Athena Silva description No Boyfriend since Birth, manang, probinsiyana, conservative, clumsy at reyna ng sablay meets the campus hearthrob na suplado at woman hater. Ano kaya ang mangyayari?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naramdaman niya ang kapayapaan sa lugar na iyon, isang napakalawak na lugar kung saan makikita ang maraming mga puno at mabeberdeng damuhan. Malamlam ang sikat ng araw at ang mga ibon ay parang humuhuni. Hindi niya maunawaan kung bakit may lungkot sa kanyang puso na di niya maipaliwanag.
Pakiramdam nya ay may bagay na nawawala o may bagay na kulang sa kanya, nagsimula siyang maglakad.
Sa isang daan ay may nakita siyang taong papalapit .
Habang unti unti itong lumalapit sa kanya naaninag niya ang mukha nito .Isang lalaking may katangkaran hanggang namalayan na lamang niya na nasa harap na pala niya ito.
Mas lalo niyang nakita ang detalye ng mukha nito . Sa itsura nito para itong isa artista o modelo.
Matangos ang kanyang ilong may kakapalan ang itim at tuwid niyang kilay.
Ang labi nito ay pawang napakalambot at namumula mula .
Ang mga mata ay nakakasindak ngunit kapag itoy natitigan ay nangungusap at handa kang ipagtanggol sa sinumang mananakit sa iyo ,kasama ang sinseridad sa bawat tingin at pawang unti unti ka ring tutunawin sa titig nito.
Hinawakan nito ang kanyang kamay at seryosong nagsalita ," Saan ka ba nanggaling?!
Hindi mo ba alam kung paano ako nag-alala sa iyo?!" sabi nito ng may pag-aala .
Naramadaman niya ang init ng palad nito na sakop ang palad niya, hindi niya maipaliwanag ang kaba at sayang kanyang nararamdaman na para bang nabuo ang anumang kulang sa kanya at sana maging ganoon na lamang sila sa habang panahon.
Biglang pumasok sa isip niya sino nga ba ang taong ito at unti unting lumabas sa labi niya ,"Sino ka ba?",tanong niya
Natahimik silang dalawa at napatitig na lamang ang lalaki na may lungkot sa mga mata niya.
"Ako.......ako ay.......ako ay kaibigan mo at kasabay noon unti unti hinila siya nito ng marahan upang maglakad.
Hindi iyon ang mga katagang gusto niyang marinig ngunit upang mapawi ang katahimikan muli siyang nagtanong.
"Bakit mo ba gustung makipagkaibigan sa akin?", wala siyang maisip kaya ito ang mga salitang kanyang nausal .
"ah, ahmmm, because you are nice", biglang sagit nito.
"Nice? yun lang",may pagtatampong sabi niya sabay ay hinigit niya ang kanyang kamay at tumalikod naglakad siya ng mabilis ng hindi lumilingon.
Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili sa mga inaasal niya ngunit ito ang kanyang pakiramdam.
"Bakit nga ba ako nagagalit ano bang dahilan ?".
Alam niya ang sagot sa loob ng puso niya , napaisip siyang mas tamang sabihin na ano ba ang karapatan niya sabi niya sa sarili dahil magkaibigan lang naman sila."Bakit nga ba ako nagagalit ano bang dahilan?".
May humawak sa kanyang balikat at marahan siyang iniharap .
Muli niyang nakita ang mukhang nagpapagulo sa isip niya .
"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko masabing gusto kita masyado akong naduduwag at baka tanggihan mo ako at masaktan ang puso ko", sabi ng lalaki sa kanya .
Puno ng sinseridad na nakatitig ito sa kanya at parang nawawalan ng lakas ang kanyang mga paa at halos hindi na makahinga dahil sa kaba.
Tinitigan lamang niya ito na para bang sa paraan na iyon lamang siya makatutugon dahil umurong na ang kanyang dila.
Parang tumigil ang oras sa tagal ng kanilang titigan at biglang pumasok sa isip niya na itanong ang pangalan nito,"Ano ang pangalan mo?", sabi niya.
Niyapos siya nito at bumulong ng...............Ate!Ate! gumising ka na at malalate ka na".
"Ate yun ba ang pangalan mo". "Ate!Ate! gising",unti unting nagising ang diwa ni Athena dahil sa yugyog at ingay ng kanyang kapatid na si Arianne.