Chapter 8: Farming

59 7 0
                                    

(Aldrin's POV)

*Inside The Game*

Pagkatapos kong ilagay ang mga kailangang information na tinanong sa akin ng program, bigla nalang akong napunta dito sa gitna ng village.

Nakatayo ako dito ngayon sa taas ng isang parang altar na struktura. May mga hagdan ito na nakapalibot at merong dalawang crescent shape na gawa sa makinis na bakal ang nakatayo sa aking magkabilang gilid.

Woah! siguro eto yung spawn point ng mga player

Nagsimula akong maglakad-lakad para libutin ang lugar at para narin hanapin ang mga kaklase ko na siguro'y kanina pang nandito.

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang mamangha sa paligid. May mga bahay-bahay na nakatayo saan mang sulok ng lugar. Meron ding mga nakatayong tindahan ng kung ano-ano.

"Hello there young one, would you like to drink some wine?" tanong sa akin ng isang matandang lalake na nagtitinda ng mga wine.

Teka bakit english yung language nya?

Tanong ko sa sarili ko. Bigla ko naman agad naalala yung sinabi ni Prof. Zane na hindi gumagana ang mga magic na galing sa labas ng laro. So ibig sabihin na disable din ang language changer spell namin. Agad naman akong natauhan ng may iabot sya sa aking isang cup ng wine.

"Oh! no, no. I don't drink alcohol" sagot ko naman habang ibinabalik sa kanya ang wine.

"Alcohol? No, this wine doesn't have any. It's made of pure grapes" sagot naman nya sa akin.

Hmm....... Siguro wala namang mawawala kung titikman ko diba? Atsaka magandang opurtunidad din to para malaman kung gumagana ba ang panlasa ko sa loob ng laro.

"Okay then, I guess I'll drink some" kinuha ko yung cup ng wine at nagsimulang uminom.

*glug*glug*glug*

"mhmmm...... it's actually tasty. Thank you for the drink" Ibinalik ko na sa kanya ang cup at akmang aalis na nang magsalita sya.

"Oh! hey young one, that wine cost 200 gold coins" sabi nya sabay lahad ng kanang kamay.

"Wait, What?! I thought it was free taste!" sabi ko habang gulat na gulat. Pano nato, wala pa naman akong kahit anong loots.

"I didn't say it was free right?" sagot naman nya.

"But I don't have any coins or loots with me." singhal ko.

"Hmm... how about your leather armor?" sabi nya habang tinitingnan ang armor ko na nakuha ko noong nag-spawn ako. Nakasuot kasi ako ng leather armor, yung panloob ko ay black shirt at black pants na nakuha ko rin noong nag-spawn ako.

"Aww....... guess I don't have any choice. But, can I atleast have that black robe of yours?" sabi ko habang tinuturo ung black robe nya na may design na white stripe sa mga edge ng robe. May nakatatak ring magka-cross na dalawang swords sa likod nito.

"Oh! this? hmmm....... Well I have more robes anyway." sabi nya habang tinatanggal ang robe.

"So..... is it a deal?" tanong ko.

"Ofcourse!" sabi naman nya habang binibigay sa akin ang black robe.

***

Pagkatapos kong isuot ang nakuha kong black robe mula sa matanda, agad akong nagpasalamat at nagsimulang maglakad. Habang naglalakad, may nakita akong isang malaking sign na nakasabit sa isang poste.

[Mythical Academy]: The Power Of WordsWhere stories live. Discover now