Distraction ( One Shot )

211 6 5
                                    

"Nakita namin si Lawrence may kasamang babae." Sabi sakin ng kaibigan ko. Naaawa sila sakin na ung boyfriend ko cheater, pero anong magagawa ko? Tanga na kung tanga, pero mahal ko siya.

Lagi kong nakikitang kasama niya ung babaeng yun, pero anong magagawa ko? Mahal ko siya, to the point na okay lang sakin kahit ganun ang ginagawa niya. Hindi ako naniniwala sa love nun, I never fell in love bago siya dumating, tapos ayun nga! Nagmahal ako ng isang tulad niya. Mag iisang taon na rin akong tanga, pero hindi ko kayang iwan siya.

Nakilala ko siya sa party ng pinsan ko, hindi ko inaasahang ang simpleng truth or dare, dadating sa ganitong punto.. Ang simpleng halik, may ipagpapatuloy. Marami na rin akong naging boyfriend, kaya normal nalang ang isang halik bilang dare. That's just a kiss.

A simple kiss, that brought me to a very complicated situation.

"I missed you." He said sabay yakap sakin sa likod. Then he kissed my cheeks. "Smile na." he said then finorm niya ung lips ko to smile. "Sorry." He said then niyakap nanaman ako ulit. Lagi namang ganito eh, magsosorry nalang siya palagi. Bakit kasi kelangan niya pa ng isa pa, pero kahit anong galit ko sakanya. Niyakap ko pa rin siya.

Tanga nga talaga ako. Karma ko ata tong lalaking to eh.

Kahit ang pinsan ko, hindi alam ang namamagitan samin. Sigurado akong bubugbugin niya si Rence kapag nalaman niya to.Hindi niya rin alam ang dare ko nung birthday niya, lasing na siya nun, at buti nga hindi niya naalala. Dahil ayaw niyang gumawa ako ng kalokohan sa birthday.

Akala ko nung hindi na iyon mauulit, pero tadhana nga naman ang nagdala samin. Nagkita kami sa bar nung natreat ung barkada ko kasi birthday niya, tapos andun din pala siya. Pinakilala ko siya sa mga kaibigan ko, halatang may nagkacrush din sakanya. Walang dudang gwapo si Lawrence, at talagang kahit you're already dating someone, mapapalingon ka talaga. He asked me to dance, so we did. Habang sumasayaw kami, naging sweet ung song. I thought titigil na kami, pero he grabbed my hand and we danced.

"Lets get out of here." Sumama ako not knowing what will happen. I know hindi ko kayang ibigay yun, akala ko tulad rin siya ng mga ibang lalaki, but then we went to this place na over looking sa city. Napangiti ako nung paglabas namin ng kotse niya, nilagay niya ung jacket niya sakin. Malamig noon, 3 am na rin siguro yun. Naglabas siya ng Heineken, binigyan niya rin ako. Pagkatapos ng matagal naming katahimikan bigla nalang siyang nagsalita.. "I don't know why, but I cant forget your kiss." Then he looked at the sky. I smiled, kasi hindi lang pala ako ang nakakaisip sa kiss namin. How childish of me, I never felt this way before.

"Me too." I said, then he looked at me. I don't know what happened next, but I found my hands na nasa nape niya and Im kissing him already.

Nasundan pa ang pagkikita namin. Minahal ko siya agad. At ganun rin siya. Akala ko okay na kami, until after our 2nd month.. Napunta ako sa bahay nila Bryle, ang pinsan ko. May kelangan kasi akong kunin sakanila, inutos ng parents ko. Malapit lang naman sa bahay naming sa bahay nila Bryle. Nagulat ako na andun siya, kasama ang mga ibang kaibigan nila. Kasama rin ung kasama nung birthday ng pinsan ko.. Pero I did not expect na mas magugulat ako, sa malalaman ko. Hindi niya alam ang namamagitan samin, dahil na rin sa desisyon ko. Overprotective ang pinsan ko, kaya natatakot ang malaman niya, pero alam kong mas natatakot siya.

Nginitian ko lang si Rence nun at tumuloy na sa office room ni Tito, para kunin ung papers na kelangan namin. I noticed he looks pale.

"Guys, pinsan ko pala si Tiffany.. Tiff, si Gian, Jan, Migs, Ella, Fiona, Rence and Camille." Pagpapakilala ng pinsan ko sakin at sakanila. Binati ako nila isa – isa.

"Hi! You're so pretty, tama nga sabi nila Hanna." Sabi ni Camille. Nagtaka naman ako sa sinabi niya, pero nasagot niya agad ang tanong sa utak ko. "That you're a threat." Then she smiled. A sweet smile. Mabait siya, dating palang. Maganda siya. She looks like a perfect girl.

Distraction ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon