"What? Bakit kailangan pa namin ng watcher? Gusto niyo mag-video na lang kami para magsilbing proof? We promise, we're gonna have our date." Sinusubukang palusot ni Drew pero nginitian lang siya ni Krishna.

"I'm sorry but I need to follow sir Xander's order. Alam niya naman daw kasing hindi ka nakikipag-date sa taong..." Lumingon muna siya sakin, tinignan ako mula ulo hanggang paa at sinabing, "Tulad niya."

Nanlaki yung mata ko nang sabihin niya yun sa harap ko. Akma ko na sana siyang susuntukin pero pinigilan kaagad ako ni Drew. "Bella, stop! Totoo naman e. I can't have a date with a person like you. Pero dahil ayokong ma-konsensya pag pinahalay kita sa mga lalaki dito, no choice, I have to do it. Parehas natin 'tong ayaw pero sana maki-cooperate ka kahit ngayon lang."

Iwinasiwas ko ang kamay niyang naka-kapit sa braso ko para pigilan ako sa pagsuntok kay Krishna at tinignan siya ng masama. "We're going to have a date and after that, give me the money."

Huminga siya ng malalim at umayos ng tindig. "Deal."

Behind Those Fats [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon