Kea's pov
Ngayon maliwanag na sakin. Maliwanag na hindi talaga mahal ni Jazz si Jessy.
Wala na kong dahilan para magselos. At ngayon maliwanag na sakin ng nararamdaman ko. Inlove na nga ako kay Jazz.
Pero walang alm si Jazz tungkol sa nararamdaman ko.
Alam mo ba yung feeling na sya yung first love mo? Ansaya. Grabe. Pero feeling ko kaibigan lang ang tingin nya sakin.
Wala naman akong pake kung mahal nya si Jessy. Ang care ko lang eh kung mahal nya ko.
Ayoko kong masaktan no. Kaya di ako aasa.
--------
Isang linggo na ang nakalipas at napirmahan na ng mama nya ang mana nya.
At ngayon. Ngayon ang araw ng kasal nya. Well, magwowork kaya ang plano namin? I feel sorry for Jessy.
Abay ako sa kasal nila. At eto na. Nasa hotel ako at nagaayos. Nang biglang nagdoorbell si Jazz.
"Tara na?"
"Sige"
Sumakay na kami sa kotse na at nagdrive na.
-----
"Whoooo! I'm free sigaw nya habang hawak hawak ang ticket nya papuntang Japan.
Actually sya nkaisip non.
*flash back *
Nasa cafeteria kami habang nagpaplano ng gagawin nya para makuha ang mana nya ng hindi pinapakasalan si jessy.
"Eh kung sayo na lang kaya ako magpakasal" sabi nya sabay kindat sakin.
"Sira ulo to, edi ako nakinabang sa mana mo. HAHA" Pagbibiro ko.
"Alam ko na." Sabay tingin sakin ng nakakaloko. "Tatakas ako s araw ng kasal" dagdag nya.
"Ha? Sige. San ka pupunta?"
"Abroad "
Nalungkot ako sa sinabi nya. Ibigsabihin iiwan nya ko. Pumayag na lang ako dahil buhay naman nya yon. Hindi sakin.
"Wag kang mag alala. May surprise ako sayo bago ako
umalis"*End of Flashback *
"So pano ba yan? Mag isa nanaman ako?" Madrama kong tanong.
Ngumiti sya sakin at inakbayan ako.
" hindi ka na ulit magiisa" sabi nya habang nakaakbay parin sakin.
"What do u mean?"
Bigla nyang nilabas ang isa pang ticket. Shocks, para sakin ba yan?
"Oh, sasama ka sakin sa Japan"
"Huh? Pano ang trabaho ko?"
"Sakin ka kaya nagtatrabaho. Edi kung wala ako, Wala kang sweldo"
-_____-
May point nman sya.
"Eto ba yung surprise mo?'
"Oo" sagot nya.
Well. Natuwa naman ako. Pero pano sina Mama. Iiwan ko sila?
--------
Nasa airplane na kami. Yes, nagdisiyon akong iwan muna sila.
Masama ang loob ko sa kanila, pakiramdam ko kase, sakit lang ako sa ulo.
Kaya naisip kong magpakalayo. Sa abroad makakahanap ako ng trabaho.
At alam ko namang di ako pababyan ni Jazz.
Kinakabahan ako, lilipad na yung airplane. Jeez, tatalon na ba ko? Joke.
Hinawakan ni Jazz yung kamay ko
"Wag kang matakot, nandito si Superman mo"
Sabay nagwink sya sakin.
"At sinong may sabi na takot ako? Baka nga tumili ka dito sa loob ng eroplano eh"
Napikon sya kaya binitawan nya yung kamay ko. Haha galing ko talaga mang asar.
Maya maya unuga yung eroplano at napakapit ako ng mahigpit kay Jazz. Pakiramdam ko masusuka ako. Naliliyo nako.
--------
"Kea, psst! Uy gising. Nasa Japan na tayo... TADAAAAA!"
Nagising ako sa parang ewan nyang reaksyon.
Bumaba na kami ng airplane at sumakay sa kotseng dala ng isang Japanese na lalake.
"Sino sya?" Tanong ko.
"Sya si Shazu, best friend ko sya. Nakilala ko sya dito nung naging mag business partner ang parents namin." Ahhhhhhhhhhh! DAMI EXPLANATION -_______-
"Ok. Hi, Shazu" sabi ko at nanahimik na lang.
"Hello! Nice to meet u beautiful lady" sabi nya habang nagdadrive.
"Tss. Bolero pala ang Hapon no?"
Siniko ako ni Jazz....
"Bakit?" Tanong ko.
"Nakakaintindi ng tagalog yan."
Napatakip naman ako sa bibig ko.
"It's ok. I like ur attitude huh! So naughty" napatawa naman sya.
-__________- yeah naughty daw.
Sawakas nakadating na kami sa bahay. Malaki at maganda yung bahay.
May dalwang kwarto. Tapos may mini Bar.
----------
thanks for reading. Don't forget to vote.
BINABASA MO ANG
Secretly Married
RomansaJazz is a kind of a perfect guy. Pogi, mabait, at matalino. By the way, I am Kea, mahilig akong mambara specially to those people I don't know. In short, strangers. Hindi kase nauso sakin yung DON'T TALK TO STRANGERS haha. Pero one day, na in love k...