(Author's note)Hi guys ito ang unang beses kong maggawa ng story kaya sorry in advance sa mga wrong spelling and grammar. Thank you.
Hinabaan kopo ang first chapter kasi puro description ng mga characters ang nandito.
***
(Aldrin's POV)
Hi my name is Aldrin Light Elementalia. Second year high school na ako sa pasukan sa Mythical Academy. Magisa lang akong nakatira dito sa apartment ko sa Ryuusake Inn. Ulila na kasi ako, namatay ang mga magulang ko nung kakapanganak plang sakin, well un ang kwento nila lolo at lola na nagpalaki sakin. Nasan sila? Nandun sa probinsya namin.
Lahat ng mga tao dito sa mundong to ay may kapangyarihan pero ang ipinagtataka ko bakit ako wala.... Araw-araw kong sinusubukan lahat ng uri ng kapangyarihan pero walang nangyayari. Kaya naman ginugol ko nalng ang oras ko sa panonood ng anime. Yup, tama ang pagkakabasa nyo im an otaku and im proud of it. Tama na ang introduction start na ng story. ^.^
***
June 6, 2016
6:00 a.m
*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiinggggg-----*
*plaaaaakkk*
Tunog yun ng alarm clock ko binato ko sa dingding kaiinis kasi gusto ko pa matulog ea ( _ _')
"Ahhhh, 5 minutes pa nga antok pako....." nagtalukbong ako ng kumot at umidlip.
***
'Anak....anak.....' Tinig yun ng isang babae at sa tingin ko ang mama ko yun
"M-Mama?! Mama !" Paulit-ulit kong tinawag ang boses nayun at hinahanap kung saan nanggagaling dito sa kadiliman "Mama! Nasan ka, Mama!!"
Maya maya may nakita akong liwanag at sa sobrang liwanag nito nasisilaw ako ......
"Araaaaaaaaayyyyyy!!!" Ang sakiiit "Ung mata ko!!" Tumakbo ako sa bintana at sinara ito .
Ganyan ako tuwing umaga dahil sa sikat ng araw pano kasi magdamag akong nagbababad sa panonood ng anime sa computer ko.
"Hayys, sakit nun" pagrereklamo ko at biglang sumilid sa isip ko ang napanaginipan ko kanina.
"Si mama kaya ung narinig ko kanina?Pero kung si mama nga yun bakit sya nag pakita sa panaginip ko? Rephrase that nag parinig pala wala naman ako nakita. Di kaya minumulto ako ni mama?!!"
Tsssss.... bat ko ba tinatakot sarili ko di ku man nga nakita ang itsura ng mga magulang ko kahit sa picture lang.
Nagdecide ako na mag hilamos na nang mukha at bumaba na sa kusina. Nang pababa na ako sa hagdan nakita ko ang kalendaryo na nakalagay sa pinto. Nagulat ako ng makita ang color red at nagbliblink na date sa magical calendar.
June 6, 2016
o_0 !!!
"Pataaaay! June 6 na pala, pasukan na!!!!" Dali dali akong bumaba at tiningnan ang wall clock.
7:30
"Shiiit 8:00 ung ceremony !!! Malelate nako!!"
Dali dali akong nag toast ng tinapay, habang ginagawa yun nag ligong uwak ako alam nyo yun ung konting buhos lang tapos na.
Nagbihis na ako ng uniform (ang uniform ng mythical academy ay white long sleeve na may kulay red na cross sa gitna at white pants, tapos isang white cloak na may tatak ng school sa likod, sword at wand na magkacross ang tatak), kinuha ko ang toasted bread at tumakbo na palabas nang may bigla akong naalala.
YOU ARE READING
[Mythical Academy]: The Power Of Words
FantasyIto ang kwento ng isang lalaking akala nya'y wala syang kapangyarihan pero dumating ang araw na nalaman nya ang kaya nyang gawin. At ng isang babaeng nagmula sa mortal world at pumunta sa mundo ng mahika upang malaman kung bakit meron syang kakaiban...