VIII

155 6 2
                                    

"What the fuck are you doing, Bella?"

When he stated my name, I opened my eyes and saw him standing in front of mine while disgustedly staring at me. In the meantime, I quickly covered my eyes using my hand as the sun glares through the window.

"Teka, Drew?!" Napatayo ako sa kama sabay kisapmata upang aninagin siya ng maigi.

"Yes, it's me. And why are you kissing your pillow, peccary?" Tanong niya at naglakad patungong CR habang nakasakbit sa balikat niya yung twalya.

Everything was just a dream?

"Peccary? Anong pinagsasabi mo? Teka, anong nangyari kagabi? Bakit ako naka-nighties?!" Taranta kong tanong habang nakahawak sa dibdib ko kasama yung kumot para matakpan ang aking katawan.

Bago siya pumasok sa banyo, magka-salubong ang kanyang kilay na humarap sa akin. "As if namang may gagawin ako sayo, Peccary. Besides, mas mukha ka pang rapist sakin. Get up. Prepare yourself. Uuwi na tayo."

"Bella pangalan ko, hindi Peccary!"

Umirap lang siya at sinabing, "Peccary also means pig." Sabay pasok sa loob ng CR.

I grunt and looked again with my clothes, wondering how it happened. I touched my chest, my neck and... My lips.

Did we kissed?

Nawala ang tanong sa aking isipan nang biglang mag ring yung phone ni Drew sa side table ng kama kaya sinabi ko ito kaagad sakanya.

"Drew, may tumatawag." Cold kong sinabi saka tumayo sa kama upang magbihis.

"Anong pangalan?" Pasigaw niyang tanong para marinig ko.

Nilapitan ko yung side table at kinuha yung phone niya. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako nang makita ko yung caller name at contact photo ng tumatawag.

A simple beautiful girl named...

"Cheska." I said while still smiling. Yung ganda niya napaka-simple lang. Hindi nakakasawang tignan kahit simpleng ngiti lang yung nasa contact photo.

"Sagutin mo. Sabihin mo naliligo ako. Kung tinanong kung sino ka, sabihin mo katulong ko."

Aba't ang kapal talaga ng mukha nito.

Hinayaan ko lang mag ring yung phone niya hanggang sa mamatay at sinabing, "Wala, binaba niya na."

"Ang bobo mo naman." Inis niyang sinabi ngunit natawa na lang ako ng hindi pinaparinig sa kanya.

Ibababa ko na sana yung phone sa side table pero nagtext na kaagad ito. At dahil sa pakielamera ako, I opened the unread message besides wala rin namang password yung cellphone niya.

Pre, nasan ka? Si Marco 'to. Cheska's in trouble. We need you asap.

Lilingon pa lang ako sa gawing CR ngunit nabigla ako nang kunin niya agad sakin yung phone. "Pakielamera."

"T-tapos ka na agad maligo?" Utal-utal kong tanong ngunit hindi ko sinasadyang tumingin sa mukha niya at sa isang butil ng tubig sa buhok niya na pumatak sa kanyang balikat pababa sa kanyang katawan.

His body is a wonderland.

"Di ba obvious?" Pagtataray niya tsaka umalis sa harapan ko.

"Tinatanong ko lang naman kasi diba?! Sobrang bilis kasi maligo. Hindi ka yata nagkuskos eh. Tignan mo yang mga libag mo." Irita kong sinabi saka dumaretso ng CR.

Tila hindi niya ako pinakikinggan hanggang sa napansin kong nagmadali siya nang mabasa yung text galing dun sa Marco.

"I gotta go." Nilapag niya sa kama yung 1K at sinabing, "Oh eto, mamasahe ka nalang pauwi. May importante lang akong pupuntahan."

Behind Those Fats [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon