Chapter 10: That smile...

57 3 3
                                    


*****

(Regina's POV)

Pagkatapos kong pindutin ang log-out button bigla nalang naging black ang paningin ko.......

Unti-unti kong minulat ang aking mata at naramdamang nandito nako sa auditorium. Tinanggal ko na ang mind gear sa ulo ko at pinatong sa kama. Tumingin-tingin ako sa paligid at laking gulat ko ng makitang tanghali palang....... What?!

"Ehem.... Looks like everyone is back....." Napatingin naman kaming lahat sa nagsalitang si Prof. Zane.

"As you can see..... a day inside the game is equivalent to 4 hours in the real world..." Pagpapatuloy nya.

Tiningnan ko naman ang mga kaklase kong tutok na tutok sa kanya. Nilibot ko ang tingin ko at may nakita akong isang lalaki na brown ang buhok na taga ibang section. Base sa itsura nya mukha syang 4th year, natatakpan ng buhok nya ang kanyang mata. Napansin kong kanina pa sya nakatitig sa mind gear na hawak nya.

Bigla nalang lumabas ang isang ngisi sa nakatagilid nyang mukha. Napapitlag sya bigla at inangat ang kanyang ulo upang tumingin-tingin sa paligid.

Tsk. Naramdaman nya siguro yung titig ko....

Binalik ko na ang aking atensiyon sa harap. Ngunit nakita ko sa sulok ng aking mata na nakatingin sya sa akin. Bigla akong nagulat nang biglang nagflick ang mata nya sa kulay red in a second at bumalik rin sa pagiging grey. Binalik nya na ang tingin nya sa harap.

Weird.....

Nagtataka man sa kinilos ng lalaki, tuluyan ko ng binalik ang atensyon sa Professor.

Pinaliwanag ni Prof. Zane saamin ang mga pwede naming gawin sa larong iyon. Sinabi nya rin na bawal daw gamiting username ang mga totoong pangalan namin. Nagulat naman kaming mga magkakaklase. Bawal daw, kasi malalaman ang totoong identity namin at may posibilidad na manganib ang mga buhay namin.

Kinabahan kami sa sinabi ni Professor at nagkatinginan.....

"Pero alam ko namang may mga makukulit dyan na ginawa paring username ang totoong pangalan nila. Kaya naman naglagay ako ng Code Names para sa mga magbabago ang isip. Kung ano ang nilagay niyong code name ito ang pangalang makikita ng ibang players."

Nagliwanag naman ang mga mukha namin matapos marinig yon. Nice!......

Tapos na magpaliwanag si Professor kaya bumaba na sya sa stage. Pumunta naman sa gitna ang nakawheel-chair na si Headmaster upang sya naman ang magsalita.

"Students! Starting from today, you will have no class for 2 months. I ask Prof. Zane to make this game for your training. Use the time that I gave you to finish the game. The Top 5 players will be awarded. Do your best students! Amazing prizes awaits you....." Bigla nalang nawala si Headmaster pati si Principal Cyan matapos ng announcement.

'.....'

Sandaling katahimikan ang namayani sa loob....... Hanggang sa.......




"YEEEAAAHH!!!" biglaang sigaw ng mga estudyante.

Nagkagulo ang mga ito sa loob ng auditorium. Tuwang-tuwa sila sa naging announcement na walang pasok for 2 months. Tiningnan ko naman ang mga kaklase kong mga excited rin. Nagkatinginan kaming lahat........... Mukhang pareparehas ang mga iniisip namin. Napangisi kaming lahat at sabay-sabay sumigaw.

"AIM HIGH KINGS! AIM FOR THE TOP 5!!!"

Napatingin naman lahat ng mga tao sa loob ng auditorium saamin. Napa smirk nalang din sila at yung iba napapailing pa. Sanay na kasi sila saaming mga Section King, lahat kasi kami mga competitive at laging nagaaim ng mataas.

Yep! We're the Dreamers..........

*****

(Karen's POV)

Pinapanood ko lang ang mga kaklase kong nagkakasiyahan, nagkakantyawan, at nagsisigawan. Hindi ako maka-relate sa kanila dahil bago lang ako dito. Wala pa kong kaibigan na makakausap. Nakaupo lang ako dito sa kama at nasa sulok.

*sigh......*

Ever since I was born, no one dares to befriend me. I think it's because of my personality, or........... my power.

Lumapit ang adviser namin at sinabi na pwede na kaming bumalik sa mga dorm. Nilagay na namin ang mga mind gear sa kanya-kanyang box. Maliit lang naman ang box, kaya sa tingin ko magaan lang ito. Akmang bubuhatin ko na sana ang kahon ngunit may nagsalita.

"Ako na magbuhat nyan."

Paglingon ko sa nagsalita, parang instant na nag-init ang ulo ko. Aldrin...

"Ako na, magaan lang naman to. Tss, kunyari gentleman....." Pabalang kong sagot, pero pabulong lang yung huli. Di ko na sya hinintay pang magsalita, binuhat ko na ang kahon ko at nauna ng maglakad.

"Tsk." Narinig ko pang taltak nya bago tumabi sakin sa paglalakad.

Tahimik lang kaming naglalakad, wala naman kaming mapag-uusapan eh. Napansin kong halos wala na pala kaming kasabay sa paglalakad. Malayo-layo din kasi ang dorm namin, kaya halos lahat ng mga estudyante nasa mga dorm na nila. Medyo na awkward na ako sa atmosphere, buti nalang nagsalita sya upang basagin ang katahimikan.

"Alam mo bang matagal ko ng hinihintay yung ganitong laro?" Tumingin lang ako sa kanya, at nakita ang isang ngiti sa mukha nya.

*Dug! Dug!*

Huh? The hell was that. Pakiramdam ko bigla nalang may kumabog sa dibdib ko. Hmm.... Wala naman akong sakit. Parang may naalala ako sa ngiti nayon..... Hmmm. Nagpatuloy lang sya sa pagkwento kung gaano nya kagusto ang larong ito. Pero nakatitig lang ako sa kanya at di nakikinig. Sinusuri ko lang ang mukha nyang nakatingin sa harap.

Ngayon ko lang napansin, may itsura pala itong lalaking to. Hindi sa pagiging pilosopo ah, natural may itsura sya.

Tiningnan ko ang kanyang itim na buhok na hinahangin ng kaunti. Medyo nakaharang ang bangs nito sa mga mata nya pero tama lang naman upang makakita sya. Napansin ko na mahaba pala ang kanyang pilik mata. Matangos ang ilong, na ni minsan di ko nakitang naging oily.

Mukhang napansin nyang kanina pa ako tahimik, kaya humarap sya sakin. 

Humangin ng malakas kaya naman ang bangs nya na nakaharang ay medyo umangat. Nakita ko ang kanyang dalawang itim at mapupungay na mata. At ang mas ikinagulat ko ay ang kanyang pag-ngiti.

*Dug! Dug!*

Bakit ganon? Pakiramdam ko nakita ko na ang ngiting iyon? Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Para bang...... nakasama ko na sya dati.....

Bumalik naman ako sa katotohanan nang maramdaman ko na sobrang sakit na pala ng kamay ko. 

Tsk. Ang bigat pala netong kahon.....

Nagulat naman ako ng bigla nyang kunin ang box ko. Pinatong nya ang box ko sa isa pang box.

"Sabi kasing ako na. Kulit mo!" Naka-ngiting suway nya.

"Uy! ako na. Kaya ko---" Di nya ko pinatapos.

"Super speed!" Sabi nya. Isang iglap lang nawala na sya sa harapan ko. 

Hmmp! may pagka-gentleman pala ang loko.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad patungo sa dorm namin. Siguro nandun na yung mokong nayun. Di ko napigilan ang isang ngiti na tumakas sa aking labi.

***

Author's Note

 Pasensya na kung short update lang to hehe. Medyo detailed na kong mag-type eh haha. Medyo lang naman. Sorry din po ngayun lang uli naka update, hirap ng walang net mga pre. Yun nga, thanks sa pagbabasa.

Toodles.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

[Mythical Academy]: The Power Of WordsWhere stories live. Discover now