Do You Still Remember?

205 9 2
                                    

It was summer when we first met. We were both young but then naiinis ako sayo dahil sabi nila playboy ka daw. Seriously? sa ganong age palikero ka na? Iniiwasan kita pero bakit palagi na lang kitang nakikita sakay nung bike mo? Kapag alam ko na papalapit kana or nasa malapit ka lang, nagtatago na ako.Hindi ko kasi gusto yung nararamdaman ko kapag nakikita kita.Hindi ko alam kung naiihi ba ako, hinahalukay ang tiyan ko o nanlalamig ako.Ah basta, sari-saring pakiramdam ang napi-feel ko kapag andyan ka at hindi ko ito gusto.At nung lumaon tinukso kana ng mga common friends natin sa akin at lalo naman akong naiinis sayo dahil ngumingiti ka lang kapag nanunukso na sila.Alam mo ba na everytime na tinutukso nila tayo yung batang puso ko kumakalampag ng husto? Hindi ko gusto ang pakiramdam na yun kasi feeling ko nun anytime pwede akong matigbak dahil hindi normal ang tibok ng puso ko.Hindi ko yun alam noon kasi ang tanging alam ko naiinis ako sayo kaya hindi normal ang heartbeat ko.At lalo pa itong nagwala dahil sa balita na girlfriend mo yung bakasyonistang taga Maynila.

Iniiwasan talaga kita dahil ayoko sa lalaking playboy. Oo gwapo ka, cute kang ngumiti pero dahil playboy ka, ayoko pa rin sayo.

Minsan naglalaro kami ng mga kalugar natin sa daan nung bigla kang dumaan sakay ng bike mo. Huminto ka at tinukso ka na naman nila sa akin. Ewan ko kung anong engkanto ang sumapi sa kanila at bigla na lang nila akong pinagtulungan na isakay sa bike mo. At ikaw naman na isat~kalahating mapang~asar din pinaandar mo yung bike sa kabila ng pagpo~protesta ko.
Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko nung mga oras na yun. Siguro dahil angkas ako ng cute at gwapong katulad mo o dahil nabubwisit lang talaga ako sayo. Tinanong mo pa ako kung nahihiya ba ako sayo dahil iniiwasan kita pero hindi ako sumagot sa halip nagpababa na lang ako sa tapat ng bahay namin at hindi dun sa mga kalaro natin. Hindi ko kasi kayang sagutin yung tanong mo.Maging sa sarili ko kasi nun hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko sayo.

Simula nun ay palagi ko ng nakikita yang pagmumukha mo sa amin. Lalo na nung wala na yung bakasyonistang girlfriend mo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na lumalapit ka pero in fairness bukod pala sa gwapo ka eh mabait ka naman pala.At kahit paano naman naging malapit na tayo sa isat~isa.

Naalala ko pa nung minsan, Valentine's Day yun,binigyan mo ako ng card na may kasamang isang bulaklak, kinilig kaya ako nun kahit pa ang nakalagay sa card ay "from your friend". Nadismaya ako nung una pero ng lumaon sabi ko ok lang kasi bata pa naman tayo nun.

Lumipas pa ang mga araw at hindi ko alam na yung pagiging sobrang malapit mo sa akin ay nililigawan mo na pala ako nun. Malay ko ba, wala pa naman akong alam sa ganun. At isang araw nakatanggap ako ng sulat mula sayo, nagtatampo ka dahil parang balewala sa akin yung panliligaw mo, sinabi mong mahal mo ako at sabi mo pa na wala ka yatang pag~asa dahil hindi kita mahal. Hala! Gaya nga ng sabi ko, malay ko ba, hindi ko pa alam yung ganun.

Pero dahil gwapo at cute ka, kinikilig ako pag nakikita kita, sinagot kita at naging tayo. Ano ba tawag dun? Puppy love ba o first love? ah basta ang mahalaga naging masaya naman tayo sa loob ng mahigit isang taon.

Naalala mo pa ba nung binigyan mo ako ng love poetry?Ang ganda talaga ng ginawa mong yun. Sabi mo pinag-hirapan mo yun kaya na-impressed naman ako sayo.Na~inlove ka ba talaga sa akin kaya mo nagawa yun? Grabe ah! Haba naman ng hair ko.

Pero hindi mo napanindigan yung ibang sinabi mo dun sa tula mo.Hindi ko alam kung ano ang hindi natin napagkasunduan basta lumayo ka na lang sa akin at hindi na tayo nag-usap.Kahit mga sulat ko hindi mo rin sinasagot.Yun ang unang sakit na naranasan ko. Nagkahiwalay tayo dun pa sa panahon na sobrang mahal na kita. Nasaktan ako ng husto lalo na nung kabi~kabila na naman ang mga babae mo.

Lumayo ako kasi hindi ko na kaya yung nakikita ko at wala na akong ibang balita sayo kundi paiba~iba ka ng girlfriends.

May mga nanligaw rin sa akin na gwapong katulad mo pero ewan ko ba parang nakakakot na ang mga gwapo kaya hindi na ako sumubok pa uli. Hindi ko alam kung yun ba ang dahilan o baka dahil isang pangalan lang ang umookupa at nakatatak sa puso ko, nakaburda pa nga yata kaya hindi na matanggal.

Dumaan pa ang mga taon at marami ng nagbago sa buhay ko habang malayo sayo pero yung tibok ng puso ko para sayo, ganon pa rin.Kahit nakakapagod na mahalin ka, wala syang balak magpahinga.

Isang araw na naisipan ko na umuwi na sa atin,kung bakit naman sa dinami-dami ng tao dun ikaw pa talaga ang unang nakita ko sakay ng tricycle mo.Wow! hindi na bike ha,tricycle na.Hindi na ako nagpakipot ng isakay mo ako,for old times sake.

Hindi ko inakala na sa pangalawang pagkakataon ay papasukin mo na naman ang mundo ko. Isang araw bigla ka na lang sumulpot sa trabaho ko at sa araw pa mismo ng birthday mo. Ewan ko kung anung nakain mo, sabi mo napadaan ka lang. Sabi ko Happy Birthday na lang. Sabi mo buti tanda ko pa. Bakit naman hindi eh limang taon lang naman yung nakalipas simula nung magkahiwalay tayo.

Simula nun nagpapa~cute kana naman sa akin. Ewan ko nga kung ano yung nakain mo. Baka panis kasi may girlfriend ka kaya. At may ka~MU naman ako.

Bumalik ba yung feelings mo nun sa akin? Kasi ako kahit kailan hindi yun nawala, sabi ko nga di ba nakaburda na.

Kaya hayun back into each other's arms, kahit pa may sabit tayo pareho. Akala ng iba close lang tayo pero hindi nila alam nun nagde~date tayo ng palihim. Tanong ko nga pala, bakit mo ako binalikan? Kasi tanda ko prinsipyo mo yung pag ex na hindi mo na binabalikan. Eh ano tawag sa atin nun? Ex with benefits? Pero mas ok tayo kesa nung una natin siguro dahil nag~mature tayo pareho.

Pero dumating rin ako sa punto na nagsawa ako sa ganung sitwasyon nating dalawa. Ang hirap naman kasi. Hindi ba pwedeng tayong dalawa lang, wala ng sila? Pinapipili kita nun, siya o ako? pero ayaw mong pumili, ang sabi mo kahit sino sa aming dalawa. Ang gulo mo, syempre kung sino yung matimbang sa puso mo. Pero nahihirapan ako kahit ramdam ko naman na mahal mo ako. Di ba nga, pag mahal ka babalikan ka. Ang lakas lang na maka~JaDine ang peg mo nun.

Pero dahil mahal na mahal kita nun ako na ang kusang lumayo para hindi ka na mahirapang magdesisyon. Pero sinayang mo lang yung sinakripisyo ko dahil hindi naman sya ang nakatuluyan mo.

Alam mo pag naaalala ko yung nakaraan natin napapangiti na lang ako. Hindi man tayo ang nagkatuluyan sa ending ng story natin atleast may mga memories na nag~uugnay pa rin sa atin. First love never dies? siguro oo but true love can bury it. Ito na rin siguro ang masasabi ko, hihiramin ko lang yung linya sa kanta " I remember the boy but i don't remember the feeling anymore. "Hindi naman talaga kita nakalimutan. Ikaw ba ganun din?
Pero yung feelings siguro nandun pa rin pero sa ibang level na.

Maybe time can change the amount of love we have in our hearts.

But our memories together remains.

I Remember the Boy ( one shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon