Bella Lorenzo's POV
No, I need her.
Those words were still stuck in my mind. Bakit ba hindi ako maka-get over sa sinabi niya? Eh ang meaning lang naman niyan ay kailangan niya ako para sa ikasisikat niya.
Hindi man siya ang maging leading man ko dito sa story, okay lang. Meron naman akong Marco. Actually, he's clingy and caring which I really like. Kung hindi nga lang kumontra itong si Drew, siguro sa kanya na ako titira.
Samantala, natuwa ako sa desisyon ni Drew. Biruin niyo? Mag-aaral ulit ako ng college. Ang mahirap nga lang, magii-stay pa rin ako sa haunted house niya. Pero infairness, meron din palang natitirang kabaitan yung kumag na yun.
Habang inaayos ko yung gamit ko para ilagay sa cabinet ng maid's room kung saan ako permanenteng matutulog, nakita ko yung calling card na binigay sakin ni Marco. At ngayon ko lang napansin na isa pala siyang gym instructor at pagmamay-ari niya din yung gym na nasa display picture ng calling card.
"Wow. Bato-bato pala itong katawan ni Marco." I said in amazement.
"Nope, he's not. Tignan mo yung dibdib nakalubog." Out of the blue na sumingit itong si Drew kaya nabitawan ko yung card sa gulat.
"Ano ka ba! Hanggang dito ba naman sinusundan mo ko? Maid's room 'to. MAID'S ROOM." Irita kong sinabi.
"Kapal naman ng taba mo. Pumunta ka na dun sa kitche---"
Pupulutin ko na sana yung calling card pero nang makita niya ito sa sahig, inunahan niya ako saka ito tinignan.
Nang matapos niya itong tignan bigla siyang nagtanong, "Si Marco?" He chukled. "Fuckboy pala ang nais."
Hindi na ako nakapagsalita para i-defend si Marco nang ihagis niya sakin yung card at sinabing, "Magluto ka na para sa lunch. Gutom na 'ko."
Aba't ang kapal talaga ng mukha! Matapos niyang laitin yung bebelabs ko ngayon uutusan niya kong magluto?!
"Manigas ka dyan!" Irita kong sinabi.
"Matigas na. Kanina pa." Malandi niyang sinabi ng nakatalikod saka lumabas sa kwarto.
Cheska Olivares' POV
"Wow. Marunong ka pala magluto?" Puri ko nang maamoy yung ginigisa niyang salmon sa butter.
"Ah-eh, oo. Kailangan kasi. Ako lang ata yung kilalang katulong dito ni Drew. Halos lahat nalang ng utos pinapagawa sakin." Malumanay niyang paga-angal.
Lumapit ako sa pan saka nilanghap yung amoy. Pagkatapos ay tumingin ako sa kanya habang seryosong nagluluto. "How's him?"
At bigla naman siyang napatingin sakin. "Sinong him?"
I rolled my eyes and chuckled. "Sino pa ba? Si Drew."
Lumingon ulit siya sa niluluto na tila nawalan ng gana nang banggitin ko yung pangalan ng mokong na yun.
"Okay lang. Kaya namang pagtiisan, tutal siya naman yung magpapa-aral sakin." Sapilitan niyang sagot.
"Hay nako. Ganyan lang talaga yan si Drew. Antipatiko pero may mabuting loob. Tanong ko lang, ngumiti na ba siya sayo?"
Napataas yung kilay niya na parang nagtataka sa tanong ko. "Hindi pa. Bakit? Sa araw-araw na ginawa ng Dyos, araw-araw ding nakabusangot yung mukha niya. Teka nga lang. Bakit ba sobra kang interesado sa kanya?"

BINABASA MO ANG
Behind Those Fats [Slow Update]
РазноеMake them regret the day they dared call you fat. - BabaengPinakamalupet.